I. Paligsahan ng mga Sang'gre

673 23 0
                                    

Sa kaharian ng Lireo..
Nagaganap ang paligsahan ng apat na sang'gre na sina Pirena ang nakaka tanda, Amihan ang pangalawang anak ng Reyna,Alena ang pangatlong anak at si Danaya ang bunso sa apat na magkakapatid. "Kung sino man ang manalo sa paligsahan na ito ay siyang hahalili sa inyong Inang Reyna" sambit ni nunong Imaw na isang Adamyan.

Patapos na ang paligsahan at halos sabay lang si Amihan at Pirena ngunit si Amihan ang nagwagi.

Reyna Minea: Masaya ako na ikaw ang nagwagi Amihan ikaw ay nagpamalas ng galing at ginamit ang iyong puso yun ang dahilan kung bakit ikaw ang nagwagi. Alena, Danaya,Pirena binabati ko rin kayo sa pagpapamalas ng tapang at galing.

Danaya: Akoy natutuwa sa pagka panalo mo Amihan binabati kita.

Alena: Sabi ko na nga ba na ikaw ang karapatdapat Amihan ako din ay natutuwa at..

Hindi na tapos ang pahayag ni Alena ng magsalita si Pirena..

Pirena: Tama na! Hindi ko na kayang marinig ang mga bati nyo kay Amihan sapagkat ako ang karapatdapat at hindi cya! (kanina nya pa pala kinikimkim ang galit at mga luha na ngayon ay kanyang nilalabas)

Reyna Minea: Pirena...

Pirena: Hindi Ina akong ang iyong panganay na anak kaya ako dapat ang humalili sa iyo!

Danaya: Tanggapin mo nalang ang iyong pagka talo dahil si Amihan ang karapatdapat na humalili sa Reyna, Pirena!

Pirena: Hindi! (habang umiiyak at ilang sandali at muli itong nagsalita habang nagpupunas ng luha) Ina ikaw ay aking hinahamon na labanan ako at kung akoy manalo ako ang papalit sayo.

Reyna Minea: ngunit Pirena kaya nga may paligsahan para patas ang pagpili sainyo.

Lalong nagalit si Pirena at sinugot ang kanyang Inang Reyna buti na lamang at napigilan cya nina Amihan, Danaya at Alena.Nakita ng kanyang Inang Reyna ang labis labis na galit ni Pirena at hindi cya makapaniwala na magagawa sakanya ni Pirena yun.

Amihan: Ina hinihingi ko ang iyong permiso na ako ang mag pataw ng parusa kay Pirena

Reyna Minea: (umiiyak) Pirena tama na.. hindi ko gusto na mawala sakin ang panganay kong anak.

Amihan: Ina...

Danaya: Isa kang taksil Pirena,hinahamon mo ang ating inang Reyna.

Pirena: Dahil ako dapat ang magiging reyna at hindi si Amihan! (balak nya muling sugurin ang kanya ina ngunit napagilan ulit cya ng kanyang talong kapatid)

Reyna Minea: Amihan ikaw na ang mag pataw ng parusa kay Pirena.

Amihan: bibigyan kita hanggang bukas para magbago Pirena.. nawa'y makapag isip isip ka.

Danaya: Mga kawal ikulong nyo si Pirena sa kanya silid at itali upang di makawala..

Alena: Danaya hindi mo kailangan ipatali si Pirena..

Danaya: Siya ay makakapag laho kung hindi cya itatali.

Pirena: Hindi nyo ito maaaring gawin sakin.

Amihan: Mga kawal sundin nyo na ang utos ni Danaya.

-----------------------------------------------------------
Hi sa mga nagbabasa 1st time ko gumawa ng story sana magustuhan nyo RasTro Shippers/Rebels. To be continued subukan ko mag update soonest!

When Pirena meets Rhian Ramos (Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon