Papasikat pa lang ang araw nang lumabas ako ng aking cottage. Umupo ako sa gitnang baitang ng hagdan may tatlong baitang lang naman ito. Pinagsalikop ko ang aking palad na nakapatong sa aking hita at inihilig ko ang aking ulo sa hamba nang hagdan.
Napabuntong hininga ako.
Madaming naglalaro sa utak ko, mga katanungang naghihintay nang kasagutan. Kung maaari lang ay wag ko na munang isipin ang mga ito. Ngunit sadyang umuukilkil parin ang mga ito sa aking diwa.
Kaysa naman bunuin ko ang aking sarili sa kakaisip ay minabuti kong tumungo sa tabing dagat.
Tinanggal ko ang aking tsinelas at nakipaghabulan ako sa alon. Ang sarap sa pamiramdam na maging malaya. Yung tipong wala kang inaalala kundi ang iyong ikaliligaya lamang.
Himinto ako sa pakikipaghabulan sa alon nang makakita ako nang shell. Pinulot ko ito at pinakatitigan. Napangiti ako nang may isang alala nung ako ay nasa walong taong gulang pa lamang ang biglang lumitaw sa aking balintataw.
Flashback
Pinulot ko ang shell na aking naapakan habang hinahabol ko ang laruan ko nang tangayin ito nang alon.
"Make a wish!"
Humarap ako sa aking likuran kung saan nagmula ang tinig. Pagharap ko ay bumungad sa akin ang nakangiting batang lalaki. Tinitigan ko lamang ito.
"I said make a wish." ulit nito sa sinabi niya.
"I heard you. And why should I do that? You're a stranger you know. I shouldn't talk to you." inirapan ko siya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa shell sabay martsa ko pabalik sa dating pwesto ko. Naramdaman ko naman ang pagsunod nito sa akin.
"You should make a wish."
Huminto ako sa paglalakad at hinarap ko siya. Pinamewangan ko siya.
"Why are your so makulit ba? And why are you keep following me?" pagsusuplada ko sa kanya.
"Bakit takot kang mag wish?" ganting tanong naman nito sa'kin.
"I'm not!" mariin kong saad.
"Yes you are!" pang aasar pa nito sa'kin. Kahit naiiyak ako sa pangaasar niya ay pinigilan ko ang aking luha. Lumapit ako sa kanya habang mariing nakakuyom ang munti kong palad. Walang sabi-sabi ko siyang inundayan nang suntok sa kanyang mukha.
"Agh!" daing niya habang sapo-sapo nito ang kanyang mukha. Natakot ako nang magtama ang aming paningin dahil namumula ang mga mata nito. Kumaripas ako nang takbo at iniwan ko siya doon kasama nang aking laruan.
Napabalik ako sa kasalukuyan nang may maramdaman akong humawak sa aking damit. Pagyuko ko ay sumalubong sa akin ang nakangiting mukha nang isang batang lalaki. Napaka amo nang kanyang mukha. Namumula ang maumbok nitong pisngi.
I was wondering kung nasan ba ang nagbabantay sa cute na baby na'to. Bakit nila ito hinahayaang mag-isa ito sa tabing dagat.
"Hi!" bati ko sa kanya. Umupo ako para magpantay kami.
"What is your name baby?" nakangiti kong tanong sabay pisil sa na namumula niyang pisngi.
"I'm Chase Nicholie po." bibo nitong saad.
"Na saan yung nagbabantay sa'yo?" tanong kong muli.
"Chain." anang isang tinig sa di kalayuan.
"Papa.." bulalas naman nang batang nasa aking harapan. Nakangiti itong nakatunghay sa di kalayuan. Sinundan ko naman nang tingin ang kanyang tinitingnan.
BINABASA MO ANG
DARK SIDE OF AN ANGEL
Fiksi UmumCherr Paulin Estañol, may malaanghel na ganda. Nagmahal, nasaktan, nabigo at nagdusa sa unang lalaking nagpatibok nang kanyang puso. Ngunit sa ikawalang pagkakataon ay makikilala niya nag isang lalaking magmamahal sa kanya nang lubos. Magpaparamda...