Wednesday.
10:00am Library.
*yaaawwn*
*yawwwn*
Hay nako! Bakit kaya nakakaantok ngayong araw? Ilang beses na akong hikab ng hikab. Parang hindi naman umipekto sa'kin yung kape na ininom ko kanina galing sa Vending Machine.
Tinignan ko ang mga bond papers na pinaphotocopy ko para sa next topic namin sa Psychology. Ako kasi ang nagvolunteer na magpaphotocopy dahil sa busy ang mga classmates ko sa hindi alam na dahilan, o baka rason lang nila dahil tinatamad. Kung nagtataka kayo kung asan si Corra, absent sya ngayon dahil inatake sya ng trangkaso.
Get well soon, Besty :3
Sinimulan ko ng i-arrange ang pahina ng mga photocopies at ini-staple ang mga ito. Pero dahil sa may karamihan ang mga photocopies, bigla ko nalang naisubsob ang ulo ko sa table at di namalayan na nakatulog na pala ako.
=================
Nang naimulat ko ang aking mga mata, ngayon ko lang narealize na nandito pala ako sa library. Iniangat ko ang ulo ko at nabigla ako ng may lalaking estudyanteng nakaupo sa harap ko. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nahaharangan ito ng librong binabasa nya. Wait what?
Theories of Personality.
I bet his a Psychology student. Tinignan ko ang wallclock ng library. 11:00am. What?! I thought 10minutes lang ang tinulog ko, so umabot pala ng almost 1hr? tsaka malapit na palang maglunch time!
Napansin ko naman ang mga photocopies sa harapan ko na may mga staple na at naarrange na sa tiglilimang pahina. Sino namang may gawa nito?
Agad ko namang sinulyapan yung lalaking nasa harapan ko. Napakirap ako ng mata nang sinirado nya ang kanyang binabasang libro at bumungad sa'kin ang kay gwapong nilalang na may suot na nerd glasses. Hinarap nya ako at nagsalita "Muntik ka ng sitahin ng librarian kanina dahil natutulog ka dito mismo sa library. You know that's prohibited. Mabuti naman at nakita kita at sinabi kong nagsusulat ka lang. At ang tanga naman nun dahil naniwala agad" pagkatapos nyang nagsalita ay tumayo na sya at lumabas ng library.
Taray lang ha? Hindi pala sya gwapo. HINDI.
Niligpit ko na ang mga photocopies para makapaglunch, but I noticed the blue sticky note na nakadikit sa table.
'Im the one who arranged the photocopies and stapled it in case your wondering'
And Im not even wondering. Teka. Did I just saw him reading a book about Psychology or it's just my daydream? Hindi ko naman sya siguro classmate no? O baka ahead sya sa'kin?
And now Im wondering =__=
Muntikan na naman sanang lumipad ang isip ko dahil dun sa lalaki kanina but I guess Im lucky when the bell suddenly rang as a sign for lunch time.
Tamang-tama lang din dahil biglang umungol ang tyan ko at nakisabay pa sa bell.
===========
Buong hapon ay wala akong ginawa kundi ang ngumanga sa klase. Ang boring ng mga topic lalo na ang sociology!
At dahil sa wala talaga akong magawa at maaga kaming nagdismiss, dumiretso agad ako sa tinatrabahuan ko.
Sa Café Hotspot.
Took a deep breath in the mirror
He didn't like it when I wore high heels
but I do