"Ra-Raiven?!" nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita ko sya sa pinto na nakatayo pero mas lalo akong nabigla nang isinara nyang muli ang pinto at tumakbo.
"Wait--- Hooy! Buksan mo ko ditong hambog na mammal ka! Ano ba!" What the hell was that? Anong klaseng ugali ang meron yung lalaking yun?! Sinaraduhan lang ako ng pinto at tinakbuhan! Aaargh!
Pero nabuhayan ulit ako ng loob nang my bumukas ng pinto and it was..
he's--
HE'S THE GUY AT THE LIBRARY!
=======
I was walking in the second floor of the last building in this university while reading manga and with matching whistling. Napadaan ako sa room ng Religious Education when I suddenly heard some creeking sounds which I think its the door. Lumapit ako sa pinto at nilingi-lingi ang doorknob and it was open, I checked the room kung may tao ba pero wala. At dahil dyan isinarado ko ng muli ang pinto at nilock.
Sabi-sabi kasi nila marami daw ang nagpaparamdam dito sa building sa twing mag-isa ka lang. Abandonado na daw kasi itong building at twice a week lang ang may nagkaklase dito which is the subject Religious Education at Filipino. But I didn't believe them. Matagal ko na tong naging tambayan dahil sa mahangin at tahimik, but never in my life I heard some creepy noises or ghosts in this building. Tsk. Ang mga tao talaga napakagaling gumawa ng mga kwento =___=
Nagtaka ako kung bakit hanggang ngayong malapit na ang class hours ay wala paring mga estudyante, So I decided to go downstairs kung meron bang mga announcement sa bulletin board pero nakita ko si Mang Juanito na nagwawalis sa hallway and I asked him.
"Mang Juanito" tawag ko sa kanya at nagmano. Bilib ako sa kanya dahil matagal na syang tagapagwalis sa Unibersidad na to at tila dito na tumanda, wala kasi itong sariling pamilya at medyo napamahal na din itong unibersidad sa kanya.
"Oh ikaw pala Raive--"
"Uhm Keirvin po Mang Juanito" saad ko.
"Ay oo nga pala. Bakit ka pala naparito? Balita ko ay sinuspende ang klase niyo dahil sa may biglaang pagpupulong ang mga guro dito" sabi ni Mang Juanito at nagpatuloy sa pagwawalis.
Napakamot ako ng batok "Ga-ganon po ba? Hindi ko alam eh at isa pa wala naman yata silang inilagay na announcement kahapon"
"Eh kasi nga iho biglaan, wala ka bang nakitang may nakalagay sa gate na walang klase ngayong araw?"
"Wala po"
"Panay naman kasi ang basa mo nyang hawak mo na librong wala kakwenta-kwenta at kahit papel lang na nakalagay sa gate hindi mo pa nabasa! Nako naman iho! Nagmukha ka na ngang bubuyog dahil sa suot mong salamin at apat na ang mata mo hindi mo pa nakita! Nako naman talagang mga bata ngayon oh!"
At ayan ang inabot ko, SERMON NI MANG JUANITO! Ininsulto pa ang salamin ko.
"Sige po manong salamat nalang pati na rin sa payo" at tsaka na umalis, kakailang hakbang ko palang ng may narinig akong kalabog sa second floor at tila may sumisigaw. Isinarado ko ang hawak ko na Manga at nagdadalawang-isip kong aakyat ba ako doon o hindi.
Hindi sa takot ako! Tinatamad na kasi akong umakyat pa sa taas! Basta.
Tatawagin ko pa sana si Mang Juanito pero baka sermon na naman ang aabutin ko dun, in that case ako nalang ang umakyat sa taas. I started checking every classrooms in the second floor pero parang wala namang tao, maybe guni-guni ko lang siguro yun? Pero napansin ko na parang may kumakanta sa may room ng Rel-Ed na kung saan hindi ko natignan. I slowly take a step papunta sa room na yun at habang papalapit ako ng papalapit, mas lalo ko pang narinig ang pagkanta.