Part III

1 0 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang aking cellphone na nasa bedside table sa kanang bahagi ng aking higaan. Wala pa akong matinong tulog, madaling araw na kasi akong nakarating sa aking condo dito sa Makati. Twelve hours din ang biyahe from ilocos to Manila. And I swear nakakapanglata ang mahabang biyahe.

"Hello?!" inaantok kong saad.

"Be, how's your vacation?" bungad ni Jewel sa kabilang linya.

"Be naman, wala pa kong matinong tulog be! Maawa ka naman sa'kin. I'll call you later." puputulin ko na sana ang tawag nang nanlaki ang aking mata sa sinabi niya.

"Get your ass up and open the door!" utos nito.

"Whaaatt? You're kidding, right?" gulat kong saad. Alas siyete pa lang nang umaga ayon sa alarm clock ko. Halos wala pang limang oras akong nakakatulog.

"Pauling, bubuksan mo ba 'tong pinto or sisirain ko 'to? Mamili ka?" It's Kring, who's on the line now. I heared Jewel's giggle. I rolled my eyes at napasapo ako sa aking noo.

Kring knows how to annoy me. Itong babaeng 'to 'di talaga marunong maghintay. I hate it when she calls me Pauling. Ang ganda ng pangalan ko pinapapangit niya.

Dahil sa imbyerna ako sa kanila ay hinayaan ko mo na sila sa labas ng aking condo. Dumiretso ako sa bathroom and do what I need to do. Nang matapos ako ay lumabas ako ng aking silid at tinungo ko ang pinto.

I put a wide smile on my face before I open the door.

"Ba't ang tagal mo?" reklamo ni Jewel. Inirapan lang naman ako ni Kring at nag martsa papasok. Isinara ko ang pinto at sumunod ako sa kanila. Dirediretso naman si Kring sa sofa at pasalampak na umupo habang si Jewel ay kinuha ang remote at binuksan ang T.V bago umupo sa pang isahang sofa. At ease na at ease 'tong mga to sa unit ko.

"Anong masamang hangin ang nagtaboy sa inyong dalawa papunta rito?" nakasimangot kong tanong sa kanila. Sinira kaya nila ang tulog ko.

"Haller! As if naman naiwan mo sa probinsya yang utak mo be!" sinamaan ko nang tingin si Jewel.

"Jewel Rain, umayos-ayos ka sa pagsagot. Ang aga-aga, panira ka talaga." sinamaan ko siya nang tingin.

"Why don't you prepare our breakfast, Pauling. I'm hungry na." bagsak ang panga kong tumingin kay Kring.

"Kararating ko lang kaninang madaling araw. And as you can see wala pa akong nabiling stock. If you want to eat, mag padeliver na lang kayo. I'll try to take a lil sleep." humihikab akong nagtungo sa aking Silid.

Nang makapasok ako sa loob ng aking silid ay binasak ko ang aking katawan sa aking kama. Ilang saglit lang ay tila na ako idinuduyan sa alapaap.

Magtatanghalian na nang ako ay maalimpungatan. Bumangon ako at dagling tinungo ang bathroom.

Kakabukas ko lang ng pinto nang bathroom nang bumukas naman ang pinto ng aking kwarto.

"Buti naman at gising ka na. Kanina pa kami nagugutom kakahintay na magising ka." kumunot ang aking noo sa tinuran ni Kring. Himala atang hindi ito nagsusuplada ngayon.

Sumunod naman ako agad sa pagalabas nito.

Pagpasok ko sa may kitchen tumambad sa aking harapan ang lamesang punong-puno nang pagkain.

"Woahh, PG ba kayong dalawa?" sarkastiko kong saad. "Ang dami niyo namang in-order." ani ko habang isa isang kong sinusuri ang mga pagkaing nakalatag. Humila ako nang upuan sabay upo.

"Bago mo man lang sana kami hinusgahan eh, nagtanong ka muna kung order ba yan o kung kanino galing?" pairap na saad ni Rain.

Napahinto ako sa pag sandok ng pagkain dahil sa tinuran ni Rain. Nangunot ang aking noo.

DARK SIDE OF AN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon