Chapter 4

58 5 0
                                    

Chapter 4

Zhaira

Pumasok na kami sa classroom. Swerte nalang namin wala pang teacher sa unahan. Kasi kung meron. Magagalit yun samin dahil nagcutting kami kahapon. Nalaman ko rin kay Michie na kami lang ang nagcutting. So, okay lang naman siguro kasi walang mga faculty kahapon, remember? Pero imposibleng di nila malaman. Bahala na lang!

"Zhaira, tatabi ka sakin sa ayaw at sa gusto mo sa loob ng isang school year. Wala kang magagawa kasi inutos ko. Kung ayaw mo, alam mo na." Sabi nya sakin at saka ngumisi.

Sinapak ko na. "Tatabi naman ako sayo kahit di mo ko takutin. Okay lang namin kasi sakin yun kahit na feel na feel mo ang pagiging boyfriend ko."

"Sa akin mo pa talaga sinabi yan ha?" Humilig sya sakin.

"Hoy! Love birds! Ang aga ng lovey dovey nyo. Nakakadiri kayo please. Ugh." Sabi ni Michie sa aming dalawa.

Minsan talaga hindi mo maintindihan tong gagang to. Kahapon lang, nangunguna sya sa kung ano man yung gusto nyang mangyari tapos ngayon? What the freaking hell.

"Alam mo Michie, wala kaming pakialam sa nararamdaman mo." Sabi ko sa kanya at inirapan ko siya.

"Pinsan kita. You should start caring you know?" Sabi nya. "Anyway, naiinggit kasi ako sa inyooo."

Nag-inarte na. Ayan na.

"Umalis ka nga dito. Tss." Tinulak tulak ko na sya.

"Fine! Fine! Jonas! Paki-ingatan yan. Baka lalong mabaliw." Sabi nya at umalis na.

Remember that haliparot I'm talking about? Nandito sya! I cannot. Baka kung anong gawin nya sa akin.

"Hi Jonas." Bati nya kay Jonas at hindi ako pinansin.

"Hello." Tanging reply ni Jonas sa kanya at bumaling sakin. "Babe, saan mo gusto pumunta mamaya?" Sabi nito sa akin.

"Ikaw bahala, basta kasama kita. Okay na ko." Nginitian ko sya.

Nakita kong napairap si Nadine. Nadine ang pangalan nya sa pagkakaalam ko eh! Tapos umalis na sya.

"Is that I'm gonna do always, Jonas? Yun lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, be my girlfriend in front of her. In front the people. In front of my mom. And of course, in front of me." Sabi nya at ngumisi

"Now, nasaan ang sahod ko?!" Tumawa ako ng tumawa dahil don dahil napakunot ang noo nya.

"Anong sahod? I didn't hire you, did I?" Sabi nya at tumawa.

"Yeah, right. But still!" Pangongontra ko.

"Ano? Hindi ka ba nakukuntento sa yakap at akbay na nakukuha mo?" Sabi nya at lalong lumaki ang ngisi sa mukha.

Hinampas ko sya. "Ang kapal ng mukha mo!" Hindi ako kuntento kasi kulang pa!! Hahahaha. Landeee. Joke lang syempre.

"Sus. Gusto mo lang ulit yata mayakap!" Tapos niyakap nya ko.

Tumikhim ang teacher na nasa harap kaya napabitaw si Jonas sakin.

"Goodmorning, class!" Bati nito. Mukha syang mataray pero alam nyo yung parang matuwain sya.

"Goodmoring, Miss!" Sabi ng iba kong classmate kasi di pa naman nila alam ang pangalan.

"Miss Villas, by the way. At your service because I'm gonna be your class adviser. So, this week is for the orientation only. Get to know each other lang." Sabi nya at tumawa. Baliw ang isang 'to! Hahahahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon