CHAPTER 5 {(︶^︶)}

69 2 0
                                    

LUNA P.O.V
"Ano kamo?" gulat na sambit ni luna.

"I-ipinababalik po ng pinadalhan ninyo itong mga b-bulaklak." halatang nahihintakutan na ang pobreng delivery man sa paninindak niya.

Halos umusok ang ilong niya sa sobrang panggigigil. Hindi siya makapaniwala. Pero heto na ang ebidensya sa harao niya.

Ang bulaklak at ang cute teddy bear na ipinadala niya sa bahay ni Grei ay isinasauli sa kanya.

She tried to calm herself again. Pinaalis na niya ang delivery man bago pa ito maihi sa takot sa kanya.

Bitbit niya ang bulaklak at teddy bear papasok sa opisina ng gift shop na pagmamay-ari niya.

Hindi pa rin siya makapaniwalang ibinalik ni Grei ang mga iyon sa kanya.

Tinanggap nito ang mga nauna niyang ipinadala. What was wrong with that guy?

"Para kanino ang mga'yan?"

Nakaupo ang kinakapatid niyang si Mira sa sofa sa kanang bahagi ng kanyang opisina.

Anak ito ni Ninang julie, Ang best friend ng mommy niya at ninang niya sa binyag.

Ipinatong muna niya ang Bitbit sa mesa bago ito hinarap.

"Kailan ka pa pinayagan ni Ninang na magpagala-gala at nandito ka ngayon sa gift shop ko.?"

Her godsister's eye twinkled. "Tito Andrei."

Namilog ang kanyang mga mata at saglit nakalimutan ang panggigigil niya.

"Umuwi na siya from London?"

"Yup! at si Mama ang unang tinawagan niya," ngiting-ngiting sabi nito.

Hiwalay ang parents ni Mira at may ibang pamilya ang papa nito. Anak ito sa labas.

Ang papa nito ay isang Half Spanish at may asama at mga anak na nang makilala ang ninang niya.

Hindi niya alam ang buong kuwento. Basta ang alam lamang niya. Magkasundo naman ang parehong kampo.

Sa katunayan, kinikilala si Mira ng tatay nito.

Dati pa nilang pinagpapares ang mama nito at ang Uncle Andrei niya na kapatid ng mommy niya.

Kaya lamang naputol ang matchmaking scheme nila nang.kinakailangang magtungo ang uncle nya sa London dahil sa trabaho nito.

Now that he was back in the country, mukhang nagbunga naman pala ang pagsusulsol nila rito para pansinin ang kagandahan ng ninang niya.

"That's great!" she exclaimed. Umupo siya at napatitig sa teddy bear at bulaklak na nakapatong sa mesa niya, Muli niyang naalala ang panggigigil niya.

Mabuti pa ang ninang niya, Mukhang magkaka lovelife na uli, Samantalang siya ay mukhang de-ded-mahin ng kanyang destiny.

Ang akala pa naman nang padalhan niya ng mga bulaklak si Grei sa bahay nito ay natuwa ito dahil hindi nito pinasauli iyon.

Kahit hindi ito sumasagot sa mga text at tawag niya, iniisip na lamang niya na marahil ay busy ito.
kaya nagpa-deliever uli siya nang sumunod na araw, at nang sumunod pa.

Now, the flower and the Teddy bear have been returned to her. Hinaplos niya ang mukha niyon.

She sighed. Hindi dapat siya sumuko. Naniniwala siya na si Grei ang tinutukoy ng lola niya na nakalaan para sa kanya.

His necklace was proof. The legend was true. silang dalawa ni Grei ang katuparan ng alamat na iyon.

Hindi siya ganoong karomantikong tao. Kung tutuusin, iilan pa lamang ang naging nobyo niya.

DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon