Halimaw Sa Gabi

1 0 0
                                    

Title: Halimaw Sa Gabi


Maalinsangan ang gabi ngunit pinagpapawisan ako nang malamig. Mabilis at malakas ang bawat pintig ng aking puso. Sa takot na baka marinig ng halimaw sa gabi ang pagtibok nito ay marahan lang ang aking ginagawang paghinga.


"Mama, natatakot ako. Tulungan mo ako," lumuluha kong usal.


Halos dalawang buwan ko na ring hindi nakakasama si Mama mula noong umalis siya patungo sa Saudi upang maging Domestic helper at matustusan ang mga pangangailangan sa aming pag-aaral ng aking kapatid. Dalawang beses pa lang din siyang tumawag sa akin kaya't hindi ko masabi sa kaniya ang pinagdaraanan ko.


Isang panalangin ang aking sinambit bago ko inihimlay ang aking nanginginig na katawan. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit alerto ang aking pandama. Narinig ko ang langitngit ng pinto sa aking silid. Nanigas ang aking katawan sa higaan. Mabilis kong pinunasan ang mga luha at pilit ko itong pinigilan sa pagpatak. Alam ko na ngayong gabi ay muling mauulit ang bangungot na patuloy kong nararanasan. Nagpanggap akong nagtutulog-tulugan upang isipin ng halimaw na ako ay tulog na, baka sakaling hayaan niya na lang akong matulog at tuluyan akong lisanin.


Ngunit hindi iyon umubra dahil patuloy sa paglapit ang mga yabag ng paa nito. Naramdaman ko ang pag-upo nito sa gilid ng aking kama at ang dahan-dahan nitong pag-alis sa kumot na bumabalot sa aking katawan. Marahas niya akong pinaharap!


"H-huwag po! M-maawa na po ka-"


"Tumahimik ka kung ayaw mong patayin ko ang kapatid mo!" Nanlilisik ang mga nito at tinakpan ng kaniyang palad ang aking bibig.


"Maghubad ka!" mariing utos nito.


Hindi ko na magawang makapanlaban dahil na rin sa pag-aalala para sa kaligtasan ng aking nakababatang kapatid na pitong taong gulang pa lang. Sinunod ko na lang ang mga sinabi nito dahil ganoon din naman, wala pa ring magbabago.


Ramdam ko ang mariin nitong paghawak sa aking murang katawan lalo na sa aking kasilanan. Tila itong asong ulol na sabik sa laman. Pumatong siya sa akin at walang pag-aatubili niyang ninakaw muli ang aking kamusmusan. Pagkatapos maisakatuparan ang tawag ng kamunduhan ay basta na lang niya akong iniwan sa aking silid na parang isang basurang paulit-ulit na ginamit.


Kinaumagahan ay mabigat ang aking pakiramdam, kung ako lang ang masusunod ay hindi na muna ako babangon. Masakit pa ang aking katawan maging ang aking puso dahil sa sama ng loob sa halimaw na iyon. Subalit kailangan ko ng maghanda ng almusal namin ng kapatid bago pumasok sa eskwelahan.


"Ate Hanna!" humahangos na tawag sa akin ni Meyong habang inaayos ko ang hapag kainan.


"Bakit, Meyong? Ano ang nangyari?" nag-aalala kong tanong.


"Ate! Babalik na si Mama. Uuwi na siya!" Tumalon-talon pa ito.


Naguluhan ako sa kaniyang tinuran, "Meyong, matagal pa bago umuwi rito si Mama kaya't imposible iyang sinasabi mo. Kumain ka na lang baka nagugutom ka lang," ani ko.


"Hindi, Ate. Sigurado ako. Sabi niya sa akin uuwi na raw siya," pagpupumilit nito.


"Sinabi niya sa iyo? Paano?" Kunot-noong kong tanong.


"Sa panaginip po, Ate," nakangiti pa nitong tugon.


Napabuntong hininga na lang ako sa aking narinig mula at napailing, "Kumain na nga lang tayo baka mahuli pa tayo sa pagpasok," pag-iiba ko ng usapan.


Nakanguso namang sumunod si Meyong sa aking sinabi. Nasa kalagitnaan na kami sa aming pagkain nang biglang tumunog ang doorbell.


"Ayan! Si Mama na iyan, Ate. Tara na! Salubungin na natin siya," malapad ang mga ngiting sambit ni Meyong.

Come InWhere stories live. Discover now