Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko at agad bumangon. Today is Saturday, 6:30 in the morning. Medyo hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa marami akong inasikaso at medyo sumakit ng konti ang ulo ko but I still have to wake up early for the sake of my job. As usual, pagkatapos ng morning habits ko ay bumaba na ko dahil narinig ko na ang boses ni Camille na tinatawag ang pangalan ko. Uminom lang ako ng gatas dahil wala na akong oras para kumain pa at nagpaalam na kanila Camille at Mama na pupunta na ako sa school which is sa totoo pala ay sa trabaho ang punta ko.
Pumara na ako ng traysikel at sinabi ang lugar kung saan ang punta ko. Habang nasa byahe ako, hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nangyari noong nakaraang gabi. I feel weird dahil kahit konting bagay lang eh napapangiti ako or it's just more than that? The heck? DUH. Micheana!
Bumaba na ako sa traysikel at pumasok sa Cafe Hotspot. Nakakapanibago dahil kapag papasok ako ay sasalubungin dapat ako ni Zia ng kanyang pagkahigpit na yakap, pero patuloy lang sila sa pagtatrabaho at hindi man lang lumingon sa'kin. So hinayaan ko nalang sila at pumunta sa locker room upang magpalit ng damit pangtrabaho at laking gulat ko ng makita ko si Maui na kakapalit lang ng damit.
"Oh Maui, kakarating mo lang din ba?" tanong ko habang binuksan ang locker ko at kinuha ang damit.
"Oo. Nakapagtataka nga eh dahil ang tahimik yata ngayon nila Zia at tuloytuloy lang ang pagtatrabaho"
"Napansin mo din pala yun? Ako nga rin eh nakakapanibago dahil usually kapag nandito na'ko sa Cafe ay yayakapin ako ni Zia at makikipag-apir si Topher sa'kin pero wala eh" naputol ang usapan namin ng pumasok si Topher—speaking of—at pinapahiran ang kanyang pawis sa noo. Napansin ko namang natulala si Maui. O--kaaay? Alam na.
"Oh Topher, mukhang pawis na pawis ka yata? Bakit parang iba ang kinikilos niyo ngayon, may problema ba?"
"Wala naman. Nandito kasi yung schoolmate mo" wika ni Topher.
"ha? Sinong schoolmate pinagsasabi mo dyan?" nagtataka kong tanong.
Ngumuso sya na mukhang tinuturo yung isang customer sa labas na nagbabasa ng dyaryo. Sa katunayan, hindi ko makita yung mukha nya dahil nakatalikod sya sa'min.
"Yung anak ng--"
"Anong ginagawa nyan dito?!" hindi natapos yung sinabi ni Topher dahil sumingit ako at hindi makapaniwala na sya nga ang nakita ko kanina pagpasok dito sa cafe, medyo nafamiliar ko kasi yung buhok nya.
"tinatanong pa ba yan? Sila may-ari nito! Asan na yung utak mo? Laking gulat nga rin namin dahil maaga syang pumunta dito at akala ko ay may nagawa kaming mali at isa-isa kaming paaalisin sa trabaho. Pero alam mo ang ginawa nya? Nagtimpla sya ng sarili nyang kape at inoven nya yung mga cookies na nasa refrigerator! Naiwan nga kaming tulala sa aming kinatatayuan na tila hindi mag-sink in sa ulo namin yung ginawa nya. Alam mo ba yung pakiramdam na yun?!"
"Hoy Topher wag ka ngang OA dyan! Tama na tong tsismisan dahil baka mapaalis nga tayo ng tuluyan dito!" Isinuot ko na yung brown na apron na may tatak ng Cafe at hinatak na si Maui palabas na nanatili lang tahimik simula ng pagdating ni Topher.
Tamang-tama at may pumasok na customer at dinala ko sila sa kanilang upuan, mag-couple yata, kinuha ko na din ang order at binigay ito kay Anthon. Napatingin ako sa direksyon ni Raiven at tila inilipat nya sa kabilang pahina ang dyaryong binabasa nya. Si Zia naman ay patuloy lang sa pagpunas ng mga lamesa at si lavender yun hindi pa dumating tutal mamayang gabi pa naan sya pupunta dahil sa gabi lang yun kumakanta.
Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa aking trabaho. Nang natapos na ni Anthon yung ginawang kape at pancake na order nung dalawang costumers, ako na ang naghatid papunta dun sa table nila. Pero hindi ko inaasahan na natipalok ako at natapon yung kape sa dyaryong binabasa nya at napunta dun sa pantalon nya.