Inihatid ako ni Terrence sa bahay. He’s been doing this since the class started. Kasi yun yung starting point nang pagpapanggap naming as lovers. At sa konting panahon na personal kong nakilala si Terrence, masasabi kong isa siya sa pinakamabait at pinaka gentleman na lalaking kakilala ko. Siya yung lalaking sensitive sa feelings ng mga babae. Any girl would love to have him.
Di ko namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay naming. Kung di pa nya ako tinanong kung talaga bang okey lang ako eh di ko talaga yun mamamalayan.
“Terrence sorry ah??” I just felt saying sorry to him right now.
“huh para naman saan?”
“sa lahat, really di ko alam kung pano mo ko natatagalan.” I don’t know why pero napakadrama ko ngayon ah!!!
“Aesha alam mo naman kung bakit diba?”
Oo alam ko. Alam na alam ko..kasi nga daw mahal nya ako. isa pa yun sa nakakapakonsensya sakin eh..kasi alam ko namang alam nya ang plano naming ni Mimi. At nagsisisi ako kung bakit sya pa ang ginamit kong panakip sa pagsisinungaling ko kasi napakabuti nyang tao. Napatunayan ko ring yung mga sinasabi nya saking mahal nya daw ako nung secong year palang kami ay totoo pala. Akala ko talaga eh pinagtritripan nya lang ako. na isa lang sya sa mga lalaking na chachallenge sa mga babaeng ilap makipag relsyon. Na paraan lang nya yun para patunayan na kaya nyang kunin ang sino mang babaeng magustuhan nya. Pero mali kasi lahat nang yun eh..nararamdaman kung mahal nya talaga ako.
Haayyys kanina ko pa sinasabing napatunayan na ni Terrence na mali lahat ng mga akala ko sa kanya. Alam ko namang di nyu naiintindihan tung mga sinasabi ko.
Ganito kasi yun. Diba nga palagi na kaming nagkakasama ni Terrence. At naging kaibigan ko na siya at vice versa. Isang araw habang ginagawa ko yung research paper ko sa library ay sinamahan ako ni Terrence pinahiram nya rin kasi sakin ang laptop niya dahil nasira yung sakin nung panahon nay un.
Flashback
“aesha pasensya na huh pero kelangan ko munang pumunta sa SSG office”
“ano kaba Senator okay lang noh baka sugurin pa ako ng buong studentry ng school natin kung di mo magampanan yang trabaho mo.” Haha pang-aasar ko sa kanya. Oo senator sya nang school naming di nga rin ako makapaniwala eh.. nabulag daw ang mga estudyante sa kagwapuhan niya haha ang yabang talaga..
“haha sira ka talaga.” Ginulo nya yung buhok ko.
“oy ano ka ba!!kaasar ka huh !!nagiging habit mo nang guluhin yung buhay ko..ay dip ala yung buhok kop ala”haha natatawa kong sabi
“asuuus bumabanat ka na naman ..baka lalo akong ma inlove sayo nyan sige kah!”
“haha lol alis ka na nga !!”
“oo na aalis na ..nga pala kung wala ka nang maisip ehh nag research ako ng mga article na connected dya sa study nyo ..hanapin mo nalang dya at basahin baka makatulong yun sayo”
“really???”
Ting!!!ting !!ting!!! -----à yun po yung tunog nang bell na nasa mga library..yun pong pinapalo pag maingay ang mga estudyante hahaha !!!
Oooppppps!!!napalakas ata ang pagkasabi ko nung really !!hahaaha galit na naman ang librarian naming sakin nyan !!hahaha maingay daw kasi ako J sorry pooooo!!
“ang ingay mo talaga !!hahahaha !pagagalitan ka na naman nya !!hanapin mo nalang sa My Documents yung ni research ko..inilagay ko yun ng folder nakalimutan ko nga lang kung anong folder”
BINABASA MO ANG
I Still End Up With You
Ficção Adolescentethis is my first story :)) so pagpasensyahan nyo po sana ^^ kung ako lang sana ang masusunod... matagal na kitang tinanggal sa listahan ng mga taong pinapahalagahan ko... kaya lang di kaya eh T__T