CHAPTER 2 - PART 3

19 2 0
                                    

Authors Note: Hello guys. So if you ever wonder why I split Chapter 2 into 3 parts. Its because someone sent me a message regarding how short the story is, in every chapter. So dinugtungan ko. ;-)
Thank you for the suggestion guys. So let me know in the comment what should I apply next in writing this story? Support me guys by Voting and have fun reading. With 800 plus words.

Ron's POV

Niyaya kaming tatlo ni Emman kasama yong bago nyang girlfriend at biglaan naming pagkikita ni Jolina ngayon.

Sa aming paglalakad ay pansin na pansin ko yong distansya nila Emman at Lyca. Awkward silang tignan bilang boyfriend and girlfriend. Iba kasi yung distansya ng dalawa at parang distansya ng hindi mo naman kilala.

Ang hirap pa nito ay ang tahimik nila. Kahit tinginan nalang ng dalawa ay hindi ko nakita.

"Wow. Award-winning talaga! Best actor and actress ng the walking dead season 13. And the award goes to...!"

"Shh... 'Wag kang ma ingay Zeus. Prusisyon to patungo sementeryo." nagpaparinig din tong dalawa. Nahalata na siguro nila. Sina Emman naman, bingi-bingian yung trip.

Sabi ko sa kanila," Guys, ang love parang Rubberband... The more distance they make, the more chances of death."

"Huh?" Loading yung dalawa. I-explain ko na nga!

"More chance of death dahil kung lalayo pa si Emman masasagasaan sya. Si lyca, mahuhulog sa kanal. Oh ano, 'di parin gets?!" NAKAKA STRESS!

"Ahhh..." sabay tango ng dalawa.

"May sense naman. At least you try your best biba?"Sabay tapik sakin no Jun. Lakas din tong mang-asar.

Tuloy-tuloy parin ang biruan hanggang boulevard.

Sa aming paghihintay ay bigla na lang tumunog yung phone ko.

"Ron, naka white sleeveless ako tapos cyan tube yung upper ko. ; )" text message ni Jolina.

"Sa pagtayo ko ay napansin kuyong babaing nakatayo sa may side walk sa malayong distansya. Muling lumakas ang pintig nang aking puso dahilan para lapitan ko sya. Sa bawat hakbang ng aking mga paa ay ramdam ko ang aura na kaylan pamay hindi maipapaliwanag kong bakit nagmahal ang bawat isa't isa. Para bang isang puting anghel na bumabalot nang aking mundo na tila pinagtakpan nya ang mga problemang dumadaloy dito sa puso't isipan ko. Nawang pinagpala ako ng Dios..."

"Hoy!!! Pinagpala-pinagpala ka pa dya. Wala naman yang silbi yung pinagsasabi mo. Lapitan mo nga! OA nito." panira na man tong si Emman oh. Nagmumoment na nga ako pinagtripan pa. Ayosh >_<

Totoong nilapitan ko na.

"Ah miss. Ikaw ba si Jolina?"

nang lumingun sya sakin ay bigla akong napaatras sa ganda.

"Ano?" tanong nya.

"eh. Ekaw bah s-si... Jolina?"

"ahh... Ikaw si Ron. Ako si Jolina, tama ka. Nice to meet you." unti-unting umangat ang kamay ni Jolina para maki paghandshake na tila nagslow motion yung paligid na para bang pinikula.

Inabot ko din ang kamay ko para bigyan sya naghandshake. Hindi ko inakala na ganyan kalambot ang kanyang kamay. Kung pwede sanang hindi ko na to bibitawan kaylan pa man. Nakatingin lang talaga ako sa kanya na para bang walang tao yung paligid. Agad ko syang sinagot ng Nice to meet you too.

"uhm... Sabi mo kasama mu yong mga kaibigan mo? Nasaan sila?" tanong ni Jolina.

"ah. Tara, ipapakilala kita sa kanila." agad akong lumakad. Hindi kaalam-alam na hindi pala sya sumunod sakin.

"Um Ron. Sabay lang tayo."

"Nako sorry. Hali ka."

Nang sa bigla niya kong hinawakan sa braso at inilakad. Nanigas talaga ako na parang yelo na naka balot sa aking katawan. Patuloy kaming lumakad.

"ah guys. Ito pala si Jolina, yong ka textmate ko. Jolina, si Jun, Zeus, Emman at ang kanyang girlfriend si Lyca."

"Hi, nice to meet you girl." greet ni Lyca.

Patuloy ang aming pag-uusap ni Jolina hanggang sa balak ko na syang ligawan.

"Jolina, may sasabihin sana ako sayo. Alam kong ngayon lang tayo nagkita pero...na feel ko na eh."

"ah Ron, anong ibig mong shabihin?" pabebe din tong kinakausap ko. Kilig tuloy ako.

"Simula nung una kitang makita.
May napansin akong kakaiba.
Hindi ko maialis sa isip ko't paningin,
Ang masilayan ang gandang iyong angkin."

Wait lang. Ba't bako nag ra-rhyme. Eh parang old Romance. Balik nga.

"Jolina. Ang totoo nyan ay..."

Nang biglang sumigaw si Jun.
"RON!!! Halika na! Uwi na tayo!"

Panira naman to oh. Sayang hindi ko na sabi kaagad. ╥﹏╥

"Ron uwi na din ako. Gabi na rin baka pagalitan pa ako ni Papa."

"Sige Jolina. Sabay na tayo." sayang talaga.

Hinatid ko si Jolina sa kanila at pagkatapos ay umuwi na din ako.

*Incoming Text Message

"Ituloy mo na." Text message ni Jolina.

Bigla akong napaisip. Anong Itutuloy? Baka wrong send? Napaisip bigla ako ng masama. Tsk..(• ̀ω•́)

Ni replayan ko. "Anoh? Anong Ituloy?"

Matagal-tagal din yung reply nya. hinintay ko.

"Haha... Yung sasabihin mo sana. Tuloy muna.≧∇≦"

Ah.. Akala ko yung action.

"Jolina balak sana kitang ligawan. Sorry ha... Hindi ko nasabi agad."

"Alam ko naman ang sasabihin mo. Gusto ko lang sayo naggaling yung salita. Alam muna ang sagot ko. ;-)"

...

"YESSSS!!!"

My Abunda GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon