"Erin's P.O.V"Bigla namang naagaw ng atensyon namin ang pagbukas ng pinto at pumasok si mrs. Olivares
"Makakalabas na kayo its already 5".
What?!! 5 na pala? Hindi ko man lang namalayan ang oras. Muli ko namang tiningnan si Ace at nakatayo na siya sa harap ko hawak ang bag niya. Bigla namang nawala ang emosyong pinakita niya kanina. Bumalik na sa normal ang kilos niya na parang walang nangyaring kakaiba. Weird.
"What are you looking at??? Lets go ! I'll treat you a dinner". Nakangiting sabi niya.
Really??? Si ace manlilibre?? Marunong palang manglibre ang tukmol na to.
"No thanks. I can buy my own food. May pera naman ako". Masungit na sabi ko.
Pero ang totoo gusto ko talagang sumama. Sino ba namang tanga ang tatanggi sa libre??? Dah? Mayaman ako pero tumatanggap parin ako ng libre nuh! Inaantay lang talaga ako ni shanaya kaya hindi ako pwedeng sumama.
"Tss! I dont remember saying that you dont have money. I just want to treat you". Nakangiti paring sabi niya. "Please. I'll buy anything you want to eat. Specially Fried chicken. May alam pa naman akong masarap na fried chicken dito ". Dagdag pa niya.
Lumaki naman agad ang mata ko sa narinig ko..
Agad ko namang kinuha ang bag ko. At naunang lumabas. Gulat naman siyang napatingin sakin."Ano pang tinitingin tingin mo??? Lets go". Masungit kunwari na sabi ko.
Ngumiti naman siya at agad sumunod na sakin.
Hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita ko ngayon. Hindi ko akaling may mall pala dito sa school nato. At andami pang restaurant na sa tingin ko ay masasarap. Bigla naman akong napatigil sa may shop na puro chocolate cake. Waaaahhh.. Ang sarap sarap nila tingnan. Gusto ko silang kainin lahat.
"Want some?". Tanong ni ace. Tumango lang ako bilang sagot dahil hindi talaga maalis ang mata ko sa mga chocolate cake. May mga barbie pa na chocolate. Frozen, mga Avengers na cast.
Hinila niya naman ako at agad kami umupo. Saka kami nilapitan ng waiter.
"What do you want to have maam sir?"
"I would like to have a chocolate cake,chocolate ice cream and chocolate shake". Agad namang sabi ko. After a few minutes dumating na ang order ko. Agad naman akong lumamon.
Munch munch munch..
"Uhhhhmmmm!!! Ang sarap talaga. Grabe heaven". Kumakain paring sabi ko. Napatingin naman ako sa katabi ko at tahimik lang siyang nakatingin sakin habang nakapangalumbaba pa na half open pa ang bibig. Which is ang gwapo niyang tignan.
"Hindi ka ba kakain?". Tanong ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot at ganun parin ang posesyon niya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Hanggang sa maubos ko ang lahat ng inorder ko.
*BUURRRRRRRRPPPPP*
Agad naman akong napatakip sa aking bibig dahil sa kahihiyan. Shit! Ang lakas pa naman nun. Kahiya. -_-
''Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha"
Tiningnan ko naman ng masama si ace na halos mamatay sa katatawa at hinahampas hampas pa ang mesa at namumula pa ang mukha.
"Hahahahahahahahahahahahahah. What the! Your so- hahahahahahaha I cant hahahahahaha"
Hindi parin siya tumitigil sa katatawa. Agad naman akong tumayo at lumabas ng shop. Buwisit talagang ace na yun.Pagtawanan ba naman ako. Eh ano naman kung malakas akong dumighay. Tsk!
BINABASA MO ANG
The Secret Me
FanficPaano kung malalaman mo nalang na ang lahat pala ng taong nakapaligid sayo ay puro kasinungalingan lamang. At ang taong minamahal mo ay ang siyang kinabibilangan pala ng pamilyang kinamumuhian mo. Would you still fight for your feelings for him...