Chapter 1

6 0 0
                                    

Kalalabas ng professor namin ay agad din akong tumayo at naglakad na rin upang lumabas.

Sa wakas ay makakauwi na rin ako.

5 subjects lang naman ako ngayong araw pero walong oras ang ginugul ko para doon.

Nalate kasi akong nagising kaninang umaga dahilan upang malate ako sa una kong klase. Kahit gusto ko mangsisihin ang traffic sa pilipinas ay di ko na gagawin. Kanina lang naman ako nalate dahil hindi talaga ako sanay na maaga ang klase ko ngayong semester.

Dahil late na nga ako nagising, edi hindi na rin ako nakakain.

Pagkalabas ko ng building namin sumalubong ang malakas na ulan at malamig na hangin.

Sa mga panahon na ganito gusto ko na lang hilingin na sana may naghihintay sa akin tuwing matatapos ang klase ko at ihahatid ako pauwi. Pero hanggang pangarap lang iyon dahil hindi maaari, hindi ako pweding magpaligaw at hindi pweding magkaboyfriend. Yun kasi ang pangako ko sa sarili ko hanggat hindi pa ako nakakapagtapos sa pag-aaral. Oo na, hindi na uso yun sa panahon ngayon pero hindi rin dapat ako nakikiuso.

Gabi na rin at marami rami naring nagsisiuwian. Inilabas ko na lang ang payong ko upang magsimula ng maglakad. Hindi ko pa kasi napagawa tong payong ko pero pwede pa namang pagtyagaan. Kailangan kong magtyaga para may maipon.

Naglalakad lamang kasi ako galing ng school papunta sa paradahan namin. Sobrang haba na naman ng pila, ano pa nga ba ang aasahan ko.

Habang nasa pila ako, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano ano. Ang tagal ko kasing grumaduate, gusto ko ng makapagtrabaho para naman may maitulong na ako sa mga magulang ko. Alam ko kasing hirap na hirap na rin sila para pag-aralin kami ng mga kapatid ko.

May dumating ng jeep dahilan kung bakit umuusad na ang pila. Kinuha ko na yung perang barya na natira sa akin.

Apat na piso na lang pala ang natira. Kinalkal ko ang bawat bulsa at laman ng bag ko para magbakasakaling may nailagay akong barya para pandagdag sa pambayad ko. 6.75 pesos kasi ang pamasahe kapag student kaya kulang pa ako ng 2.75 pesos. Ng wala akong mahanap na kahit na piso ay inulit ko ulit kalkalin.

Inilagay ko sa harapan ko yung bag at isinabit sa balikat ang sabitan nito ang hindi ako mahirapan gaano.

Kinalkal ko ng kinalkal ngunit wala parin. Halos magulo na mga gamit ko at yung ibang papel naman ay nagsitapunan.

"Lord please, kahit 5 pesos lang po. Kailan ko po talagang makauwi." Bulong ko habang nangangalkal parin sa bag.

Medyo malayo kasi yung boarding house ko sa mismong school ko kaya kailangan kong sumakay ng jeep. At kahit naman gusto kong maglakad ay sobrang lakas ng ulan at sobrang lamig. Baka mapagalitan din kasi ako kung ganoon dahil mag-isa lang akong maglalakad at babae pa ako. Lagi pa naman akong pinagsasabihan ni papa.

Nung wala akong mahanap kahit anong pilit ko, gusto ko ng umiyak. Hindi ko na alam kasi gagawin ko dahil baka hindi ako payagang makasakay.

Hindi ako naabutan sa pila upang sumakay sa unang jeep na dumating kaya naghintay ulit kami. Inilabas ko yung cellphone ko pero lobat. Pero kung sabagay, sino naman tatawagan ko para pumunta rito at pahiramin ako ng pamasahe. Wala. Wala kasi akong kasama dito dahil dito lang naman ako nag-aaral. Taga malayong probinsya kasi ako at piniling dito mag-aral kahit mag-isa upang makalayo at ayokong manatili doon. Alam kong maraming sasabihin ang mga kamag-anak ko kung ipagpapatuloy ko ang pangarap ko. Gusto kong lumayo para may mapatunayan kahit ibig sabihin nun ay malayo rin sa pamilya ko.

Malalaman mo lang talaga ang kahalagahan ng piso dahil sa pamasahe. Hay. Sabi ko na lang ulit sa sarili ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagdasal na sana pagbigyan ako ng dispatcher at papakiusapan ko na lang siyang bayaran kinabukasan.

Fall in lineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon