Maleficent ;
"Faster Chittaphonyeta!" Kulang nalang hampasin ko si Ten sa sobrang frustration, kung hindi lang talaga siya nag-ddrive eh. I have no one aside Ten na marunong mag-drive at meron ng driver's license. Gusto ko ng matuto mag-drive para masagasaan ko 'tong mga ulol na 'to, letche.
"Ano ba?! Ba't ka ba nagmamadali?! Akala ko ba hindi mo na mahal?! Pisti yawa!" he tightened his grip on the steering wheel, making his knuckles turn white. "Mamahalin mo lang kung kailan mamatay na yung tao. Ibang klase ka, Sinta."
"Pwede ba? Hindi ko na mahal si Casper." I emphasized the word 'hindi', pero it's not enough to convince this ponyetang thai na bestfriend ko. Well, honestly speaking, I wasn't being honest with what I said. Ten glanced at me and gave me well known smirk that makes girl go crazy. Too bad, that doesn't work on me, nagmukha lang siyang naghihihit ng droga, akala mo gwapo, sus.
"EH BAKIT MO KAMI GINISING SA DIS ORAS NG GABI?! ANEK NA BEKS ALAS TRES NA SA UMAGA LITSI!" Muntikan na kaming mabangga sa biglaang pagsigaw ni Lalisa. She ran her fingers through her messy hair. "Nakakaano ka as a person Maleficent hay nako!"
"Respeto din naman siguro Lalisa? kaibigan pa rin naman natin yung nasa bingit ng kamatayan." Ani Ten. Naghanap ng pagpparkingan si Ten. Hindi naman kami natagalan dahil wala naman gaanong tao sa ganitong oras.
Pagkatapos tanungin kung saan ang kwarto ni Casper, pumunta kaagad kami doon. Nadatnan namin si Draco na natutulog sa upuan na nasa gilid lang ng higaan ni Casper.
And there is Casper. His pale skin is paler now, dry at maputla na rin ang mapula-pula niyang labi. He have breathing tube, IVs and many more tubes. Under his eyes are dark circles. He looks lifeless, breathing but barely living, but to me, he's just sleeping.
If there is a place that I don't want to go, it's the hospital.
"Maleficent?" Napatayo si Draco ng makita ako. I weakly smiled at him. Inaantok ako at pagod kaya wala akong gana mag-taray gaano. "The one and only maldita pero maganda." Pekeng napaubo sila Ten at Lalisa don. Bwiset! talaga! mga! thai! parang! tae!
Nilapitan ko si Casper, "Anong sabi?"
"Bakit ka nandito? Pano mo nalaman? Pano niyo nalaman?" The bags under Draco's eyes are guccis, what a pity it can't be sold. He bit his trembling lower lip.
"He told me nung birthday ko. Birthday gift? maybe." He let out a sigh of relief upon hearing that. "And pano namin---"
"MO!" Sigaw nila Lalisa at Ten ng sabay.
"Okay duh. Kung pano ko nalaman? well, GPS. Boplok."
"Now that you got my answer, can I have yours?" Magsasalita pa sana si Draco when Casper exhaled out loud. Papansin tsk. Napatingin siya sa gawi namin at nanlaki mga mata niya ng makita kami, lalong-lalo na ako.
"Manahimik ka Casper Jung wala akong pake sa reaksyon mo. Nakapag-react na si Draco para sayo." I crossed my arms. He gave me a weak smile, just enough to make his dimples visible.
"Nagugutom daw si Lalisa, bilhan ko muna ng ramyeon. Ingat!" Pagpapaalam ni Ten. "Wait sama ako! Gusto ko carrot!" Sumunod naman si Draco na muntikan pang madapa sa pagmamadali.
Tinuro ni Casper yung notepad na nasa upuan kung saan nakaupo si Draco kanina. Kinuha ko naman yun at binato sakanya at umupo sa upuan. He wrote something sa paper at pinakita yun sakin matapos niyang maisulat ito.
"I'm sorry you have to see me weak."
"Wala namang pinagkaiba sa nakikita ko araw-araw, wag kang mag-sorry. Ang pinagkaiba nga lang ay nasa bingit ka ng kamatayan this time." Napasimangot naman siya dun pero ngumiti parin siya. "Wag kang magddrama sakin Casper. Wala ako sa mood. Baka masira kuko ko, bago pa naman tong manicure, ayokong magpunas ng luha."
Pero may nakita pa rin akong luha.
Tumayo ako at pinunasan yun gamit ang jacket ko. "Alin dun ang hindi mo naintindihan sa ayokong magpunas ng luha?" Tumawa ako ng very slight lang.
Hindi naman siguro masama na maging mabait kahit saglit lang?
Mabait din naman ako noon.
Gago nga lang tong nasa kama ngayon, itong pinupunasan ko ang luha.
Nagsulat ulit siya at tinignan ko yun. Medyo kinilig ako pero nagsawa na kasi ako sa pagkakaroon ng feelings so parang wala ring effect yung sinulat niya.
"I still love you, Maleficent."
Ngumiti ako at inalis yung buhok na tinatabunan noo niya, at hinalikan siya doon. "I know, pero kaibigan nalang talaga maituturing ko sayo." At pumatak ulit luha niya. "Kasalanan mo din naman boplok."
Hay nako, Casper Jung.
I'm sorry.
🍑
sabaw ;A;
nga pala, thank you sa 100+ votes and 1.1k reads shet tnx tnx tnx
BINABASA MO ANG
Maleficent ° Doyoung
Short StoryCOMPLETED Maleficent \ma•lef•i•sent\ (adj.) working or productive of harm or evil:baleful epistolary #1 | highest rank: #45 in short story