The 4th Chapter

19 0 0
                                    

Pagkatapos ng mga nangyari noong nakaraang araw sa café, medyo naging okay na ang pakiramdam ko kahit wala naman akong sakit at dahil na din sa pagko-comfort sa'kin ni Lav that day. Sinabihan ko din si Lavender na isekreto nalang muna ang kadramahang ginawa namin sa locker room dahil ayokong mag-alala sa'kin ang iba kong mga katrabaho lalo na si Zia.

At dahil biyernes ngayong araw, maraming mga estudyante ang nagsasaya (including you *wink*) dahil sa weekend na at walang pasok bukas. May mga estudyanteng nagpaplano kung ano ang gagawin nila bukas o san sila mamamasyal katulad nalang ng mga classmate ko ngayon.

Nandito kami sa Nipa Hut na may pinturang pink or tinatawag namin na Pink House kung saan tambayan ng mga tambay, vacant, walang mga klase especially sa mga nagpi-PDA. Yes. Actually, meron sana kaming class pero mukhang tinamad yata ang prof namin dahil sa friday kaya hindi kami sinipot.

"Hoy Lovely, Sabado na pala bukas. Mamasyal naman tayo. Boring sa bahay eh." umupo si Janica sa tabi ko habang ako nagsusulat ng mga notes.

"Ayaw ko. Matutulog ako bukas ng buong araw" sagot naman ni Mila sa walang kaemo-emosyong tono.

"Ha?! Psh lage naman eh, ikaw Shan?" tanong nya kung saan nasa harapan nya si Shan na katabi si Mila.

"Na-uh. Im going on a date with Jad" sagot naman nya habang naglalaro ng Zombie Tsunami sa tab nya.

=___= Kawawa naman si Janica. Forever Alone.

Sinilip ko naman si Corra sa kabilang pink house kung anong ginagawa. Tsk ayun nag-iisang tulog, naglalaway pa. Anong oras ba to natulog kagabi?

Bigla namang nanahimik ang mga estudyante nang narinig namin sa speaker ang boses ni Ms. Sarang, Vice President ng University.

SPEAKER:

Goodafternoon Students of St. Clemen University, we'll going to have an assembly at 4:00pm in our Campus Theater. We still have 1hour before the assembly time. Classes are suspended so you can proceed early to the theater for your Department's assigned seat.

Inayos ko na ang mga gamit ko ganon din ang mga kaklase ko at ginising si Corra. Sinabihan ko na rin sya na magkakaroon ng assembly mamayang 4pm at ayun panay ang reklamo sa'kin dahil gusto nang umuwi, hanggang 3pm lang kasi ang klase namin kapag friday.

At Campus Theater..

"Asan ba yung attendance?" tanong ni Rhea na kaklase ko ring chinita at tumayo habang hinahanap kung sino ang may hawak ng Attendance sheet.

Bigla namang itinaas ni Janica ang kamay nya na may hawak na papel "nandito sa'kin ang attendance! Heto oh! Mich pakiabot naman kay Rhea ang A-sheet" nakisuyong utos ni Janica sa'kin.

Kukunin ko na sana ang A-sheet at iaabot kay Rhea nang pinigilan nya ko "Wag na Mich, Favor naman Jani! Pakisulat naman ng name ko sa A-sheet at pakipirmahan na rin, Salamat ha?!" at umupo na sa pangalawang upuan sa left side ko si Rhea.

"Ako din Jani ha?! Haha Salamat!" Singit naman Corra na katabi ko mismo.

==___==  Psh magsusulat na nga lang ng pangalan at pipirma, iuutos pa sa iba. Anong klaseng mga estudyante to?

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako pumipirma, excuse me pero kanina pa po akong tapos pumirma. Ako pa nga ang pang-numero uno doon sa listahan ng A-sheet eh HAHAHA V(^__^)V.

Pero tila hindi mapakali ang mga mata ko na parang may hinahanap na pigura ng isang tao. I don't know what happened but while my eyes are searching for something it seems that my heart that pounded by thousands of beats is also fond of doing.

