Pernicious Lavelier

5 0 0
                                    

Magkasamang namimili ang magkababatang si Romeo at Jennifer sa sentro ng kanilang nayon. Nagpalinga-linga ang dalawa upang maghanap ng mga sariwang gulay at prutas na kailangan nila. Dito sa lugar na ito ang may pinakamaraming tao. Lahat ay paroon at parito; bata man o matanda. Iba't ibang ingay ang maririnig mula sa mga nagtitinda at namimili. Maliit lamang ang lugar na ito kaya't nakadadagdag sa kasikipan ang mga kabalyerong lulan ng kanilang mga kabayo.

"Jennifer!" Hinatak niya ito nang mapansin niya ang ilang nagmamadaling kabalyero. Kung hindi niya ito nahawakan agad ay siguradong matatamaan ito ng mga armas.

"Ayos ka lamang ba? May masakit ba sa iyo? Nasugatan ka ba, a?" puno ng pag-aalalang usisa ng binata.

Napangiti naman ang dalaga sa kanyang inaasal, "Ano ka ba, Romeo, nakita mo naman na hindi nga ako nasagi hindi ba? Ikaw talaga," magiliw na sambit nito.

Bahagyang natulala si Romeo nang mapagmasdan ang ngiti nito. Simple lamang si Jennifer, sa mahaba nitong damit na hanggang sakong ay mababanaag mo pa rin ang magandang kurba ng kanyang katawan. Ang mukha nito ay tulad sa isang anghel, mga mata nito na kapares ang mahahabang pilik-mata. Matangos ang ilong nito at ang mga labing natural ang kapulahan. Itim ang buhok nito na palaging nakapusod at natatakpan ng magandang sumbrero. Ipinilig ng binata ang kanyang ulo upang maibalik ang kanyang isipan sa kasalukuyan.

"Bakit, Romeo? Ikaw yata ang hindi maayos sa ating dalawa. May problema ba?" nag-aalalang tanong nito.

"Ha? W-wala naman, Jennifer. Wala ito. Ayos lamang ako." Nagmamadali siyang naglakad palayo sa dalaga upang maitago ang pamumula ng kanyang pisngi.

Agad naman siyang sinundan nito, ngunit dahil sa maraming tao ang naroon nagkahiwalay sila.

"Romeo! Romeo! Nasaan ka na?" tawag ng dalaga. Subalit hindi siya nito maaninag.

Sa kabilang banda, si Romeo ay nasa harap ng isang estante ng mga itinitindang alahas. Naagaw ang kanyang atensyon ng isang kulay itim at hugis pusong kuwentas. Napapaloob ito sa isang lalagyang salamin. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng kakaibang kilabot sa bagay na iyon.

"Narito ka lamang pala, Romeo, kanina pa ako naghahanap sa iyo," sambit nito. Tulad niya ay napako rin ang mga mata nito sa kuwentas. Walang kaabug-abog nito iyong kinuha at isunuot sa kaniyang leeg, kahit na hindi naman nito gawain ang ganoon.

"Binibini! Sandali lamang huwag mong-"

"Takbo! Takbo! Parating na ang mga kawal ng kalabang Emperyo! Takbo!" ani ng isang tinig na pumutol sa pagtutol ng may-ari ng alahas.

Nagulantang ang mga tao! Lahat ay nagkagulo! Nagliparan ang iba't ibang pana na may apoy galing sa kung saan. Nagdulot ito ng sunog sa bawat dinadapuan nito. Hiyawan. Sigawan. Pagtangis. Pagkalito. Pagmamadali. At kawalan pag-asa ang namayani sa lugar na iyon.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Romeo, hinatak niya ang dalaga upang humanap ng ligtas na lugar para sa kanilang dalawa.

"Jennifer, doon tayo." Turo niya sa isang imbakan ng mga palay.

Magkasabay silang tumakbo patungo roon sa abot ng kanilang makakaya. Ngunit ilang hakbang na lamang ang layo nila ay may isang palaso na tumama kay Jennifer. Nagmula ito sa likod nito at tumagos sa kanyang puso.

"Jennifer! Hindi! Jennifer!" tangis niya. Agad niya itong binuhat at ipinasok sa imbakan.

"Jennifer... gumising ka! Pakiusap!" pagsusumamo niya. Ngunit wala siyang natanggap na tugon mula rito. Niyakap niya ito nang mahigpit, "Patawad, Jennifer. Hindi kita naingatan at hindi ko man lamang nasabi sa iyo kung gaano kita kamahal. Kung mabibigyan lang sana akong muli ng pagkakataon..."

Come InWhere stories live. Discover now