Chapter 3 : Cancelled

42 4 0
                                    

Daniel's P.O.V

Nagising ako muli sa tunog ng alarm clock ko, kaya pinatay ko muna ito bago dumiretso ng banyo at ginawa ang morning routine ko.

Noong natapos na ako sa pagligo at pagbihis ay bumaba ako at gaya ng dati ay nag-on na ang mga ilaw at bumati saakin si Murd. Noong napunta ako sa kusina ay nakita ko roon na gising na si Tito kaya binati ko na rin siya.

"Hi 'To, ang aga mo ata?" Tanong ko at pumunta sa kalan para magluto ng pagkain ko.

"Actually Sir, Sir Michael has been up for 1 hour, 48 minutes, and 23 seconds now." Sabat ni Murd kaya napalingon ako kay Tito. 'Ang unusual na alas-4 palang gising na siya' napakibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagluluto.

"Iho, sa tingin ko may kailangan na akong sabi—" "— Sir may incoming call ka mula sa Principal ng School" "—... sagutin mo muna iyon anak" napalingon ako kay Tito at sa kisame na alam kong may camera.

Lumapit ako sa telephone at inaccept ang holocall. Nagpakita ang hologram ng Principal na nakasuit at napakapormal talaga ng suot.

"Hello Dear Students of SIA, sad to announce that even if you are all new to the school, there will be a 3 week cancellation of classes due to the bombing that occured last night. We hope you all understand the issue we are facing and we hope you all have a wonderful week." At pagkatapos noon ay nawala na ang hologram. Napatitig lang ako roon at pi-nlay ulit ang clip.

Napansin kong may nakalink na photos kaya sinelect ko iyon at pinawide. May sampung set ng photos ang nagpakita at kitang kita rito ang pagkawasak ng school. May mga debris ng concrete ang pakalat kalat at sa isang photo ay may isang normal at parang sinadyang hindi sirain na vandalized wall na nakalagay ay "We are Watching".

Inexit ko na ang hologram at pumunta muli sa kusina at nadatnan si Tito na nakahalumbaba at parang nagsisisi.

"Murd, set a reminder three weeks from now na babalik na ako sa school. Also, set an appointment with Dr. Velasco this week. Magpapacheck up na ulit ako. Ikaw 'To?" Lingon ko sakanya. Tumango lang si Tito kaya dinugtungan ko na "At pati si Tito"

"Affirmative, Sir. Reminders set to Thursday, 2 days from now. And Monday, 2 weeks from now. Anything Else?" Sagot ni Murd saakin. Napaisip ako habang nasa bibig ko ang kutsara ko.

"Hmmm. Open the lab. Bibigyan ulit kita ng Upgrade." Sagot ko matapos ang limang minutong pag-iisip. Sumagot lang ng "Affirmative, Sir" si Murd at nanahimik na.

"So ano yung sasabihin niyo dapat 'To?" Sabi ko sakanya kaya umangat ang tingin niya saakin. Bumuka na ang bibig niya para magsalita pero sinarado niya rin ito. Nanahimik nalang ako at kumain ng hindi pinepressure si tito.

Noong natapos na ako kumain at ilapag sa lababo ang pinagkainan ko ay dumiretso ako sa room ko, at pumasok sa walk-in-closet.

Noong nakarating ako roon ay tinrace ko ang pader hanggang sa may nakapa akong button sa likod ng makapal na hangeran. Noong napadaan ang daliri ko roon ay pinindot ko ito kaya biglang bumaliktad ang kama ko sa likuran ko.

Humarap ako sa kama ko at nakita ang pamilyar na asul na ilaw mula sa isang vault door sa sahig. Pinuntahan ko ito at binuksan ng mabilisan. Noong bumukas ay nag-emerge ang mga steps mula sa pader sa likod ng Vault Door.

Tumapak na ako pababa hanggang sa naapakan ko na ang floor. Biglang umilaw ang buong lab at mapapansin ang tambak tambak na spare parts na holographic, ang pagkalaki laking 3D printer, at mga Models ng mga Robots sa paligid.

Dumiretso ako sa work table ko at nagopen ng bagong draft, at sinimulan na ang paggawa sa bagong upgrade kay Murd.

"Murd, Activate BotHelper 1, 2, and 3" sabi ko habang sinaslide ang daliri ko sa paligid at may parts na lumilipad sa direksyon na iyon. Hindi nagtagal ay unti unti akong nakabuo ng parang puso ng robot, bilog at puro wires.

Clash Of Zodiacs || Save The ZodiacsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon