Prologue

12 1 0
                                    

"Hi, Babe!" ani ko na nagpalingon sa aking kasintahan. Nakangiti ako habang papalapit sa kinauupuhan nito. After nang klase ko ay dumiretso na kasi ako dito sa aming tagpuan dito sa loob mismo nang campus namin.

Nakaupo siya ngayon sa exact place where we met, one and a half year ago. That was the first time I saw a guy crying. I lend to him my handkie that time. He cried his heart out. Kala ko dati nakakabawas sa pogi points sa lalaki ang pag iyak. But seeing him like that, I was amaze by his braveness.

"Hi!" sinuklian din ako nito ng ngiti. Hindi umabot ang ngiting iyon sa kanyang mga mata.

"May problema ba?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Umiling lang ito at nag iwas ng tingin. Umupo ako sa tabi niya at humilig ako sa kanyang balikat.

"Kala ko ba, walang lihiman?" nakapout kong saad. Habang nilalaro ko ang daliri niyang nakapatong sa kanyang hita.

Itinaas naman nito ang aking baba gamit ang libre niyang kamay. Nagtagpo ang aming mga mata.

May naaninag ako na tila lungkot sa mga mata nito. Pagdaka'y binawi niya ang kanyang tingin at itinuon ito sa malayo. Nag tataka man ay di ko na ito pinansin pa. Ilang sandali din kaming walang imikan.

"C-cherr, masaya ka pa bang kasama ako?" Out of the blue he ask.

"Yup!" I gave him my sweetest smile. "Ba't mo pala natanong babe?" ganting tanong ko sa kanya. Di ko parin hinihiwalayan ng tingin ang kanyang mga mata.

Bumuntong hininga ulit siya...

Dahan-dahan kong inihiwalay ang katawan ko sa kanya. At umupo ako ng tuwid.

"I want you to be honest, John." humugot mo na ako ng hangin bago ako humarap sa kanya. I look straight into his eyes. "Do you want to end our relationship?" lakas loob kong tanong. Hindi ko mapigilang pumiyok sa bawat katagang aking binitawan. Naikuyom ko ang aking kamaong nakapatong sa aking hita. Kahit na may mga patalim nang humihiwa sa puso ko ay kinakaya kong kontrolin ang sarili ko. Ramdam ko na ang pangingilid ng luha sa aking mga mata. I'm trying to control my self not to burst in tears. Masakit man sa loob ko pero kailangan kong magpakatatag. Iniwas niya ang kanyang paningin. Ilang sandali ang kanyang pinalipas bago siya tumugon. Kahit may luhang nagbabadyanang tumulo sa aking mata ay pinigilan ko ito sa abot ng aking makakaya.

DARK SIDE OF AN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon