Chapter 3

8 0 0
                                    

15 mins na pero wala pa yung prof namin. Yung iba kong kaklase tapos na yung ginawa nila kaya maingay na at nagdadaldalan. Habang ako, ito nasa upuan at hindi na alam ang gagawin dahil walang maipapasa.

"Ms. Gomez, may naghahanap po sa inyo sa labas." Sabi ng isang hindi ko kilala. Pero sobra siyang makangiti habang pasigaw na sinasabi iyon sa buong klase.

Sino naman kaya yun? Wala naman kasi akong masyadong kakilala sa school na to. Hindi rin ako masyadong nakikisama o pala-kaibigan. Hindi naman sa hindi ako friendly o masungit, pero kasi ano. Ewan ko, wala lang akong nagiging kaibigan. Actually, meron akong naging kaibigan. Dalawa pa nga, kaso hindi ko na sila nakakasama ngayon dahil magkaiba na kami ng schedule, magkaibang subjects at rooms kaya hindi na kami nakakapagkita.

Napansin ko, halos lahat ng pumapasok na babae dito sa room ay nakangiti at yung iba mukhang kinikilig.

Sino ba yun? Lumabas na lang ako tinignan kung sino ang nasa labas.

Palabas na sana ako at titignan kung sino yung naghahanap sa akin, kaso bigla na lang dumating yung prof.

Napilitan tuloy akong bumalik sa upuan at hinayaan na lang kung sino man yun. Siguro hindi naman mahalaga.

Napaisip ulit ako kung paano ko mabibigyan ng solution yung assignment ko. Biglang nanlamig ang mga kamay ko at pinagpawisan ng malamig. Sobrang big deal kasi sa prof namin ang paggawa ng mga pinapagawa niya. Ang pagiging responsable daw ang isa sa mga bagay na gusto niyang ituro sa amin.

Bago pa man sabihin ni mam na ipasa yung mga assignment ay biglang may kumatok.

"Yes, mr. Mariano? How can I help you?" Sabi niya ng may ngiti. Bihira lang siya ngumiti dahil stricto talaga siya.

Mr. Mariano? Mariano? Mari--what? Don't tell me si--

"May I ask if I can excuse miss gomez for a while Mrs. Chinayo?" Sabi ng buo ngunit hindi kalakasang boses ng isang lalaki. Tumingin sa kanya ang lahat kasama ako na hindi makapaniwalang nandito siya sa room na ito. Dahil malayo ang building nila at bihira lang siyang gumawi rito.

Yung ibang ngumingiti at kinikilig kanina ay biglang napalitan ng pagtatanong at pagtataka. Maging ako rin naman nagtatanong e.

"Okey. Just make it quick Mr. Mariano." At nakangiti parin siya kay Rain. Nang tumingin naman siya sa akin ay biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Tumayo na lang ako dahil natakot ako sa tingin ni Mrs. Chinayo sa akin.

Nakita ko ring nagbubulungan na ang mga kaklase ko at yung iba inirapan at sinungitan ako.

Yumuko na lang ako at binilisang lumabas.

"Rain, bakit ka nandito?" Bigla kong tanong at hinila ko siya palabas ng room.

Hindi siya nagsalita pero may binigay siyang papel na medyo makapal. Medyo napatitig ako sa papel.

Magtatanong palang sana ako kung ano yun kaso nakaalis na siya at medyo malayo na. Ang bilis naman ata niyang umalis. Tumatakbo na rin siya papunta sa building kaya hindi na rin ako nagtangkang sumigaw dahil sigurado akong nakakahiya iyon.

Nang pumasok ako sa room at umupo sa upuan ko ay nagbubulungan parin sila. What's wrong? I don't get it.

Pagkabukas ko ng papel ay nakita ko ang sobrang haba pero ang gandang sulat. Omygosh! Ginawa niya yung assignment ko. Hindi lang limang papel na puno kundi 12, TWELVE! 12 pages. Omygosh. Bakit ang bilis naman niya atang magsulat at ang ganda pa ng sulat.

In-scan ko lahat ng page at nagulat sa lahat ng nakasulat. Ang galing lang dahil hindi ko naman sinabi sa kanya ito, kung ano yung assignment ko, kung ano yung mga ilalagay at kung ilang minimum na page. Pero wow.

Fall in lineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon