;
Parang mababaliw na si Maleficent sa nalaman. Tila gumuho ang kanyang mundo sa nabalitaan. Gusto niya mang bale walain nalang ito pero si Taeyong na mismo ang nag-sabi, at 'di kayang mag-sinungaling ni Taeyong sa kanya at sa kahit kanino man.
Lahat ng malapit kay Chaeyeon ay kumaripas sa pagtakbo patungo sa rooftop dahil sa nalaman. Totoo bang nagpakamatay si Chaeyeon? Totoo bang tumalon siya? Para saan? Bakit?
Nanlumo ang lahat sa nakita, lalong-lalo na ang ate nito na si Maleficent. Nanlambot ang kanyang mga tuhod at bumagsak siya sa sahig. Agad naman siyang nilapitan ni Taeyong upang patahanin ito at pigilan na rin itong tumakbo patungo sa katawan ng kapatid.
Gutay-gutay na ang katawan nito, halos 'di na makilala dahil sa sobrang dami ng dugo sa mukha't katawan nito at dahil nasira na rin ang mukha nito mula sa pagkahulog. Pero dahil sa kuwintas nito, nakumpirma nila na si Chaeyeon nga ito.
Hindi man ito minahal ng sobra ni Maleficent at kahit na kulang nalang ay patayin niya ang dalag sa sobrang galit nito sa kaniya, hindi niya pa rin mapigilan na malungkot dahil kahit bali-baliktarin niya man ang mundo, hindi niya mababago ang katotohanan na magkapatid pa rin sila kahit pa magkaiba ang mga magulang.
Hindi niya pa rin mapigilan na makonsensya sa nangyari sa kapatid.
Pero hindi alam ng lahat na hindi lang pala si Chaeyeon ang naaksidente.
Hindi alam ng lahat na nabundol pala ng trak ang presidente ng paaralan nang ito'y patungo sa skwelahan.
"Isang studyante ng Sooman High, nabundol ng trak habang ito'y patungo sa paaralan! Bisekleta wasak, buto'y basag!"
🍑
lol the bicycle stands for spinning wheel...hmmmmm
anyws happy birthday doyougie better late than never ika nga
BINABASA MO ANG
Maleficent ° Doyoung
Short StoryCOMPLETED Maleficent \ma•lef•i•sent\ (adj.) working or productive of harm or evil:baleful epistolary #1 | highest rank: #45 in short story