CHAPTER 2 - PART 1

17 2 0
                                    

Jun's POV

*Class Mabini Room*

Nakaupo ako katabi ni Zeus ng maring ko yong usap-usapang magkasintahan na daw sina Emman at Lyca. Easy to get naman tong si Lyca. Sayang, crush ko pa sana. Dibali, madami namang magaganda dyan.

" Jun binawian ka na naman." sabi ni Zeus.

" Eh hindi ko naman crush si Lyca. KSP lang talaga ako noon."

" Wehh... Kunware ka pa."

Eh hindi naman as in patay na patay ako sa kanya. Hindi ba pweding nang gigigil lang. Si Zeus talaga, palaging iba mag-isip. Eh mas turpe ka pa kay sa akin diba?

Sa pagdating ng break tinanong ko kaagad si Emman para sigurado.

"Oo. Bakit ba Jun?"

"Eh itong si Jun kasi Emman. Nagtatampo sayo. Alam mo kong bakit?"

" 'Wag kang maniwala dyan Emman. Eh alam mong corney joker yang si Zeus." pinutol ko agad. Ang ingay tong si Zeus. Hilig mang trip.

"Oh. Bakit Zeus?" tinanong uli ni Emman.

"Wala! Biro ko lang yon para magtaka ka." buti na lang at tinakpan nitong si Zeus. Pero pilit paring paamin tong si Emman. I'm proud of you Zeus. Galing mo magtago ng secret.

"Sige kong hindi ka aamin, Hindi ko tatanggapin yong apple na ipapabigay mo kay teacher crush mo. Sige ka." patakot ni Emman.

"Crush daw niya si Lyca! Binawi mo!" pasigaw pa ni Zeus. Buti na lang kami lang apat yong nakakarinig. Malilintikan ka talaga sakin Zeus.

"Sayo na yan. Hindi ko naman siya pinangarap." seryosong pagkasabi ni Emman. Parang na galit yata 'to?

"Ikaw Zeus, ang ingay mo hindi naman totoo. Akala lang niya siguro kasi masyado akong KSP kay Lyca noon." kinabahan na ko.

" 'Di, joke lang. Kong totoong crush mo talaga si Lyca, edi hintayin mong maexpire yong contrata ko sa puso niya." Biro ni Emman.

"Oo nga pala. Nangyaya pala sa akin si Lyca mamaya. Sama kayo." Dugtong nya.

"eh bakit isama mo pa kami? First date dapat kayo lang." tanong ko.

"Basta. Sama lang kayo."

"Ron! Kanina kapang tahimik dyan? Sino ba yang ka text mo? Pansin ni Zeus.

"Wala. Tinignan ko lang yong mga inbox ko."

"Wehh... Kitang-kita ko nga yong mga kamay mong nag ta-type." bungan ni Zeus.

...

My Abunda GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon