First Day

457 13 0
                                    

SHARLENE'S POV

"Rise and shine my bestfriend!!!!!" Hi guys! Sharlene San Pedro here! 17 years old po. By the way, nandito ako ngayon sa kwarto ng bestfriend kong si Mika. Nag tataka ba kayo kung paano ako nakapasok sa kwarto nya? Well, kasi una sa lahat dahil bestfriend ko siya, bakit masama ba pumasok ng kwarto ng bestfriend nya? Hindi naman diba? Tsaka pangalawa, dito sa bahay nila ako natutulog. Wanna know why? Simple, kasi patay na ang parents ko sa car accident  at sa awa ng diyos mabait ang mama ni bestfriend kaya pinatuloy nila ako sa bahay nila. Tig-isa pa nga kami ng kwarto ni mika eh. Mayaman naman kasi sila eh and gaya nga ng sabi ng prolouge "kind girl who is working hard in school so that she could get into a good school to get a good job to pay off her parent’s debts". Sila ang may pinagkakautangan ng parents ko. Sa public school ako nag aaral NOON kasi nga poor lang ako. Pero may kumuha saakin na private school at "Father Lacombe" ang pangalan, kung saan nag-aaral ang bestfriend ko. Ang school na yan ay pinaka POPULAR na school dito sa amin. Matalino naman daw ako kaya kinuha nila ako dun. And this day is my first day at FATHER LACOMBE. Kaya ginigising ko si bestfriend kasi excited na ako pumasok sa school nila. 

(A/N: Hoo. Haba 'nun ah! kakapagod. xD)

"Ano ba bestfriend mamaya na. 5:00am palang oh, eh 8:30am yung pasok natin!" Sabi ni mika na kakaupo palang pero bumalik agad sa tulog. HAAAAY. :/

"Bestfriend naman oh! Gising naaa! Excited na'ko eh. Please. Please. Please. Please.?" Pagmamakaawa ko. Hindi yan tatanggi, for sure.

"HAAY. Pa'no ba ako makakatanggi? Hmmft. Oo na, oo na. Gising na po ako." See? Mahal ata ako niyan! ((;

------------------------------

Nandito kami ngayon sa dining room, kasalukuyang kumakain. Natapos na rin kasi kami maligo eh. Habang kumakain kami ni mika, bigla akong nasamid nung bigla siya nagsalita.

"Shar--. Hala bestfriend okay kalang? Anong nangyare?" Pag-aalala nyang tanong.

"Ay hindi bestfriend, hindiiii. Okay lang ako, PRAMIS!" Sakastiko kong sabi. Kasi naman nag tanong pa. Hahaha, joke lang po, mabait po ako ah? "Hindi joke lang bestfriend, okay lang ako. Ano ba yung sasabihin mo?"

Nag clear throat sya bago sya mag salita " Ah bestfriend, mag-ingat ka sa school mamaya ah?" sabi ni bestfriend. Bakit kaya? Baka may nang re-rape dun o kaya may mamamatay tao! Halaaa! Kinakabahan naman ako.

"Bakit naman bestfriend?" Tanong ko nalang. Ang OA ko naman kung sasabihin ko pa yung iniisip kanina 'no. Hahaha.

"Kasi may mga bully dun. Nerd ka pa naman, baka bullihin (bully) ka nila dun." Pag-aalala niyang sabi. Pero bago pa'ko mag salita, nag salita ulit siya. 

"Pero huwag kang mag-alala bestfriend, nandito naman ako eh. Di kita pababayaan!" Tapos nag smile siya sakin. YIIEEE. Ang swerte ko naman sa bestfriend ko <333

"Yieee. Ang bait naman ng bestfriend ko." Sabi ko tapos tumayo ako para yakapin sya. Hinug din naman niya ako pabalik.

"Oh sya sya. Tama na yang pag da-drama niyong dalawa, taposin niyo na yang kinakain nyo at ihahatid ko na kayo sa school nyo. Hahaha." Sabi ng mama ni bestfriend. 

"Ma'am yes ma'am!" Sabay naming sinabi ni bestfriend at nag salute. Tumawa nalang si tita.

----------------------------------

Nandito na kami sa school. There's only one thing i can say. And that is, 'WOOOOW'.

"WOOOOW! Ang ganda at ang laki! Baka mawawala ako nito!" sabi ko kay bestfriend. Kasi naman sobrang ganda at sobrang laki. I wonder who own this school.

"Kanila nash." Nagulat ako nung biglang nag salita si mika. Hala! Mind reader ba 'tong si bestfriend? o nasabi ko lang talaga yung tanong sa isip ko kanina? Aishh. bahala na. HAHAHA. XD 

"Huh? Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kanila Nash Aguas 'tong school na 'to.  Kaya mag-ingat ka din sakanya. Kaya niyang gawin lahat ng kung anong gusto niyang gawin dito sa school. Tsaka balita ko playboy at badboy daw sya. Madami siyang sinaktan, pinaiyak at pinaasa na babae." Sabi ni bestfriend.

"OMAYGASH Bestfriend! Don't tell me na isa ka sa sinaktan, pinaiyak at pinaasa na babae ha!" sabi ko sa kanya.

"Sira hindi ah! May gusto ako kay And---  Hala." Ha? Sino daw? May gusto sya kay And---? 

"HA? SINO?! Bakit 'dimo sinasabi sakin na may crush ka pala, ha?!" Galit kong sabi, kasi naman eh. Ba't di nya sinabi sakin na may crush pala sya? ://

"Ah wala wala. Next time ko nalng ike-kwento sayo. Punta muna tayo sa office para kunin ng schedule mo." Sabi nya. Haaay nako, si bestfriend talaga. Ang unfair. Pero syempre su-supportahan ko yung decision nya. Mahal ko yan eh.

"Sige na nga. Taraaaa!~" Sabi ko.

Nakuha ko na ang schedule ko. Magka-classmate kami ni mika sa LA(English), Social Studies, PE(Physical Education) and Religious Education(Religion). Buti nalang may 4 subjects pa na mag ka-klase kami. Hanggang 6 subjects lang naman eh. So mga 2:50 ang uwian namin.

"Best? Tara na sa first period natin!" sabi ni bestfriend.

"Taraaa!" Pakanta kong sabi. Excited na ako eh. Hahaha. LA ang 1st period namin then Social pagkatapos nun Break time na.

*RRRIIIIIINNNGGGG* 

Yaaaay! Bell na! Break time na! 10 minutes lang naman pero okay lang yun xD Pagkatapos ng break namin, 3rd period na. Math. 

"Best! kita nalang tayo sa cafeteria pag lunch na ha?" Sabi ni mika. Ano ba yan! magkakahiwalay kami ni bestfriend sa math subject :/ Pati rin sa Chemistry -.-

"Sige Bestfriend! See you!" Sabi ko at nag simulang mag lakad papuntang math room.

Nandito na ako sa math room, buti nalang hindi na ako mag re-recite kung ano pangalan ko, ilang taon na ako, blah blah blah. Buti nalang yung mga teachers nalng ang gumagawa nun at hindi kami. phew~

"Ah class? May new student tayo, sya ay si Sharlene San Pedro" Sabi ng teacher namin. "Sharlene san pedro? Can you stand, please? para malaman nila kung sino ka." Pag tutuloy ng teacher. At tumayo naman ako.

After how many minutes nag bell na rin. *RRRIIIIINNNGGG* 

YYAAAY! Lunch na! Sa wakas makakasama ko na si bestfriend! Nakakatakot kasi kanina eh, kung makatingin yung mga tao kala mo kakainin na ako. Yeah. That's how scary they are. 

"Best!" Tawag ko kay mika, nakita ko kasi siyang umupo sa may table.

"Oh bestfriend, Nandito ka na pala. Ano gusto mong kainin? Tara bili na tayo." Pagyayaya sakin ni bestfriend.

Sa wakas naka bili narin ako ng food ko, tapos na kasi bumili si mika eh. Nag washroom kasi ako, kaya pinauna ko nalang sya. At eto ako ngayon, kasalukuyang naglalakad papunta sa table namin ni mika. Hinahanap ko si mika, pero dko mahanap. kaya lakad lang ako ng lakad ng biglang may bumangga sakin.

*BBOOOGSSSHH*

================================================================

OOOOPPPSSSS. Cliff Hanger. HAHAHA. Peace guys! 

Sino kaya ang naka bangga kay  Sharlene? At ano kaya ang mangyayare?Well, its in you to find out in the next chapter! :))

Please vote and comment. And  please share it, if you don't mind.

THANKS! :))

The Nerd and the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon