are you ready?
;
Nang makarating si Maleficent sa hospital, agad niyang nakita ang mga kaibigan sa labas ng kwarto ni Draco. Nilapitan niya ito at saka niya napagtantong kanina pa pala ito umiiyak. Ang mga mata ay pula na at namamaga sa sobrang pag-iyak.
"Hindi naman siya namatay diba?"
Tanong niya sa sarili.
Nilapitan niya ang dalawang matalik na kaibigan. Si Lalisa na pinapatahan ni Ten dahil ito'y ninenerbyos at hindi na makahinga, kaya si Ten nalang ang tinanong nito pero hindi siya masagot nito kaya nilapitan niya si Taeyong na nasa nakasilip sa bintana at tila parang statwa dahil wala kang makikitang ekspresyon sa mukha nito.
"Taeyong, anong nangyayari?" Ani Maleficent. Binigyan siya nito ng nakakapanindig balahibo sa takot na tingin. Tinawanan siya nito pero maririnig ang kapaitan sa boses nito, "Anong nangyari kamo sayo at ngayon ka lang dumating kung kailan nagaagaw buhay siya."
Nanigas si Maleficent dahil dito. Gusto niyang tarayan ito pero wala siyang magawa dahil bakit nga ba ngayon lang siya pumunta? Napaka-ugaling bata naman talaga kasi ng rason niya, 'di niya binisita ito dahil sa sinabi ng manghuhula.
Napamasahe si Maleficent ng sentido niya bago siya umupo sa sahig at niyakap ang mga paa at saka umiyak---humagulgol.
Pagod na siyang mawalan ng mahal sa buhay. Palagi nalang, palagi nalang. Kaya't napaka-tayog ng mga harang niya sa kanyang sarili dahil takot na siya---pagod na siyang masaktan, madurog at masira ng paulit-ulit, pero palagi niyang kinakain ang mga pangako niya sa sarili,
dahil ang pagmamahal ay pagmamahal at pagpapaubaya ng iyong sarili sa ibang tao dahil akala mo at umaasa kang aalagan nito ang puso mo at ikaw mismo.
Pero hindi ba't masyadong naging malupit ang buhay sa kanya? ano bang ginawa niya para maranasan ang lahat ng ito? ano nga ba? hindi, meron nga ba?
Nilapitan siya ni Taeyong at niyakap, "Sorry, nadala lang ako." tumango lamang ang dalag.
Lumipas ang isang oras na parang isang taon na para kay Maleficent, lumabas ang doctor sa kwarto ni Draco. "Family of Draco Kim?" Napatayo ang lahat at nilapitan ang doktor.
Ngingitian muna sila ng doktor bago ito nagsalita, "He's okay now, nahirapan lang siyang huminga pero okay na siya ngayon, pero the chance of him waking up as when we like him to decreased. I think that's all."
Lumuwag ang pakiramdam ni Maleficent at para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.
Tinignan niya ang mga kaibigan, "Guys," nilingon naman siya ng mga ito. "Can I have a moment with Draco?" nagtinginan muna ang tatlo pero pumayag naman ang mga ito.
Nanlamig ang mga kamay ni Maleficent sa nakita, sa katawang mahimbing na natutulog sa harap niya at walang kaalam-alam sa nangyayari. Hinawakan niya ang mga kamay nitong ngayon niya lang naisip na bagay na bagay sa kanya. Sinuklayan niya ang buhok nitong napakalambot at hinaplos ang mukha nitong tila ginawa ng Diyos gamit ang magagandang kamay nito at pinaghalo ang lahat ng magagandang bagay para magawa ang taong ito.
"Gago ka." Unti-unti niyang nilapit ang kanyang mukha sa binata, hanggang sa maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa pisngi niya, hanggang sa mag-abot ang kanilang ilong...
Hanggang ang labi ng isa ay nasa ibabaw ng isa.
Saglit lamang ito. At umasa si Maleficent, umasa siya na gigising na ang sleeping beauty ng buhay niya.
Pero hindi.
Nawalan na ng pag-asa si Maleficent na magigising ang binata kaya't niyakap niya ito at tinago ang mukha sa leeg nito at doon umiyak.
Hanggang sa may naramdaman siyang yumakap sa kanya, kamay nito'y nasa baywang nito. Akala niya'y nag-hhallucinate lang siya dahil miss niya na ito.
Pero hindi.
Gising na nga talaga siya.
Tumingala si Maleficent para makita ang mukha ni Draco na kanina pa pala nakatingin sa kanya, na may ngiting nakakaloko sa mukha. "Gago ka din." Wika nito.
"Bwiset ka gising ka na pala!!!" mahina niyang hinampas ang binata sa dibdib pero napatawa lang ito. "Kailan ka pa gising?"
"Nung umiyak ka. Gustong kong gumising para mapunasan luha mo."
So...hindi pala kiss?! Tanong ni Maleficent sa sarili.
"Bakit nakakunot kilay mo?"
"Eh kasi naman!"
"Ano?"
"EH KASI NAMAN HINALIKAN KITA KASI SABI NILA A TRUE LOVES KISS WILL BREAK THE SPELL PUTA SLEEPING BEAUTY LANG?"
"Hindi ba't sleeping beauty talaga?" Biro ni Draco dahil gustong-gusto niya ang pagpula ng pisngi't tenga nito. "Ikaw si fairy God mother or Maleficent, tapos ako si Aurora."
"Kabaklaan mo."
"Ouch why are you so harsh fairy Godmother?"
"Shut up Aurora." Napatawa sila ng malakas dahil dito.
"So..." Panimula ng binata. Tinaasan naman siya ng kilay ng dalaga. Hinigpitan ni Draco ang pagkayakap nito sa baywang ni Maleficent at hinigpitan naman ni Maleficent ang pagkayakap nito sa leeg ni Draco. "Will you be my date?"
"YES!" Sigaw ng mga kaibigan nito na kakapasok lang sa kwarto ni Draco na kanina pa pala nanonood.
"Tinatanong pa ba yan?"
🍑
THAT'S IT! AND WE'RE DONEEEEEEEEEEE YEHEY!!!
xoxo, spread the love
BINABASA MO ANG
Maleficent ° Doyoung
Short StoryCOMPLETED Maleficent \ma•lef•i•sent\ (adj.) working or productive of harm or evil:baleful epistolary #1 | highest rank: #45 in short story