Pagkagising ko kinaumagahan, nanlulumo ako dahil hindi ko na mahanap.
Asan na ba kasi yun? Kagabi ko pa iniisip kung saan ko nga ba nailagay kaso hindi ko talaga mahanap.
Ang pagkakaalam ko kasi talaga nasa bag ko. Hindi ko naman kasi iniiwan yun at lagi kong daladala kahit san ako pumunta.
Ayokong mawala yun dahil yun na lang ang nag-iisang alaala niya sa akin.
It's a picture of me and him. A picture when we are still a kid. Kaso hindi na niya ako binalikan. Pero hanggang ngayon hinihintay ko parin siya. Umaasang tutuparin niya yung pangako niya. Kaso 10 years na ang lumipas kaso hanggang ngayon wala parin akong balita sa kanya. Until now, there's no sign of him, even a letter. I think nakalimutan na yung pangako niya, ako.
Bahagyang sumakit ang dibdib ko sa iniisip kong baka nga totoo.
Hindi ko namalayang tumutulo na naman ang luha ko.
"Bakit lagi ka na lang bang umiiyak?" Biglang nagsalita si rain.
"Ah...um." Hindi ako makaisip ng idadahilan pero ngumiti na lang ako sa kanya at pinunasan ang mga luhang ito na hindi dapat.
"Shhh. Tama na." Lumapit siya at niyakap ako para patahanin.
Mula highschool at hanggang ngayong college ay magkasama na kami ni rain sa iisang bahay dahil sila naman ang may-ari nito. Boarder lang ako rito pero parang pamilya na ang turing nila sa akin.
Pag-umuuwi lang ang mama niya ay doon lang kami nagkakaroon ng kasama dito. Dalawa lang kami madalas dito sa bahay pero lagi kaming aso't puso. Minsan kasi mabait siya, sweet and caring, katulad ngayon. Pero madalas siyang nang-iinis at sobrang nakakaasar siya.
Actually, lalaki siya at magkahiwalay kami ng kwarto pero magkatapat lang kaya siguro nakita niya agad akong umiiyak na naman.
"Th-thank you rain." Sabi ko at tumahan na.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Ganun din siya sa akin at pinitik ang noo ko.
"What's that for?" Nakakaasar talaga siya. Kanina ang sweet tapos bigla na lang mananakit.
"Dahil ang panget mo. Umiiyak ka pa." Sinabi niya at tumayo na.
"Anong sabi mo? Ikaw nga mas panget jan."
And he grin at me.
"Talaga? Ako panget?" At mas inilapit niya pa ang mukha sa akin."Baka nga mainlove ka na lang sa akin nyan." Inilapit niya pa nang inilapit ang mukha at akala ko ay hahalikan na niya ako.
Pumikit na lang ako at hinihintay ang paghalik niya kaso hindi yun ang nangyare.
Pinitik niya ulit ang noo ko at tumakbo.
"Urrrgghhhh. Raaaainnn!!!" Asar kong sabi at hinabol siya.
Tawa lang siya ng tawa habang tumatakbo. Oo, hinahabol ko siya at nakarating kami ng kusina, nag-iikot sa may lamesa. Hinaharang pa nga niya yung mga upuan sa akin. Ang daya talaga.
"Tama na yan. Malalaki na kayo hindi na dapat kayo naghahabulan." Napatigil naman kami at hinarap si tita. "Tara kain na tayo. Umupo na kayo."
"Sorry tita. Si rain kasi." Sabi ko at umupo na lang.
"Anong ako. Ikaw kaya, pikit pikit kapa. Akala mo naman hahalikan kita. Hindi ka pa kaya nagtoothbrush. Kadiri no." At tawa na siya ng tawa.
Habang ako, namula dito sa kinauupuan ko at hiyang hiya sa pinagsasabi niya. Sinabi pa niya sa harap ni tita. Kainis talaga to. Mamaya ka sa akin.
BINABASA MO ANG
Fall in line
Non-FictionThere's no harm for trying. Just do what makes you happy then in the end you will see if it is worth the risk because there is only two people that will enter into your life, it's either it will teach you a lesson or will stay with you until the end.