"Ano na naman ba to erin?? Pang ilang school na ba to na nilipatan mo huh? Hindi ka na talaga nagbabago "Galit na galit na sigaw ni dad. Nakatuon lang ang paningin ko sa labas at parang walang naririnig dahil sumakit talaga yung kamao ko dun sa sinuntok ko kanina.
*FLASHBACK*
Nakaupo ako sa bench ng school namin habang kumakain ng favorite kung chocolate na dairy milk ng biglang may nambato sakin ng bola.
"Hoy ikaw ba ang transferee huh?? "
Ng may biglang lumapit sakin na lalaking matabang mataba siguro nasa 70 ang timbang niya dahil ang taba taba niya talaga at may kasama pa siyang mga asungot. Kung anong itinaba niya siya namang kinapayat ng tatlong kasama niya.
Hindi ko naman sila pinansin at patuloy lang akong kumakain. Dahil ngayon ko lang ulit natikman itong favorite ko. Kaya bumili na ako ng sampung dairy milk at yun ang kinain ko buong araw..
"Hoy babae! Bingi ka ba huh??? Pag kinakausap kita. Sagutin mo ko,"
Muling sabi ng mataba.
Hindi ko parin siya pinansin at patuloy lang sa pagkain ng bigla niyang agawin sakin ang kinakain ko. Tiningnan ko naman siya ng masama."Wag na wag mo kong tignan ng ganyan. Hindi mo ba ako kilala huh??? Ang lakas lakas ng loob mong hindi ako pansinin. Baka gusto mong makakita ng falling star ng umaga?"
BINABASA MO ANG
The Secret Me
FanfictionPaano kung malalaman mo nalang na ang lahat pala ng taong nakapaligid sayo ay puro kasinungalingan lamang. At ang taong minamahal mo ay ang siyang kinabibilangan pala ng pamilyang kinamumuhian mo. Would you still fight for your feelings for him...