Part I

9 2 0
                                    

A year later...

Nakatayo ako ngayon sa may dalampasigan. Nakaharap ako sa papalubog na araw. Mula ng dumating ako sa resort na ito sa may Pagudpod, Ilocos Norte ay naging routine ko na ang panonood sa papalubog na araw.

Sa pag-aagaw ng liwanag at dilim ay nagiging kulay kahel ang kalangitan. Napakagandang pagmasdan, sabayan pa ng malamig na hangin na nagmumula sa karagatan. Tila ba napapawi nito ang ano mang sakit na aking nararamdaman.

Naramdaman ko ang lamig ng tubig dagat sa aking mga paa. Naabot na pala ng alon ang aking kinatatayuan ng 'di ko namamalayan. Nilaro-laro ko ang buhangin gamit ang aking mga paa. Ilang sandali pa ang aking pinalipas ng maisipan ko nang bumalik sa inuokopa kong cottage sa resort.

Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama ng makapasok ako sa aking silid. Magpapahinga lang ako saglit bago ako magpalit ng damit.

Kinuha ko ang aking phone sa aking tabi nang tumunog ito. Pagbukas ko ay may mensahe mula kay Kring.

{Be, how's your vacation?} basa ko sa message nito. Nagtype naman ako.

{It's great! I'm enjoying my vacation so far.}

Pagkasend ko ay bumangon na ako at tinungo ko ang banyo.

Habang naliligo ako ay iniisip ko na kung ano ang aking gagawin mamaya. Siguro mag stay na lang ulit ako sa may tabing dagat mamaya. May tatlong araw pa bago ako bumalik sa Manila. I-enjoy ko mo na ang pag stay ko dito.

Nang matapos ako sa pag ligo ay inabot ko ang towel at tinuyo ko ang aking katawan. Paglabas ko ng bathroom ay humagilap ako ng maisusuot kong underware at damit.

Kinuha ko ang summer dress na bigay sa'kin ni Kring nung nakaraang buwan. Nang maisuot ko ito ay tinernuhan ko lang ito ng fliplops.

Galing din si Kring sa resort na ito. Kaya rinecommend niya sa akin na magbakasyon ako sa lugar na ito.

Nung una ayoko sana, ako kasi ang namamahala sa business ni Mommy. Dahil sa hindi ako tinantanan ni Kring kaya narito ako ngayon sa lugar na ito.

Unang kita ko pa lang sa lugar na ito ay na-inlove na ko sa place na 'to. Ang buhangin dito ay parang puting buhangin ng boracay. Ang linaw nang dagat na tila ba ito nag aaya lagi. Hindi ko alam na may nagtatago pa lang paraiso sa lugar na ito.


May mangilan ngilang tao sa loob ng restaurant pagpasok ko. Alas otso na nang gabi. Marahil nasa tabing dagat na ang ibang mga bakasyunista. Maganda kasing mag stay sa dalampasigan pag gantong oras.

Gumawi ang aking paningin sa pwestong lagi kong inuokopa.

Nanlumo ako nang makita kong may nakaokupa na roon. Maganda kasi ang tanawin sa parte na 'yun. Tanaw ang karagatan.

I sigh, before I walked towards the table near me.

Pagkaupo ko ay lumapit ang waiter at kinuha nito ang aking order. Pagkatapos niyang ulitin ang order ko ay umalis na ito.

Nasisiyahang inilibot ko ang aking paningin. Ngunit napakunot noo ako nang masulyapan ko ang lalaking nasa ikatlong lamesa mula sa aking kinauupuan. Mataman itong nakatitig sa akin.

Iniwas ko ang aking paningin. Naiilang ako sa kanyang pagkakatitig. I felt he's staring at my soul the way he stared at me.

Ilang sandali lang ay inihain na nang waiter ang aking order. Pagkakita ko pa lang sa sinigang na belly ng bangus ay natakam na agad ako.

I started to eat. This food is John's favorite food na naging paborito ko narin. Lagi siya nitong may baon sa school dati. I should say Tita Ana has this magic in cooking, every dishes she made is mouth watering.

DARK SIDE OF AN ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon