The 7th Chapter

10 0 0
                                    

"Micheana! Kapag hindi ka pa lumabas dyan--!"

"Eh ayaw ko ngang suotin to! I would rather wear a uniform than wearing this outfit, this is too much! Nahihiya ako at tsaka mas bagay to sayo!"

Nandito ako ngayon sa loob ng cubicle sa Girl's restroom habang si Corra ay naghihintay na lumabas ako. Dahil nga sa Ufest na ngayong araw,  ngayon ko lang din napagtanto na ito pala ang pinaplano nyang gawin sa'kin. Naalala niyo pa ba nung pag-assembly (Chapter 4) namin na tinitigan nya ko with her Scheming look at may Cat-ears pa? Yun! .Heto ako ngayon na pinipilit ni Corra suotin tong tinahi nyang Maid Outfit at pinagbantaan nya pa ako na kapag hindi ko to sinuot we're officially F.O (Friendship Over). Pero wala akong ginawa kundi ang tumitig lang sa outfit na naka-hanger, naka-crossed arm at nakaupo sa basin.

"Micheana pagkatapos ng sampung taong pagsasama natin bilang matalik na magkaibigan, ay sasayangin mo nalang ang pagsasakripisyo ko at paghihirap matahi lang yang outfit na yan?" sabi nya na tila nagmamakaawa na suotin ko na tong tinahi nya.

"No Corra, hindi ako madadala dyan sa kadramahan mo. HINDI KO TO SUSUOTIN" 

"Halos hindi na ako makatulog buong gabi at nagkakasakit na magawa ko lang yan ng maayos, tapos--tapos *sniff*"

SHIT THIS!

Hindi ko talaga alam o sadya lang talagang malambot ang puso ko dahil basta ko nalang isinuot ang maid outfit at lumabas. But how stupid I was dahil nadali na naman ako ni Corra. Akala ko talaga ay umiiyak na sya pero pagbukas ko ng pinto ng cubicle nakita ko syang nakaharap sa salamin at naglalagay ng Lip Balm sa kanyang labi! What the hell?! 

Nang nakita nya ako mula sa reflection ng salamin agad syang humarap sa'kin "I am so amazing! Ang galing ko talaga! Waaaa, how cute!" nagtitiling sabi nya at inirapan lang sya.

"Wow Corra, nahiya naman ako sayo dahil inuna mo pang puriin ang sarili mo. Kamusta naman kaya yung babaeng pinilit mong suotin tong tinahi mo? Mas mabuti siguro kung huhubarin nya na lang to no at tulungan kang puriin ang sarili mo?" sarkastikong wika ko.

"Wow Micheana pagkatapos mo kong pagsalitaan ng ganyan? Kamusta naman kaya ang nagtahi nyan na halos nangangayat na at totoong nagkasakit? At kailan ka pa natutong magsarkastiko ng ganyan?" sabat naman nya.

"Wow Corra! So kapag ikaw ang nagtahi, ikaw lang ang dapat purihin? Kawawa naman yung nagsuot ng tinahi mo na parang ginawa mong manequin na kung saan tagasuot lang ng damit mo? How rude."

Nagkatitigan lang kaming dalawa ng biglang bumukas ang pinto ng restroom at agad kaming napatitig rito. Nanlaki naman ng mata ang estudyante at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Oh hello goodmorning! Kung gusto mong magbanyo, the door is open for you para magdeposit ka ng iyong waste material, Bye!" hinawakan ako ni Corra sa braso at  hinatak palabas ng restroom habang yung estudyante ay naiwang tulala.

Habang naglalakad kami sa hallway, ramdam ko ang titig ng mga estudyante sa'kin at rinig na rinig ang kanilang bulong-bulongan. Nanatili lang akong nakayuko habang nakahawak ng mahigpit sa kanang braso ni Corra. Im not used to this, hindi kasi ako yung tipong babaeng pinag-uusapan at tinititigan. In this campus, isa ako sa babaeng tahimik at hindi mahilig makipaghalubilo sa iba. Kahit gusto ko man na makipaghalubilo, I can't dahil sa hindi ako good entertainer.

"Are you okay Mich? Malapit na tayo" rinig ko namang bulong ni Corra.

And then when we finally reach the room kung saan naka-assign for the Cafe, we slowly opened the door and was shocked when we saw their sad or hindi maipintang ekspresyon sa kanilang mukha.

"Oh bakit ganyan ang mga mukha niyo? At bakit ganito ang room?" tanong ni Corra na puno ng pagtataka.

"Hindi makakapunta ngayon ang class president natin dahil sa may trangkaso sya" matamlay na wika ni Lovely.

MicheanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon