Chapter 16

257 10 6
                                    

Kim's pov

Class dismiss na at papunta na kami sa mga locker namin.Pagkapunta namin doon nilagay agad namin ang mga
gamit namin at sumakay na sa kotse.Hinatid ko na si Angela sa bahay nila.Si Tin naman hindi sumabay kasi birthday daw ng bestfriend nya kaya sa bestfriend nya nalang daw sya sasabay.Hindi ko kilala yung bestfriend nya dahil wala syang pinapakilala sakin.Nasanay kasi ako na kilala yung mga bestfriend nya.

Hindi agad ako umuwi.Pumunta muna ako sa mall dahil wala naman akong gagawin sa bahay malinis na naman doon kaya okay lang.Bumili ako ng drinks ko at naglakad lakad at nang mapagod ako umupo ako sa bench.Medyo maraming tao pero baka mamaya ay konti nalang dahil mag gagabi na.Tinignan ko ang phone ko at nagcheck lang ng mga notifications.Itatago ko na sana ang phone ko ng biglang may nagmessage sakin.Unknown number?

From:09876543210

Psstt!! Nasaan ka??

Nag isip agad ako kung sino ang pwedeng magmessage sakin ng ganito dahil parang close na kami.

To:09876543210

Sino to?

From:09876543210

Hulaan mo :)

To:09876543210

Tsk! Sino nga?

From:09876543210

Ayy.. Galit agad? Baekhyun! Save mo ah! Si Tin nagbigay hahaha nasaan ka?

Nagulat ako sa nabasa ko.Si Tin talaga.Hindi na siguro ako dapat magulat kapag lahat ng Exo nagmessage sakin. Agad kong sinave ang number nya.

To:Baekhyun

Sorry haha ayan na save na.. Nasa mall ako bakit?

From:Baekhyun

Puntahan ka namin ah

To:Baekhyun

Bakit? Wag na

From:Baekhyun

Papunta na kami

Naghintay nalang ako wala akong magagawa eh.Sinabi ko kung nasaan ako at ilang minuto lang dumating na sila.Tumabi sila sakin sa bench at yung iba naman sa harap namin.

"Bakit pa kayo pumunta dito?"tanong ko

"Ayaw mo?"tanong ni Baekhyun

"Hindi naman baka kasi may gagawin kayo"

"Kaya nga kami pumunta dito kasi free time namin"sabi ni Suho

"Okay"

"Naalala mo yung sinabi namin na tutulungan ka namin na mapagbati si Angela at Tin?"tanong ni Baekhyun

"Oo"

"Gagawin na natin yun"

"Kailan tayo mag uumpisa? Saturday bukas eh"

"Edi mag park tayo bukas!"masayang sabi ni Chanyeol

"Park Chanyeol.."sabi ni Chen

"Huh?"tanong ni Chanyeol

"Wala"sabi ni Chen

Napangiti ako dahil maganda yun.

"Okay lang ba?"tanong ni Chanyeol

"Oo naman maganda nga yun eh madali lang naman yayain yung dalawang yun eh"

"Sige ah bukas magpapark tayo susunduin namin kayo"sabi ni Baekhyun

"Wag na may kotse naman ako eh"sabi ko

"Wag na para isang sasakyan lang gamit natin malaki naman yung van eh"sabi ni D.O

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

12 Boys Falling Inlove With 1 GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon