CHAPTER 4

12 2 0
                                    

Zeus POV

Kina-umagahan

*Class Mabini Room

"Zeus. Magsalita ka naman." sabi ni Jun.

"Eh, na saktan yata sa sinabi ko kahapon." Ani ni Emman. Hindi lang yan.

"Bakit? Ano bang sinabi mo?" tanong ng Ron.

"Sinabihan ko kahapon ng may Boyfriend na yung teacher crush nya. Sabi to ni Jacqueline ha." sagot ni Emman. Machika din tong si Jacqueline. Akala ko safe yung mga convo natin.

"Hindi lang yun." sabi ko.

"Ano na man yung ginawa ko?!" madrama din tong si Emman. Aalis na kaya si teacher crush dito. Assuming karin no?

Hindi ako nagsalita.

"Sige Zeus. Eto ang deal, kapag sinabi ko yung secret ko sasabihin mo rin yung problema mo sa akin. Deal?" Offer ni Emman.

Tinango ko lang yung ulo ko.

"Sige... Magsisimula sayo Ron."

"Loko. Sabi mo sayo lang." sabay bato ng Ball pen.

Binato din ni Emman pabalik. "Biro lang." sabi nya.

"Sige. Matagal ko na 'tung tinatago. Simula noong niligawan ko si Lyca... Ang totoo nyan hindi ko talaga mahal sya." amin ni Emman.

"Huh? Ang ganda ni Lyca hindi mo na gustuhan? Choosy naman nito." react ni Jun.

"Hala. Nagselos si Jun." asar ni Ron.

"Bakit? Totoo naman diba?"

"Hindi guys. Sadyang may feelings pa talaga ako kay Angel. Totoo, maganda si Lyca pero mas mahal ko si angel." sabi ni Emman.

"Eh bakit mo Linigawan?" tanong ni Jun.

"Akala ko kasi makalimutan ko na si Angel kapag may iba nako. Balak ko ngang makipagbreak-up sa susunod na week." harsh naman ni Emman. Parang ang dali lang bitawan ng isang relationship. Hirap kayang magmove-on, lalo na sa girl.

"Emman, 'wag kang papasok ng isang relationship kapag ang rason ay para makamove-on kalang sa dati mong ex." sabi ko sa kanya.

"Nagsalita karin. Sige na. Yung deal natin." sadyang pinalabas lang sa kaliwang tinga ni Emman yung sinabi ko sa kanya.

"Si Teacher Crush kasi..."

"Ano?!" napikon na yata sa akin si Emman.

"Aalis na si Teacher Jo." ╥﹏╥

"Yun lang?! Akala ko dahil sa akin. Pinaamin pa naman mo ako." Pikon na talaga si Emman. Eh sayo naggaling yung deal ako pang papagalitan mo.

Tumahimik na naman ako. Hindi ko feel yung mag-ingay ngayon. Masyado akong nagmahal na parang bumalik yong mga araw na kina iinisan ko (yung break-up).

"Teka. Girlfriend mo ba sya?"

"Sino ka?"

"Conscience mo. 'wag kasing assuming para hindi ka masaktan."

...

Isang linggo ng nakalipas ng makaalis na si Miss Jo sa paaralan namin. Tuluyan na ding umalis si Miss Jo sa aking puso at medyo na luwag-luwagan na din ako. Na para bang isang huling kabanata at ngayon ay handa akong harapin ang bago.

Pero sa kabanata ng aking kaibigang si Emman ay gusto na nyang tapusin. Hindi nya gusto ang kanyang girlfriend at hanggang ngayon ay naka kulong parin ang kanyang puso sa dating niyang x'girlfriend.

My Abunda GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon