Kim's pov
Pagtapos namin kumain ni Angela ay pumunta na kami sa classroom. Hindi pa naman bell kaya may oras pa kami.Pagkapasok namin sa room nakita namin yung tatlo na masayang nag-uusap.Hindi nila kami napansin kaya walang nangyaring gulo.Pagkaupo namin sa upuan namin sakto namang pasok ng Exo.Kinuha ko yung libro ko para magbasa ng konti.Habang binubuksan ko yung libro bigla nalang nagsalita si D.O.
"Althea.. "
Natigil ang pag-uusap ng tatlo at bigla nalang tumayo si Althea nang nakangiti.
"Bakit D.O?"
"Anong ginawa mo kay Keyzie?"
"Keyzie??"
"Yung pinsan ko..Anong ginawa mo sa kanya?"
"Huh..?"
"Anong ginawa mo sa kanya!!"sigaw ni D.O
Hindi nagsalita si Althea.Pinakalma nila Chanyeol si D.O.
"Sino si Keyzie?"tanong ni Althea
"Pinsan ko nga!!"sigaw ni D.O
"D.O kumalma ka muna"sabi ni Suho
Umupo si D.O sa upuan nya kaya umupo na rin yung iba pati si Althea pero bakas sa mukha nya na naguguluhan sya.
"Althea gusto mo ba na lumabas muna tayo?"tanong ni Nicole
"Wag na baka dumating na rin kasi si Ma'am"
***
Mabilis na natapos ang klase.Nagsilabasan na ang iba kaya lumabas na rin kami.Habang naglalakad kami sa hallway nakita namin si Althea na hinila sa braso si Kai.Nasa harap kasi namin ni Angela yung Exo."Sino si Keyzie?"tanong ni Althea
"Pinsan nga ni D.O"
"Oo alam ko..Pero bakit tinatanong nya kung anong ginawa ko sa pinsan nya?"
"Kasi nakita namin na may sugat sya"
"Sugat?"
"Parang kalmot..Actually kalmot nga yun pero hindi naman malala"
"Bakit naman ako agad?"tanong ni Althea
"Ewan ko kay D.O"
"Keyzie!"tawag ni Chanyeol
Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Chanyeol.Napatingin rin yung iba pati na si Althea at Kai.Lumapit si Keyzie kay Chanyeol.
"Hi Chanyeol"masayang bati ni Keyzie
"Ikaw si Keyzie?"tanong ni Althea
Nakita kong unti unting nawala ang ngiti ni Keyzie ng makita nya si Althea.
"Ikaw yung pinsan ni D.O?"tanong ni Althea
Hindi nakasagot si Keyzie.Nakatingin lang sya kay Althea.
"Sya nga"sabi ni Kai
Lumapit si D.O kay Althea.Hinawakan naman sya agad ng mga kaibigan nya pero inalis nya din agad.
"Oo sya nga..Bakit?Anong ginawa mo sa kanya?"tanong ni D.O
"D.O.."pigil sa kanya ng mga kaibigan nya.
"Magsalita ka!"
"Althea!!"tawag sa kanya ni Cheska
"Akala namin umuwi ka na..Hinanap ka namin ni Nicole"
Walang pumansin kay Cheska.Nakatingin lang ang lahat kay D.O at Althea.
"D.O sorry hindi ko naman alam na pinsan mo sya eh"sabi ni Althea na tinuro pa si Keyzie.
BINABASA MO ANG
12 Boys Falling Inlove With 1 Girl
FanfictionMay isang babaeng transferee sa school na Exo University at nakilala nya ang Exo.Ang 12 na matatalik na magkakaibigan.Sa una ay hindi sila nagkasundo hanggang sa mahulog ang loob nila sa babae.May nakilala ang babae na nakakaalam ng sikreto ng Exo a...