Nandito ako ngayon sa library. Exam week na kasi namin kaya kailangan kong mag-aral. Actually last subject na lang ang natitirang subject sa akin at tapos na. Mamayang 2 pm na lang at pwede na akong umuwi. Binabalak ko rin kasi pagkatapos nito ay uuwi ako para makapagpahinga. Ilang araw na rin akong puyat dahil kailangan talagang mag-aral. Hindi kasi ako kampantenkung papasok ng walang alam kahit konte lamang sa lessons.
Nang may nagsidatingang mga lalaki na pinagtitinginan ng lahat. Hindi ko sila kilala kaya hindi na ako nag-abalang tumingin pa.
Sa tabing mga upuan ko na lang pala ang bakante kaya napansin kong doon papunta ang mga kalalakihan.
Hindi ko parin sila pinapansin dahil ilang minuto na lang din naman at papunta na ako sa klase ko. Kailangang maaga kasi pumapasok kapag exam days dahil may ibibigay pang instruction yung prof tsaka kung sakali ay may ibigay pa siyang additional information.
"Miss, may kasama ka ba? Can we sit beside you?" He asked me.
Napatingin naman ako sa kanya.
Okey, alam ko na pala kung bakit sila pinagtitinginan at akala mo e gigibain ang library dahil sa pigil na tili ng iba.
"Okey." Walang gana kong sagot at tumingin ulit sa librong binabasa ko. Kailangan kong magmemorize ng maramingg articles dahil kahit comma at tuldok lang ay imamali ng prof namin kaya kailangang memorize mo lahat pati ang a at the. Mahirao talaga pero kailangang kayanin.
Kung tutuusin nga, swerte pa nating mga studyante sa college dahil sa dami dami ng mga kabataan ay hindi na sila nakakaabot sa ganitong level ng education. Hindi dahil hindi kaya ng kanilang metalidad, kundi ay dahil hindi kayang tustusan ng kanilang mga magulang kaya napwepwersa silang maghanap na ng trabaho kahit sa pagiging minor de edad, hindi dahil sa ginusto nila kundi kinakailangan.
Isa pang dahilan kung bakit kailangan nating pahalagahan ang ating pag-aaral dahil ito na lang din ang ating maipapambayad sa lahat ng hirap ng ating mga magulang at ito lang kanilang inaasam, ang diploma at hindi marriage contract. Pero simple lang naman ang gusto kong sabihin. Marerealize lamang nating ang kahalagahan at kasaya ang pagiging studyante kung nasa trabaho na tayo o saan mang lugar, dahil ang iniisip mo lang ay ang maipasa ang exam at quizzes mo at hindi bumagsak sa final grade habang ang mga nasa trabaho ay sila iintindi ng lahat.
Pero syempre yun yung mga studyanteng suportado talaga ng mga magulang sa pag-aaral.
"Miss, may ballpen ka ba?" Biglang tanong ng katabi kong lalaki. Hindi na siya yung nagtanong sa akin kanina kung pweding makiupo.
"Um. Ito." Hindi ba dapat may sarili siyang ballpen? Mukha naman silang mayaman at ang poporma pa nga ngunit walang ballpen.
Kinuha na lamang niya at ngumiti.
Tinignan ko ang oras at 10 minutes na lang kailangan ko ng pumunta sa room ko.
Tumayo na ako at inayos yung gamit ko. Medyo nagmamadali na rin ako dahil medyo nasa pangatlong building pa yun at kailangan ko ng takbuhin.
Pumunta na agad ako sa counter at kinuha yung bag ko.
Pagkapasok ko sa room ay saktong wala pa yung prof ko, woooh. Thank you Lord.
Pagkaupo ko ay inayos ko na yung sarili ko at nagpray na. "Lord, give me knowledge and wisdom. Remind me of all the words that I memorize. Amen." Mag-uumpisa na yung exam pero hinanap ko yung ballpen ko.
Asan na ba yun? Nag-iisa lang kasi yung ballpen ko at tatumbas yun ng apat na araw kong baon, yun kasi ang required sa amin. Kaya lang naman ako nag-aaral sa school na ito ay dahil may nag-alok sa mama ko na dito mag-aral.
![](https://img.wattpad.com/cover/45423466-288-kb2895d.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall in line
NonfiksiThere's no harm for trying. Just do what makes you happy then in the end you will see if it is worth the risk because there is only two people that will enter into your life, it's either it will teach you a lesson or will stay with you until the end.