Ang Babaing Hinirang

1 0 0
                                    

Napayakap si Magda sa kaniyang sarili nang biglang may tumamang malakas at malamig na hangin sa bintana ng kaniyang kuwarto dahilan upang mabukasan ito. Nakapagtataka na lamig ang kaniyang naramdaman samantalang kanina pa siya nanlalagkit sa pawis dahil sa init ng panahon. Tanging manipis na damit na nga lang ang tumatakip sa kaniyang nakapang-aakit na katawan.


Hindi na siya nag-atubili pang isara iyong muli upang kahit paano ay may makapasok na hangin sa loob. Ipinusod niya ang kulot na buhok at umupo sa kama habang nakasandal sa headboard ang kaniyang ulo saka binuksan ang nakatatakot na librong nasa kaniyang tabi.


Aliw na aliw niya sa mga nangyayari patayan sa kaniyang binabasa nang bigla siyang makaramdam ng kakaibang init sa kaniyang tabi. Tila bumigat din ang bahaging iyon dahil sa paglubog nito at paglangitngit ng higaan. Nagsimulang magpatay sindi ang ilaw at isang kakaibang hangin ang nagpaikot-ikot sa kaniyang silid dahilan upang mabasag ang iba niyang kagamitan.


Tatakbo na siya ngunit may humila ng kaniyang mga paa kaya't napahiga siya sa kaniyang kama. Nanigas siya sa kaniyang puwesto at nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakaawang ang kaniyang bibig. Gusto niyang sumigaw subalit hangin lang ang lumalabas sa kaniyang namumutlang labi.


"Kumusta, Magda?" ani ng isang malalim na tinig na ngayon ay nakapatong na sa kaniya.


Nag-aalab sa kapulahan ang mga mata. Ang labi nito ay kulay itim at nababalutan ng itim na kasuotan. Makikita ang sungay nito na pabilog at paikot.


"S-sino ka!?" tanong ni Magda nang bumalik na ang kaniyang tinig. Hawak nito ang magkabilang kamay niya.


"Sino ako?" Humalakhak ito, "Ako ang iyong Panginoon, Magda." Ngumisi ito na nagpalabas ng mahahaba at matutulis nitong ngipin.


"H-hindi! H-halimaw ka!" Nagpumiglas si Magda at bigla na lang itong nawala sa pagkakadagan sa kaniya.


Kahit nanginginig ang katawan ay pinilit niyang tumakbo nang mabilis sa pinto upang makatakas subalit isang malakas na hangin ang tumama sa kaniyang malambot na katawan at ibinalibag siya nito sa pader ng silid na siyang dahilan upang mawalan siya ng malay.


Ilang sandali ang lumipas bago nagising si Magda. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at mukha ng demonyong nakapatong sa hubo't hubad niyang katawan ang kaniyang nasilayan. Muli siyang nagpumiglas. Sa pagkakataong iyon ay umikot-ikot sila ng demonyo ere.


"Ah!" hiyaw niya nang maramdaman ang mahaba at matigas na bagay na pumapasok sa kaniyang pagkababae. Hindi ito karaniwan sa kaniya dahil sa dami ng lalaking kaniyang nakasama sa kama ay ngayon lang niya naramdaman ang ganito...ganitong sakit na humihiwa maging sa kaniyang kaluluwa!


"H-huwag! M-maawa ka! Ayoko na! Ang sakit! Ah!" palahaw niya.


"Magda, magalak ka, sapagkat ikaw ang babaing aking napili upang magdala sa mundo ng isang sanggol na magbabalik-loob sa akin sa mga tao," ani nito.


Tumingala ang demonyo na tila nag-iipon ng lakas na sa anumang oras ay kaniyang isasambulat. Lalong humaba ang mga sungay nito! Gumapang sa katawan ni Magda at pumasok sa bibig ng dalaga. Sa loob ng kaniyang katawan ay may tila dalawang bagay na nagtagpo roon na siyang nagpaliyab sa kaniya.


Biglang nawala ang demonyo sa kaniyang tabi at ngayon ay nakangisi siya nitong pinagmamasdan sa isang tabi habang unti-unting nagbabago ang kaniyang anyo. Lalong naging mapungay ang mga mata ni Magda, ang kaninang maputlang labi ay naging sobra pula. Ang kaniyang makinis na balat ay naglalabas ng kakaibang apoy.


"Humayo ka, Magda. Dala-dala mo na ngayon ang isang buhay na magpaparami ng ating tagapaglingkod. Ang pagbebenta mo ng iyong laman ay pansamantala mong ititigil sapagkat laman na ng tao ang iyong kakainin," saad nito.


Yumuko si Magda sa harap nito, "Masusunod, Panginoon," tugon niya.


Pagkatapos ng pangyayaring ay nagsimula naman ang pagbaha ng dugo sa kanilang lugar. Hindi lumilipas ang araw na walang nakikitang bangkay sa kalasada, putol ang ulo o kaya ay walang lamang loob. Nagpatuloy ang ganitong sistema hanggang sa maging natural na lang ito sa mga tao.


"Sa wakas, hindi na mahihirapan ang aking anak na ialok sa mga tao ang buhay na walang hanggang at puro kasaganaan lang," wika ni Magda habang hinihimas-himas ang nakaumbok na tiyan.



Come InWhere stories live. Discover now