What the heck is this feeling?! It makes me uncomfortable right now.

Pero napukaw ang attention ko ng nagsalita na ang University Class President sa entablado.

"Magandang Hapon Clemenians  Students!" Sigaw ni Daphne as she gave us an energetic atmosphere here in theater. All of the students shouted back at her as a response of her greetings.

Daphne, as a UCP, maraming umiidolo sa kanya dahil sa talento nyang pag-sketch and also dahil sa kabaitan nya at kagandahan. All of the boys here in University ay nahuhumaling sa ganda nya but we didn't heard any issues na nagkaroon na sya ng boyfriend even once.

"Okay guys. Pasensya na dahil kung hindi sa assembly na to ay nakauwi na sana ang ilan sa inyo ngayon. Pero dahil sa isang buwan nalang and it's U-fest, gagawin natin tong makabuluhan at nakakaenjoy para sa mga pupunta sa school natin, well here's Mr. Rieven Isaac Arcena, he will be the one to give you all info's about our U-fest"

Tuwing buwan kasi ng September ay nagkakaroon kami ng 1day activities para sa mga gustong pumasok o nagpaplano dito sa Unibersidad na to. At para ma-encourage namin ang mga students na masaya dito sa university at hindi nila pagsisisihan na pumasok sila dito.

Binigay naman ni Daphne ang microphone sa lalaking umakyat sa stage. Well, he looks a bit familiar to me especially his hairstyle, maybe his the U-Vice Pres in this campus. At lalo pa syang mas naging familiar sa'kin when he spoke.

"Okay students, We we're going to celebrate this U-fest not by promoting only your own courses, it is also to give fun and excitement to this university for those who planned to enroll in this school next year. Kayo na ang bahala kung paano niyo itong gagawing makabuluhan sa mga bibisita sa inyo.."

Bigla namang lumabas si Daphne sa stage na may hawak na bowl kung saan may mga papel sa loob. Ipinasok naman ni Mr. Vice Prez ang kamay nya sa bowl at pinag-uukay ang papel sa loob nito.

"In case you're wondering, this is a bowl kung saan may mga papel sa loob na kung anong mabubunutan niyo ay ganun din ang gagawin niyo o ipapatayo sa darating na event"

Wait..

"In case you're wondering?" Di-Did I just heard those words before? But from who?

"Inaatasan kong pumunta dito sa stage ang Class President ng inyong Department courses, para bumunot"

Isa-isa namang nagsitayuan ang mga estudyante which is the Class President of their own courses at pumunta sa stage. Nag-umpisa na silang bumunot ng papel at sabay binuksan ito.

Inanunsyo naman ni Vice Prez ang mga nabunot nila.

"Okay. For the Nursing students, you're going to build a Photoboots;

Med-tech Students, Comedy Show;

Tourism, Street foods;

Etc. Etc."

Reklamo ang inabot ng mga Class Presidents mula sa mga classmate nila dahil sa nabunutan nila, pero meron ding nagustuhan ang mga nabunutan.

Pero nagulantang ako ng nabunutan ng Class President namin ay..

"Ca--ca--CAFÉ?!" nagsitinginan naman ang mga kaklase ko sa'kin ng bigla akong napasigaw.

"May problema ba sa nabunutan ko Micheana?" Pagtataray na tanong sa'kin ni Vernice. Yes our very own Class President.

"Uhm. Wa-wala naman Vern" I sighed in relief ng ibinaling na muli nila ang kanilang atensyon kay Mr. Vice-Prez.

"Hoy mane--GEEH!"

Nagulat ako ng paglingon nya sa'kin ay nagmistulang mangkukulam sya na may mga cat-ears effect pa.

"Corra Mercedes, what's with the scheming look?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Nyohohoho. Nothing my dear! Go. Mind your on business my dear! Nyohohoho"

Now I can't stop wondering kung ano na naman ba ang pinaplano ng babaeng to.

=================

A/N: Nagkaroon ako ng mali dito sa chapter na to. Sorry. Tapos ko na syang i-edit.

MicheanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon