Part IV

3 0 0
                                    

Alas nuebe nang umaga nang lumuwas kaming tatlo. Si Kring ang nasa harap nang manibela, si Raine sa may backseat at ako sa may passenger seat.

"How was your meeting?" nilingon ko ito. Tutok ang paningin nito sa harap. Waring kay lalim nang iniisip nito.

"Earth to Kiersten Kris."

"W-what?" she asked. Kumunot ang noo nito.

"I'm asking you. Kung kumusta ang meeting mo. Ngunit tila ba ang layo na ng narating nang utak mo. Is there something bothering you?"

"Nothing." she said.

Napalingon naman ako nang biglang umubo sa likuran si Raine.

"You okay?" I asked.

"O-oo. O-okay lang ako. Pero siya, hindi." inginuso pa niya si Kring.

"Shut the fuck up, Raine." sinamaan nang tingin ni Kring si Raine nang magsalubong ang mata nila sa rearview mirror.

Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"What's going on?" nagtatanong ang tinging ipinukol ko sa kanilang dalawa.

"I told you it's nothing. Kailangan pa bang ulit-ulitin." matigas na saad ni Kring.

"Okay! Chill ka lang..." naiiling kong saad.

Hindi ko na din pinagpilitang alamin kung ano man iyon. Habang nasa biyahe ay namayani ang katahimikan. Inaliw ko na lang din ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa labas.

"Nanay Julia sina Mommy po?" tanong ko sa kasambahay nang pagbuksan nila kami nang pinto.

"Naku, iha. Kakaalis lang nang Daddy at Mommy mo may importante daw silang pupuntahan." sagot naman nito.

"Nanay kamusta na po?" Tanong ni Kring kay Nanay Julia. Lumapit pa ito dito at yinapos si Nanay Julia. Sumunod naman si Raine. Yumakap din ito kay Nanay.
"Okay lang naman ako mga anak. Ang ganda-ganda naman nang mga batang 'to. Ang bilis nang panahon. Kung dati naghahabulan pa kayo sa may garden na naka salawal laang. Ngayon, ku'h.. Para kayong mga modelo na." sinipat-sipat pa kami nito nang tingin. Napangiti naman kaming tatlo sa ala-ala nang aming mga kabataan.

"Nanay, si Raine po ang model sa aming tatlo. Papirmahan mo Nay yang damit mo sa kanya." natatawang ani Kring.

"Ikaw talagang bata ka, mapagbiro ka parin." natatawang saad naman ni Nanay Julia.

"Mana sa'yo Nay." hirit pa ni Kring.

"Asus 'tong batang 'to. Oh siya...Maiwan ko na muna kayo't ihahanda ko ang aking lulutuin para sa pananghalian. Pahahatiran ko na lang kayo kay Merly nang meryenda." saad nito bago kami iniwan sa sala.

Napatingin naman kaming tatlo sa may hagdan nang may marinig kaming yabag.

"Mommy!" tili nang aking anak.

"Cherrseah Aelleynah.." sigaw naman nang yaya nito sa taas.

"Baby, be careful." kinakabahan kong saad. Sa isang maling hakbang lang nito baka gumulong na ito pababa nang hagdan.

Yumakap ito sa beywang ko nang makalapit ito sa akin.

"Hindi halatang namiss mo 'ko, baby." I gave her a hug and kisses.

"Ang tagal mo po kasing hindi dumalaw Mommy eh." may hinampong saad naman nito.

"Busy kasi si Mommy, baby. Kaya di masyadong nakakadalaw si Mommy." saad ko habang hinahagod ko ang kanyang likod.

"Busy si Mommy mo sa kaka stalked, bebe girl." turan naman ni Kring. I gave her a death glare.

Kumalas naman ang aking anak sa pagkakayakap sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DARK SIDE OF AN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon