CHAPTER 3

15 2 0
                                    

Zeus POV

Pababa nako ng tricycle para papasok ng paaralan nang nagsitinginan saakin yung mga studyante sa labas. Patuloy ang paglakad ko patungo gate. Nakita ko si guard naka tutok parin saakin.

Ano bang nasa mukha ko? Ba't ba ang weird nila. ⊙_⊙

Nakita ko si Jun na may dala-dalang pangtali papunta sa akin. Bigla nya kong pinatalikod at tinali yung mga kamay ko. Anong trip nito? Hindi man lang ako kina-usap. Ang tahimik pa nang campus.

Nilakad ako ni Jun papasok nang isang classroom. Parang classroom to ni Teacher Jo ha. Anong meyron?

Tinali naman ako ni Jun sa armchair and this time, ang sakit na ng pagkatali. Agad namang lumabas si Jun sa classroom.

"Alam mo ba zeus kong bakit kita pinapunta dito?"

"Sino ka?" sigaw ko.

Nang biglang lumabas si Teacher Jo sa aking likuran. Iba din to manamit si Teacher Jo. Naka red lipstick pa, ganda naman nya.

"Handa kitang bigyan ng last kiss mo Zeus."

Wow. Gulat naman ako. Okay lang naman pero bakit last kiss na? Hindi ba pweding may next pa?

Unti-unting inilapit ni Teacher Jo yong labi nya sa labi ko. Agad kong ipinikit yung mga mata ko.

"Kuya gising na! Maypasok pa tayo." sabay tapik ng aking kapatid sa binti ko.

"Ano ba. Mamaya muna ko gisingin. Na aantok pa 'ko."

"Bahala ka kuya. Mali-late kana. 6:30 na kaya." Nagulat ako at biglang bumangon. Ayaw ko kasing ma late. Pagcheck ko sa phone 5:20 am pa. ( ̄. ̄) Nako, ang aga pa. Maganda pa naman ang panaginip ko.

"Ma! Alis na ako!" sigaw ko ni mama habang naglilinis ng pinggan. Agad na 'kong umalis nang bahay patungo paaralan.

*Class Mabini Room*

"Zeus, Nandito nang apple na pinabili mo." ibinigay ni Jun sa akin.

"Sure kabang matamis to?"

"Ako pa. Maykakilala kaya ako doon."

Nagmamadaling pumasok si Ron.
"Jun, Zeus! Good news!"

"Ano na naman yan Ron?" tanong ni Jun.

"Kami na!"

Uh. okay, no comment. Good luck sa inyong dalawa.

"Oh. Ba't walang reaction?" Nagtaka ka pa. Eh parang normative nayan sayo Ron every month.

"Ron, pangwalong girlfriend mo nayan ha." Inggit ni Jun.

"Bakit? Hindi ba kayo masaya?"

"Ako Ron, bilib ako sayo. Isang kita lang, napa Oo muna yung girl. Diba jun?"

"Alright. Sa susunod na biktima!" biro ni Jun.

"Loko, hindi!" sabay sapak ni Ron.

"Guys!" sabay hangal ni Emman. Mabuti at hindi siya late. Mapapatawag kana talaga ni madam principal sa susunod.

"Emman, yung usapan natin ha." sabi ko sa kanya.

"Zeus kung ikaw nalang kaya. Mas ma-appreciate pa ng teacher crush mo yang ibibigay mo." Emman, alam mo naman sigurong hindi ako magaling sa mga n'yan.

Tumahimik nalang ako.

"Biro lang. Ikaw, masyado kang seryoso." bawi ni Emman.

Pagkatapos ng klase ay agad nang ibinigay ni Emman yung apple.

"Emman, anong sabi?" tanong ko.

"Thank you daw."

"Yun lang!?"

"Nagulat ka pa. Anong gusto mong sasabihin n'ya? I love you? Eh may Boyfriend na yun."

May boyfriend na pala. Parang sumabog yung puso ko matapos kung marinig yun. Totoo pala yung sinasabi nila. Madalas na lang yung mga magagandang single.

Kina-usap ko yung girl best friend kong si Jacquelyn. For 2 years kaming close. Sa mga panahong niluko ako ng babaing minahal ko, siya yung motivator ko dahilan ng pagkaka best friend namin.

Kasama ko rin yung mga TFF ni Jaquelyn. TFF as in True Friends Forever. Bago pa man kaming nagkakilala ni Jacquelyn ay naging TFF na nya sina Johanna at Jessie.

"Jacq, may boyfriend na si Teacher Crush."

"Eh sabi mo Idol mo lang." sabat ni Jessie. Ganda na sana ng pangalan kaso mataba. At least may unan na syang dala-dala everytime matutulog sya.

"Teacher CRUSH nga diba?" sabi ko.

"Magmove-on kana Zeus! Kahit kaylan hindi mo mapapasayo si Miss Jo." isa din tong si Johanna. Sabat ng sabat, hindi naman sila yung kina-usap ko. Si johanna yung tipong babae na simple looking person pero yung ability nya'y kinagagalakan ng mga lalaki.

Minsan na din akong na uto sa ganda nito... Pero mas maganda parin si teacher crush ko. :-P

"Zeus, tama si Johanna. Yung mga crush natin, temporary lang yan. Hindi payan totoo. Mararamdaman muna talaga yung love kapag ang isang bagay o tao ay kaylan pamay hindi na mabago sa iyong paningin." payo ni Jaquelyn.

Maya-maya ay umuwi nako sa bahay. Medyo na late din ako sa pag-uwi. Baka maabutan ako ni papa, papagalitan naman ako nun.

Pumasok ako nang bahay.

"Ma. Mano po. Nandito na ba po si papa?" tanong ko.

"Wala pa. Mamaya payon uuwi." sagot naman ng mama.

Hay salamat. Teacher kasi si papa. Laging mainit yung ulo at stress. Ayo kong dumagdag sa mga problema nya. Kaya kinakatakutan ko yung aking ama.

Agad akong pumunta ng kwarto. Tinapon yung bag sa sulok tapos bumagsak sa bed. Tilang nag-iisip ng mga kung anu-ano para malibang ko yung sarili.

"Zeus, kain na! Hali kana dito!" sigaw ni mama.

Eh hindi pa'ko naka bihis.

"Wait lang ma!"

Paglabas ako sa kwarto ay naka-upo na si papa sa hapag. May pinag-uusapan sila ni mama. Ang narinig ko lang ay pinaalis na si tita sa pinagtatrabahuan nila ni papa. Pinalitan daw ng bago.

"Mano po pa."

"kawawa naman ni Michelle pa. May anak pa naman siya." sabi ng mama.

"Bakit daw pa?" tanong ko.

"Hindi kasi na gustuhan ng dean yung performance niya." sabi ng papa.

"May bago na ring kapalit ni Michelle. Parang Josephine yung pangalan." dugtong niya.

Josephine. Kapangalan ni teacher crush.

Baka si Teacher Crush?! 'wag sana.

"Pa. Si Miss Josephine Arama po ba?" Sana mali ako. Sana mali ako.

"Oo. Bakit ba?"

╥﹏╥

My Abunda GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon