Marahan siyang naglalakad at pinagmamasdan ang paligid. Nakangisi siya ngunit walang mababakas na anumang emosyon sa kanyang mga mata. Napatigil siya nang makita ang pinakagusto niyang pag-aari ng kaibigan..ang mata nito! Kinuha niya ito at nilaro sa kanyang palad habang binabalikan ang mga nangyari mula noong gabi bago ang kasal.
***
"Patawad, Clarisse, m-mas mahal ko pala ang kaibigan mo. Kakaiba siya sa lahat." Umiwas ito ng tingin.
"Kakaiba siya? K-kaya ba pumayag ka na may kabaong sa inyong kasal?" Kunot-noo niyang tanong.
"Oo, dahil hanggang kamatayan na ang aming pagmamahalan. Hayaan mo na kaming maging masaya," pagsusumamo nito.
"Kung iyon ang gusto mo at gagawin kong perpekto ang araw na iyon bilang basbas ko sa inyo." Tumalikod na siya at naglakad palayo.
***
"Mabuhay ang mga bagong kasal!'
"Mabuhay!"
Sabay-sabay na pagbati ng mga taong naroon. Ang mga bisita ay nakamake-up na tila isang naaagnas na mga bangkay at ang mga damit nito ay pinahiran ng pulang likido upang magsilbing dugo. Lahat ay natutuwa sa tema ng kasal na ito...haunted wedding.
Sa mga oras na iyon naman ay nagsimulang umusal ng ibang salita si Clarisse. Ilang sandali pa lang ang nakalilipas ang lugar na iyon ay binaha na ng dugo! Nagkalat ang mga katawang walang ulo, putol na kamay at paa, ulong hindi mo na makikilala kung kanino dahil isang mata na lang ang natitira, ang iba ay hiwa ang bungo kaya't nakaluwa ang kalahati ng mga utak at mga lamang loob na tumalsik sa mga pader.
Napangiti siya nang makita ang litrato ng mga ikinasal. Nakasuot ng pulang damit ang kanyang kaibigan katabi ang lalaking pinakamamahal niya, "Sana ay napasaya ko kayo sa araw na ito," usal niya habang nanlilisik ang mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/98360327-288-k9454.jpg)
YOU ARE READING
Come In
Short StoryThis is a compilation of my short horror stories. Come, let's explore the world of darkness.