GREI P.O.V
It's Destiny. you're meant to be with me.Napailing si Grei nang mabasa ang note na kalakip ng mga bulaklak na ipinadala sa bahay niya. This time may kasamang chocolate iyon.
Apat na araw nang nagpapadala ng bulaklak si luna sa kanya na may ganoong klase ng mga mensahe.
Apat na araw na rin ang nakaraan nang makilala niya ito sa birthday party ng tita ni jenna.
Ang akala nito ay nagbibiro lamang ito nang sabihin nitong handa itong ligawan siya para magkatuluyan sila at matupad ang isang alamat,
kung anomang alamat iyon. tinatawanan lamang niya ito sa mga pinagsasabi nito.
Subalit kinabukasan nakatanggap siya ng pumpon ng mga bulaklak kasama ang isang note na nagsasabinh:
we're a pair from heaven. it's a start. let's not fight destiny.
natawa pa siya nang matanggap iyon. sa isip niya ay baka ginu-good time lamang siya nang dalaga.
Inignora na niya iyon. But when.he.received another bouquet of flowers the next day, he realized one thing: she was crazy.
Ngayon ay pinagsisisihan niya.kung bakit ibinigay pa niya rito ang kanyang Address at contact number.
Maya't maya rin kasi ang text at tawag nito. Kailangan na nya sigurong magpalit ng numero.
Inaamin niyang noong una ay nagkainteres talaga siya kay luna.
She was obviously his type-suplada at mukhang mahirap paamuhin.Tuwang tuwa siya kahit hindi nito sinasagot ang tanong niya at inignoran ang pakikipagkamay niya.
She was challenge, and he loved all kind of challenges.
Kaya nagulat talaga siya nang husto sa sinabi nitong: "I'm getting married. ....And you're going to be my groom."
He thought it was just a joke. or maybe her way to get rid of him. Now he knew she was serious.
Dinala niya sa kusina ang mga bulaklak at pinatong iyon sa ibabaw ng islang kasama ang iba pang bulaklak na galing din sa dalaga.
Ang ilan sa mga iyon ay medyo natutuyo na. Inilagay niya ang ibang chocolates sa loob ng refrigerator at kumuha lang ng isang bar.
Ngayong si luna na ang "nanliligaw" sa kanya, dapat na niya itong iwasan.
The flowers? Mas gusto niyang siya ang magpapadala niyon kaysa ang makatanggap ng mga bulaklak mula rito.
Hindi niya gusto ang mga agresibong babae. Kaya nga natuwa siya ng supladahan siya ni luna.
Pero mali nanaman siya. She was worse than Daliah. ito pa ang nanunuyo sa kanya.
He could not let that happen. siguradong pagtatawanan siya ng mga kaibigan niya.
Si Gavin Reinold Anonievo, nililigawan ng isang babae? it was so unmanly.
Siguro, lilipat muna siya sa bahay ng parents niya para mapagtaguan si luna,
Titigil din siguro ito kapag wala na siya at hindi na siya nito makita. Dapat ganoon ang mangyari kung hindi ay Mapipilitan siyang diretsahin ito.
Gigil na kumagat siya sa chocolate bar na ipinadala ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Destined
Humor"Hanapin mo ang kapares ng kuwintas na ito. Ang taong nagmamay-ari niyon ay ang taong nakatadhana para sa'yo." Hanggang sa lumaki si luna ay nakatatak sa isip niya ang sinabi ng kanyang lola patungkol sa kuwintas na ibinigay nito sa kanya. Ang akala...