Gabay

2 0 0
                                    

"Ang mga babae ay makasalanan! Katulad ni Eba-ipinagawa niya kay Adan ang ipinagbabawal ng ating Panginoon! Sila ang nagdala sa atin sa kaparusahan ng Panginoon! Kailangan nating gumawa ng isang bagay na makapagpapaligaya sa Diyos-ang lipunin ang mga kababaihan dahil sila ay makasalanan!" hiyaw ni Gabay sa harap ng kanyang tagasunod.
"Lipunin! Lipunin!" sabay-sabay na tugon ng mga kasaping kalalakihan. Ang kababaihan ay walang karapatang tumugon o magsalita sa loob ng silid-pulungan. Nakaluhod lang ang mga ito at nagdarasal hanggang sa matapos ang pagpupulong.
"Mga tagasunod... nais kong ipaalam sa inyo na sa susunod na linggo ay muling nagtakda ang Panginoon para gawin ko ang isang bagay na kanyang ikalulugod." Dumako ang paningin nito sa dalagang si Magda.
Naramdaman ng dalaga ang maraming mga matang nakatingin sa kanya kaya't labag man sa kanilang samahan ay pasimple siyang nag-angat ng tingin. Nagimbal siya nang makompirma niya na lahat ng kasapi ay nakatingin sa kanya at si Gabay ay nakangisi pa! Napatda siya at nakaramdam ng kilabot. Nanginig ang kanyang katawan, ngunit muling ibinalik ng Ama niya ang kanyang ulo sa pagkakayuko at hinawakan ng Ina niya ang kanyang nanlalamig na kamay. Pansantalang natulala si Magda dahil sa sindak na naramdaman. Bumalik lang ang kanyang kaisipan sa kasalukuyan nang oras na ng pagbibigay. Lahat ng tagasunod ay obligadong magbigay sa halagang nakatalaga sa kanila bago lumisan sa silid-pulungan; bata man o matanda. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga babae ay obligado pa ring pumunta sa pagpupulong kahit na hindi naman sila kailangan doon.
Bago lumabas ay napatingin si Magda sa lalaking mataba na nasa taas ng silid na iyon. Siya ang tinatawag nilang "Gabay" ginagalang at tinitingala ng lahat. Siya ang pinapaniwalaan nilang ipinadala ng Panginoon upang gumabay sa kanila patungo sa kaligtasan. Ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay nagsisilbing utos ng Panginoon na dapat nilang sundin. Ang upuan nito ay gawa mismo sa ginto na sumisimbolo sa kapangyarihang ipinagkaloob rito. Ang kanyang puting kasuotan, mula ulo hanggang paa ay tanda ng kanyang kabanalan sa paningin ng Panginoon. Siya lang ang bukod tanging banal at walang bahid ng kasalanan.
Sa mga sumunod na araw ay naging tahimik at tila hindi mapakali ang mga magulang ni Magda.
Isang gabi, nagpunta ang mga tagapagsilbi ni Gabay sa kanilang tahanan upang siya ay kunin. Walang nagawa ang kanyang mga magulang kaya't hinayaan na lang siya nito na sumama sa kanila.
"Anak, tandaan mo na kaya mangyayari ang lahat ng ito ay para mailigtas tayo. Dahil mahal tayo ng Panginoon," narinig niyang turan ng kanyang Ina.
-- oOo --
"Gabay... ano ho ang ginagawa natin dito?" tanong ni Magda.
"Gagawin natin ang utos ng Panginoon, Magda. Susundin natin ang itinakda Niyang mangyari," nakangising saad nito.
Muling nakaramdam si Magda ng kilabot, "A-ano ho ba iyon, Gabay?" nagsimula nang manginig ang kanyang tinig.
"Hubarin mo na ang iyong kasuotan bago tayo magsimula. Malulugod ang Panginoon kung wala tayong saplot sa katawan, dahil hubad Niya tayong nilikha," malumanay na tugon nito.
Nahindik siya sa kanyang narinig, "P-pero, Gabay. H-hindi ba't kasalana-"
"Manahimik ka!" Isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa dalaga kaya't bumagsak ito sa sahig, "Subukan mong kuwestiyunin ulit ang aking mga sasabihin... ikaw, at ang iyong pamilya ay tiyak na maparurusahan! Nakalimutan mo na ba na ako ang gabay!? Kalapastangan iyan sa harap ng ating Panginoon!" nanggagalaiti nitong sambit.
"P-patawad ho, G-gabay," ang tanging naging tugon ng dalaga.
"Bumangon ka na at maghubad para makapagsimula na tayo," nawala ang galit nito nang makita ang takot sa mukha ni Magda
Wala ibang nagawa ang dalaga kundi ang sumunod sa kanilang gabay kahit na may pag-aalinlangan sa kanyang kalooban. Napapikit siya at tumalikod dito. Isa-isa niyang inalis ang saplot sa kanyang katawan habang walang patid ang pag-agos ng kanyang mga luha.
Naramdaman niya ang lamig na bumabalot sa buong silid kaya't napayakap siya sa kanyang sarili.
"Ngayon... lumuhod ka at magdasal, Magda. Ibuka mo ang iyong mapulang labi kagaya ng ginagawa mo sa silid-pulungan tuwing ikaw ay nagdarasal," utos nito.
Lumuhod siya at sinimulan ang pagdarasal. Pumunta si Gabay sa kanyang harapan at unti-unting inilapit nito ang katawan sa kanya. Natigilan siya at napadilat dahil naramdaman niyang hubo't hubad si Gabay! Kitang-kita niya ang malaki nitong tiyan dahil sa katabaan.
Tinangka niyang ilayo ang kanyang mukha ngunit bigla nitong hinawakan ang kanyang buhok. Walang salita nitong inilapit sa kanyang bibig ang nagtutumigas nitong alaga at pilit na inilalabas-pasok. Wala nagawa si Magda kundi ang tahimik na lumuha sa kababuyang dinaranas. Dinig na dinig niya ang mga ungol nito na tila ba ay sarap na sarap sa kanyang ginagawa, sinasabayan pa ng mga mura at malalaswang mga salita. Maya-maya lang ay naramdam niya ang pagtilamsik ng kung anong likido sa kanyang bibig. At doon lang nito binitiwan ang kanyang buhok.
"Magaling... Magda. Magaling ang... iyong ginawa," hinihingal na sambit nito, "Hindi pa tayo tapos at sa susunod na gagawin natin ay dalawa na tayong pupunta sa langit na inihanda ng Panginoon sa atin." Nag-uumapaw sa pagnanasa ang mga mata nito.
"T-tama na ho. M-maawa na ho- Aahh!"
Hinatak siya nito at hinagis sa kamang naroon. Napasiksik siya sa dulo ng kama, tila ba sa paraang iyon ay makalalayo siya sa kamay nito.
"Magugustuhan mo rin ito, Magda. Pangako," nakangising saad nito.
"H-huwag ho! M-maawa na h-ho kayo! I-itay! T-tulungan ninyo ako! I-itay!" sigaw niya sa pag-asang maririnig siya ng kanyang ama.
"Tulong! Tulong! Tulungan ninyo ako!" panggagaya ni Gabay sa kanya, "Kahit gaano ka pa kalakas sumigaw ay walang makaririnig sa iyo rito," dagdag pa nito.
Nanglupaypay ang katawan ni Magda sa katotohanang wala na siyang ibang matatakbuhan pa. Tanging ang mga luha niya ang kanyang karamay sa impyernong kinakasadlakan niya. Sinamantala naman iyon ni Gabay, itali nito ang kanyang mga kamay at binusalan ang kanyang bibig.
"Ayoko sanang gawin iyan sa iyo ngunit pinilit mo ako. Nakaririndi ang ingay mo," wika nito na tila isang demonyong takam na takam sa pagkain nasa kanyang harapan.
Pumatong ito sa kanya at nagtangkang itong halikan siya sa mga labi. Ngunit buong lakas siyang nagpumiglas upang makaiwas sa nakakadiri nitong bibig. Sa labis na init na nararamdaman nito sa katawan ay idinapa siya nito sa kama, dahilan para tuluyan siyang hindi makakilos. Marahas ang paggalaw nito. Madiin ang bawat paghipo. Muli ay sapilitan nitong ipinasok ang makamundong alaga sa kaselanan niya. Paulit-ulit. Pabilis nang pabilis. Hanggang sa mailabas ang lumulukob na init sa kalooban nito.
Awang-awa si Magda sa kanyang sarili ng mga sandaling iyon.
"Panginoon, ito ba ang nais mo!? Para sa kaligtasang sinasabi mo!? P'wes! Ililigtas ko ang sarili ko sa kaparusahan mo!" puno nang pagdaramdam na dalangin niya sa kanyang isipan.
-----
Akala ni Magda ay tapos na ang mala-impyernong sandali ng kanyang buhay. Ngunit ilang araw ang nagdaan ay walang kasawaang pinaglaruan ni Gabay ang kanyang katawan.
Isang araw, pagkatapos ng ritwal nito gamit ang kanyang katawan ay saglit itong nagpahinga upang kumain. Tumayo na ito at tatalikod na sana para pumunta sa kusina nang bigla itong pinalo ni Magda sa ulo gamit ang mamahaling vase. Muling natumba at nawalan ng malay ang matabang gabay.
Buong lakas na dinala niya ito sa banyo at doon ay pinilit niya itong inupo saka niya tinalian ang mga paa at kamay nito.
-----
"Mabuti naman at gising ka na," nakangising bungad ni Magda nang mabungaran niya itong may malay na.
"Demonyo ka talagang babae ka! Parurusahan ka ng Panginoon sa kalapastangan mong ito," hiyaw nito.
Napatawa nang malakas si Magda, "E, di tawagin mo ang Panginoon mo at sabihin mo na iligtas ka niya sa kamay ng isang demonyo! Magdasal ka!" nang-uuyam na tugon niya.
"Lapastang-aaahhhh!"­ napasigaw ito sa sakit nang hiniwa ng dalaga ang braso nito.
"DASAL!" dumadagundong na sigaw ni Magda at ihinanda ang kutsilyo sa muling pagtutol nito.
Natakot ang Gabay kaya't napilitan ito pumikit at magdasal.
"Ganyan nga. Ngayon, ibuka mo pa ang bibig mo. Ibuka mo!" utos niya. Ngunit hindi ito kumibo.
"Buka sabi! O baka gusto mong ako ang magbubuka niyan para sa iyo?" nakangising sabi ng dalaga.
Mabilis na sumunod ang gabay ngunit ipinagpatuloy pa rin ni Magda ang kanyang nais. Hiniwa niya ang bibig nito. Dahilan upang mapasigaw ito sa sakit at sinamantala niya naman iyon upang ipasok sa bibig nito ang mga siling ihinanda niya kaninang wala pa itong malay. Halos maihi si Gabay sa sari-saring sakit na kanyang nararamdaman.
"Ano... Gabay, narating mo na ba ang unang pintuan ng langit? Huwag kang mag-aalala, ihahatid kita hanggang sa huling pinto nito." Walang mababakas na ekspresyon sa kanyang mukha.
"H-halimaw ka! P-paruru...sa...han k-ka ng P-pangi...no...noon!­" Pinipilit pa rin nitong makapagsalita kahit na hirap na hirap na ito. Naghahalo-halo na rin ang luha, pawis at sipon nito.
Kinuha ni Magda ang isang malaking kahon. Nanlaki ang mga mata ni Gabay nang makita ito.
"H-huwag m-maaa...wa ka! nangingilabot na ang tinig nito.
"Bakit, Gabay? Natatakot ka ba sa alaga mo?" nakangising tanong ng dalaga. Lumapit siya rito at inilagay niya sa binti nito ang laman ng kahon saka siya lumabas sa salaming pintuan sa loob ng banyo.
Walang humpay ang sigaw ni Gabay. Habang si Magda ay tahimik na nakatingin sa nangyayari dito sa loob. Kitang-kita ng dalaga kung paano kainin ng mga alagang daga ang ari ng amo nito. Nang magsawa sa pinapanood ay pumasok siyang muli at kinuha ang mga daga suot ang isang matibay na gloves.
"Ano, Gabay? Kumusta ang pangalawang pintuan ng langit?" sambit nito.
"H-ha...yop ka!" Halos malagutan ng hininga si Gabay sa pinagdaraanan nitong hirap.
Iniwanan ito ng dalaga at sa kanyang pagbabalik ay dala niya ang mga alahas nito na kanyang pinakuluan, isinuot niya ang mga ito kay Gabay. Hindi ito magkamayaw sa pagsigaw.
"Talagang bagay na bagay sa'yo ang magagandang bagay na kinukuha mo sa mga tagasunod mo, Gabay," Hindi pa siya nakuntento sa nakikitang paghihirap nang matabang lalaki kaya't binuhusan niya ito nang napakaraming yelo at binuksan ang shower sa pinakamalamig na temperatura, "Para naman malamigan ang mainitin mong ulo. Huwag kang mag-alala. Malapit ka na sa dulo ng langit," dagdag pa nito.
Kinuha niya ang patalim at plais, sapilitan niyang ipinabuka rito ang bibig nito at saka niya inipit ng plais ang dila nito. Hinila niya ito at dahan-dahan itong pinutol gamit ang patalim na hawak. Walang patid sa pag-atungal si Gabay sa impyernong nararanasan nito.
"Ayoko sanang gawin ito sa iyo ngunit pinipilit mo ako. Nakaririndi ang ingay mo," wika ni Magda habang tinatahi ang bibig nito.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras, nilinisan niya si Gabay at dinala sa kanilang silid-pulungan na nasa bungad lang ng bahay nito. Pagdating doon ay pinaupo niya ito sa ginto nitong upuan. Tinalian ng alambre ang leeg, kamay, braso, tiyan at dalawang paa nito. Sapat lang ang higpit upang hindi na ito makakilos pa, ngunit para makasiguro ay pinukpok niya ng martilyo ang mga paa nito. Nagpumiglas ito sa labis na sakit ngunit hindi niya ito binigyang pansin. Bumalik siya sa kusina para ihanda ang huling bahaging itinakda niya para kay Gabay. Hinintay niya na kumulo ito nang husto bago bumalik at ibinuhos ito roon hanggang sa mabalot nito ang buong katawan ni Gabay. Paulit-ulit niyang ginawa ito. Nang masiguro na matibay at tuyo na ang nakabalot sa katawan nito, muli niya itong inayos sa dating hugis at itsura nito kanina. Matapos ay isinuot niya rito ang pinakamaganda nitong damit.
Napangiti si Magda na obrang kanyang nilikha. Tamang-tama lang ito dahil gusto naman nito na ginagalang siya at tinitingala ng lahat kaya't iginawa niya ito ng isang rebulto-gamit ang sarili nitong katawan.
"Mag-ingat ka sa langit na pupuntahan mo, Gabay, baka matunaw iyang nakabalot sa iyo at tuluyan kang masunog."

Come InWhere stories live. Discover now