Chapter 4

4 0 0
                                        

Nagising ako dahil sa alarm clock. Gusto ko pa sanang matulog kaso may kailangan akong gawin.

6 am palang pero kailangan ko ng bumangon. Aayusin ko pa kasi yung requirements ko para makaapply ng scholarship. Kailangan ko nun para makatulong ako sa family ko sa mga gastusin. Hindi ko naman gugustuhing walang nagagawa para makatulong dahil alam kong hindi lang ako ang pinag-aaral ni mama.

Oo nga pala, sa makalawa ay pupunta sila dito. Sobrang naeexcite tuloy ako. Sobrang namimiss ko na rin kasi sila, lalo na yung makulit kong kapatid. Sana ay ayos lang sila.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili ko ay inayos ko na rin yung mga gamit kong dadalhin. Alam kong tulog pa si rain kaya makakaalis ako ng maayos. Baka makabangayan na naman kasi kami kung nagkataon. Hindi ko pa kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya kung magkaharap kami pagkatapos ng nangyare nung isang araw.

Pagkatapos ng klase ko ay naglakad na agad ako pauwi. May mga kailangan pa kasi akong tapusing assignment. Ayaw ko na ulit mangyare yung nangyare kanina. Buti na lang talaga isinalba ako ni rain.

Habang naglalakad ako ay naisip kong may daanang bilhin. Pero habang naglalakad ako ay biglang umulan.

"Hala. Naiwan ko nga pala yung payong ko." Sabi ko sa sarili habang naghahanap ng masisilungan ngunit wala akong makita dahil nasa gitna pa ako ng daanan.

Hindi! Ayokong magpabasa ng ulan. Saan na ba ako pweding sumilong? Kailangan ko ng tumakbo.

Pero habang tumtakbo ako ay sobrang lumalabas ang ulan. Hindi, ayoko ko. I hate rain. I hate it.

Hindi ko mapigilang umiyak. Oo, medyo weird pero ayoko, ayokong umuulan, ayokong nababasa ng ulan, ayoko. Please. Huhuhu.

Nanginginig na ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong mahanap na masisilungan.

Pakiramdam ko kasi ay mag-isa ako at lahat ng tao ay iniiwan ako. Umiiyak na lang ako ng umiiyak. Takbo ako ng takbo kaso wala talaga akong mahanap.

Ano ba pang use ng paghahanap ko ng silungan kung basa na rin ako. Kung nabasa na rin ako.

Napagod akong tumakbo at naupo na lang ako at niyakap ang aking tuhod.

"Pa, papa! Huhuhu" iyak lang ako ng iyak. Papa, bakit umulan pa. Pa, alam mo namang nasasaktan ako kapag umuulan. "Pa, I need you. Paaaaaa!!!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung may nakakarinig man sa akin pero wala akong pakielam. Basta ang alam ko ayaw ko ng nangyayare. Ayaw kong nababasa ng ulan.

"Pa, I missed you." I really do. Iyak lang ako ng iyak pero naramdaman kong wala ng ulang tumululp sa akin katawan.

Timingala ako upang tignan kung umuulan pa pero sobrang nanginginig talaga ako.

Pagkatinga ko ay may nakita akong payong na blue at may isang lalaking nakatayo doon at nakahawak dito. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nanlalabo na ang mata ko sa ulan at siguro ay dahil sa mga luhang ito na kanina ko pa pinipigilan ngunit kusa talagang kumakawala sa mga panahong ganito. Sobrang nanginginig na talaga ako.

Nanatili lamang siyang nakapayong sa akin at hindi man lang nag-abalang magsalita. Pinilit kong tumayo upang magpasalamat pero nanghihina at nanlalambot ang mga tuhod ko. Nanginginig parin ako at umiiyak. Hindi ko kasi mapigilan. Medyo humina na rin naman ang ulan kaya inaasahan kong aalis na rin siya pero hindi niya ginawa yun at unti unti siyang lumuhod upang magkalevel na kami. Gusto ko mang makilala siya ngunit masyadong nanlalabo ang mga mata ko.

"Shh. Tama na. Nandito lang ako. Magiging okey din ang lahat." Sabi niya sa akin ng malumanay. Naramdaman ko ang kanyang pagyakap at alam kong basang basa na rin siya.

Fall in lineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon