Ms. Tuod and Mr. Kiss Stealer

432 14 2
                                    

NASH'S POV

Nandito ako ngayon sa kama ko, iniisip yung nangyare kanina after school. Sa totoo nga, ang daming tanong ng isip ko ngayon isa na dun kung bakit ko hinalikan si Sharlene San Pedro.Yes. Alam ko pangalan niya. Pano ko nalaman? kasi classmate ko siya sa chemistry, PE, and Math tsaka nung pinatayo siya ng math teacher namin noon ng tinawag siya. Waaiiit! Balik tayo sa story.

Sa totoo po talaga ay, hindi ko alam kung bakit ko hinalikan si sharlene. Kasi naman si alexa eh! Sinampal niya si sharlene kaya natanggal yung glasses niya at dahil dun kung bakit ko siya hinalikan, ang ganda kasi ng mata eh. sobra as in! Parang gumanda nga siya nung natanggal yung glasses niya eh.--

PWEH! Ano ba 'tong pinag sasabi ko! Para na tuloy akong bakla at hindi ako yun! Matino ako. Baka pag maging bakla ako, madaming babaeng magluluksa 'no. Ayoko knaman ng ganun 'no! Tsaka syempre sayang yung gwapo ko. *smirk*Ano kaya ang pwede ipagawa ko kay Ms. Tuod bukas?

(A/N: Ms. Tuod si Sharlene po yun. ^-^)

Ah! Alam ko na!! ipalinis ko nalang sakanya 'tong condo ko. And Yes po. Yes na yes po. May sariling condo po ako, binili ng mommy ko nung birthday ko, si daddy naman yung new car na ginagamit ko ngayon papuntang school. DODGE CHALLENGER yun mga brad! YEAAAH! So yun na nga, ipapalinis ko kay Ms. Tuod 'tong condo ko, syempre kasama ko siya baka may mawalang gamit eh. Pero syempre joke lang yun. Mukhang mabait naman siya eh, nerd nga eh.

--------THE NEXT DAY---------

**RRRIIIINNNGGGG**

Yes! Lunch na! Pero! asan na ba yung sharlene na yun?! Ba't di ko siya mahanap?! Kanina ko pa siya hinahanap ah! Hinanap sya sa locker niya, wala. Sa garden, wala. Sa computer lab, wala. Sa canteen, wala rin. Bumalik ako sa classroom, nagsasakaling nandun siya pero wala parin. Hanggang ngayon hinahanap ko parin siya, nag lalakad ako papuntang library, baka sakaling nandun na siya this time.. Ah yun! Nandito lang pala eh, kung saan-saan ko pa siya hinanap -.- Nakalimutan ko, nerd pala siya kaya sa library bagsak niya. tsktsk.

"Uy Ms. Tuod!" Tawag ko sa kanya.

------------------------------------------

SHARLENE'S POV

"Uy Ms. Tuod!" Familiar yung boses na yan ah. Tsaka familiar din yung 'TUOD' na yan. Hmmmm.....Kanino ko nga narinig yun?

"Uy, Ms. Tuod!" Yan na naman.

"Tuod tuod tuod!" AH! ALAM KO NA! Si Nash Aguas! Oo sya nga! HAHA. Sorry pooo. Nagyon lang nag sink in eh. xD

"Ano?! Tuod?! Gusto mo sapak? HA?!" Sabi ko sa kanya tas nag-glare ako sa kanya.

"SSSHHHH. Silence please." Sabi ng librarian.

"Oh yan tuloy, 'silence' daw. Tsaka bakit, Ms. tuod? Totoo naman ah. Tuod ka, tuod." Ay ang kulit naman nang lelong nito.

"Che! Manahimik ka nga. Tara nga sa garden baka mapa galitan pa tayo dito eh." Sabi ko tas nag umpisang mag lakad papuntang Garden.

-----------GARDEN------------

"Oh. Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ko kay kiss stealer. Nash.

"Number mo?" Huh? ano daw?

"Huh?" Tanong ko nalang.

"Ang sabi ko, Amina yung number mo. Ang slow mo naman." Ha? Number? Para saan? Gusto niya ba akong maging textmate? Bakit, kailangan pa ba?

"Oy.oy.oy. Wag kang mag-isip ng kung ano-ano jan ah! Hinihingi ko number mo kasi baka may ipapagawa ako sayo." Ahh. Yun lang pala. Hashtag. pahiya konte.

The Nerd and the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon