CHAPTER 5 - PART 1

13 2 0
                                    

Zeus POV

<< Rewind

Meanwhile...

Ba't nagbubulungan 'tong dalawa? Ano kayang trip nito?

"Ano?" tanong ng Jun.

"May sasabihin sana ako tungkol sa ating project. Medyo importante yun pero.. mamaya na siguro. Magfaflag ceremony na." sabi ni Ron.

"Oh bakit nandito pa kayo? Punta na sa ground. Magsisimula na yung flag ceremony."

"Sorry po Teacher. Pupunta na po kami." sabi ni Emman

"Hali na kayo." sabi ko. Lumakad na kami ng una ni Jun. Nagbubulungan naman 'tong dalawa. Ang weird naman.

"Jun. Hindi mo ba napansin yung dalawa? Parang may itinago sila."

"Sus... Kung problema man yan Zeus, siguradong ipagtapat yan sa atin. Alam ko naman yan sila Ron." sana nga Jun. Iba kasing kutob ko sa dalawang yun.

"Hintay Jun, Zeus!"

"Oh Ron. Anong binulong-bulong ninyo ni Emman kanina?" tanong ko.

"Si Emman na ang sasagot nyan." sagot ng Ron.

Siguraduhin lang ninyo na walang masasaktan nyan.

>> fast forward

Pagkatapos ng School Activity ay agad na sana kaming uuwi. Pero wala si Emman.

Nakita ko si Emman at ang kanyang girlfriend na si Lyca. Ibig ko silang tawagin pero pinipigilan ako ni Ron.

"May pag-uusapan silang importante." Yan ang sinasabi ng Ron. Parang hindi naman ganyan sila dati.

"Maghintay nalang tayo sa shed." Sabi ni Ron. Wait, sa shed? Pauupuin mo pa kami. Gaano ba yan ka tagal? Parang seryosuhan na yan ha. (-_-)?

Limang minuto nang nakalipas at hindi ko parin alam kung nasaan na si Emman.

"Ron, Zeus. Bibili lang ako ng maiinom sa canteen." sabi ni Jun kaya nagpabili na lang din ako. Nauhaw ako kaiintay.

Nakalimutan ko na binaunan pala ako ng aking ina ng tubig. Kaya hinabol ko si Jun.

On distance pa si Jun ng napahinto siya. Ba't himinto to? Naka tingin si Jun sa kaliwa. Nang nakita kong tumakbo si Lyca palabas ng Classroom. Ba't umiiyak yun? Sunod namang lumabas si Emman. Tinawag ni Emman yung pangalan ng girlfriend niya.

Ito na ba yung tinutukoy ni Emman na pagbreak-up? Ba't hindi nya sinabi?

Tumalikod si Jun pabalik. Tila kitang-kita sa dalawa nyang mga matang nasaktan siya.

Nakita ko yung tiwala niya sa kanyang kaibigan na ngayon ay unti-unting nawawala.

Agad nya kong hinawakan't hinila paalis. Napalingon ako kay Emman. Medyo namumula yung mga mata na tila pinagsisisihan nya ang mga nagyari. Sa paggawang pagluko niya kay Lyca at hindi pagsabi ng katutuhan niya sa kanyang mga kaibigan. Lalo na kay Jun na pinaglaan niya ng pangako.

>> fast forward

Sa skwela ng hapon...

Balita ng buong 10th Grade na wala na si Emman at Lyca.

Pansin ko namang hindi nagpapansinan sina Emman at Jun. Nilapitan ko na si Jun at kinausap.

"Jun. Nagagalit ka pa ba?" Tanong ko.

"Sino bang hindi magagalit nyan?" nakasimangot parin.

"Um. Dahil ba sa promise?"

"Huh? Anong promise? Eh hindi naman ako nagagalit tungkol nun."

My Abunda GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon