Chapter 3

52 2 0
                                    

Chapter 3

Zhaira

Andito na po kami sa kanilang bahay at ‘yung nanay niyang suplada, ayaw akong pansinin. Ang sarap suntukin. Magsama sila ng anak niya! Joke ulit.

“Ah, hello po tita!” Bati ko sa kanya para naman medyo bumango ako sa kanya diba.

“Hi.” See? Ang tipid! Kulang nalang ‘di magsalita, o sabihin kong ‘Tita, buti ‘di napapanis laway mo.’ Tsaka wala ba siyang ibang sasabihin? Sa pagkakaalam ko ‘yan din ‘yung sinabi niya nung pinakilala ako ni Jonas.

Katabi ko si Jonas at bumulong ako ng, “Bakit ganan nanay mo? ‘Di ako pinapansin.”

“Hayaan mo nalang. Wala siyang magagawa sa’yo, girlfriend kasi kita.”

“Ganun? Favorite ka ba niya?” Pag-uusisa ko.

“Ewan ko diyan.” Sabi niya at nagkibit-balikat nalang.

Sabihin ko kayang, ‘Hi tita! I exist!’ ‘Di namamansin eh, pati laway ko napapanis. Ajujuju. Pasalamat nga siya ang ganda koo~

Sinundot naman ni Jonas ‘yung tagiliran ko, anong problema nito?

At patuloy niya lang po akong kiniliti.

“Hahahahhahahaha!” Syempre mahina lang. Kahiya sa nanay niya eh.

“Hahahahaha! Ano ba? Tama na. Bakit ba?” Tanong ko kasi ayaw niyang tumigil. Kainez ha.

“Hahahahahhahaha!” Tawa ko pa ulit kasi tuloy tuloy pa rin siya.

“Kung maglalandian lang kayo dito, makakaalis na kayo.” Sabi ni titang sungit. Infairness naman! May sinabi ding iba kaya lang ba’t ‘yun? Reklamadora ko masyado.

“Sorry po.” Sabi ko nalang kasj nakakahiya din naman diba.

“Lika na, Zhai. Hatid nalang kita.” Sabi niya ‘yun ng masama ang tingin kay tita. Lu

uh! Loko talaga ‘to. Nanay nya kaya yun.

“Bye po, tita.” Nagbow ako sa kanya at ngumiti.

“Bye.” Gaaaahd! Sobra sa tipid! Mauubusan ng laway? 

“Bakit ba ayaw sa’kin ng nanay mo? Nakakaasar ha! Ayaw akong kausap, pagsabihan mo nga ‘yon!” Sabi ko pagkalabas. Ang kapal lang ng mukha ko eh.

“Tss. Ganun na talaga ‘yun. ‘Di nga ako kinakausap nun e. Si Nadine lang.”

“Nadine?” Yun siguro yung anak ng bestfriend ng nanay nya.

“’Yung gusto ni mama para sa’kin.” Sabi ko na nga ba. Siya yun eh. Ano kaya itsura nun.

“Ah. Mas maganda ako dun!” ‘Di ko pa nga nakikita eh.

“Ang hangin. Whoo!” Tapos umacting siya na parang nilalamig.

“Oh? Buti ‘di ka tinangay.”

“Gwapo ko kasi.” Tss. Siya rin naman ganon. Bagay talaga kami diba?

“Wow! Hangin pre! Daig aircon!” Gantihan lang yan eh.

“Oo na, lika na.” At kami ay sumakay ng jeep kasi ihahatid na niya ko.

Teka lang? Anong ipapalusot ko sa kuya kong panget kung bakit ganito damit ko? Maitanong sa ungas na ‘to.

“Hoy! Ano sasabihin ko kay kuya kapag nagtanong bakit ganito damit ko?”

“Sabihin mo nagdate tayo.”

“Ganun?”

“Oo nga sinabi.”

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon