Chapter 5: Fishes and Eggs

2 0 0
                                    

Daniel's POV
     Naglalakad kaming tatlo papunta sa St. Eridanus Bay, ang 2nd City, habang nag l-loot at nag f-farm.

Hindi nagtagal ay may nakita kami na Arrow Sign na may nakalagay na "Eridanus Bay" at may mga salbabida na nakasabit.

Sinundan namin ito at natagpuan namin ang isang malawak na beach sa di kalayuan kaya nagtakbuhan ang dalawa kong kasama.

"MAUNA SA BEACH MAY LIBRENG 10,000 MULA KAY BOSS" Sigaw ni Pots kaya nakipag-unahan pa si Tyler sakanya.

Tumatawa na nag-jog ako sa likuran nila, habang natatawa sa pagtutulakan ng dalawa, bigla akong nakarinig ng mahinang crack ng isang sanga.

Nilingon ko ito pero isa lang palang kuneho....... na gold?

Pinatamaan ko ito ng isang mahinang spell na iniwasan nito. Inatake ko ulit to at inatake habang iwas lang ito ng iwas.

Naasar ako kaya nagcast ako ng AoE spell kaya namatay rin ang kuneho. Lumapit ako dito at nag-squat habang nakatitig dito, nang biglang nagkaroon ako ng notif.

'You have successfully hunted the Golden Hare. +10 points to Hunting and +20 to Cooking'

Napatitig lang ako sa Kuneho na biglang nagdematerialize, at naging itlog na may golden bow sa tuktok.

Hinawakan ko ito at lumiit ito at naging parang quail egg. Hinawakan ko lang ito at naglakad papunta sa direksyon ng beach.

Pagkarating ko doon ay nag w-wrestling na ang dalawa habang nagbabangayan kung sino ang nauna sa beach.

"UNFAIR! AKO TUMAPAK AKO SA TUBIG UNA!"
"HINDI AKO NANALO KASI AKO NAUNA DITO SA PANGPANG, IKAW NASA ERE KA PA AT LUMANDING KA PA SA TUBIG"
"AKO NANALO!"
"AKO!"

Napa-iling nalang ako sa ugali ng dalawa at tahimik na binigyan silang dalawa ng tig- 5k na cash.

Napatigil ang dalawa at napatitig sa notif nila na nakaharang sakanila ngayon.

"F-5k?!"
"I-Ikaw rin?"

Napatitig silang dalawa sa isa't isa at napatingin saakin na hawak hawak ang ngayong normal-sized egg.

"Huy ba't may itlog ka dyan?" Lapit saakin ni Pots at tinitigan lang ang itlog na hawak hawak ko.

"Hindi ko rin alam. Nakita ko lang kanina eh" sabi ko. Hindi yun ang totoong nangyari pero hindi rin naman pagsisinungaling 'yon.

"Hmm, siguro rare. May Gold Bow eh" suhestiyon ni Ty.

Napatingin ako sakanya, at balik sa itlog, at sa kay Pots naman, na nagkibit balikat lang. Binalik ko ang nagtatakang tingin ko sa itlog.

Inipit ko nalang ito sa pagitan ng hita ko at tumingin sa inventory ko. Napansin ang isang item na bago, isang singsing.

Inequip ko ito at napansin na kasing size nito yung itlog kanina noong maliit. Hinawakan ko ang itlog at noong lumiit ay sinuksok ko ito sa singsing.

Biglang may nagpakita saaking stats mula sa singsing. Marami ritong nakasulat pero una 'kong napansin ang "Time to Hatch" at "Species".

Nakasulat sa Time to Hatch ay "3 weeks, human time" tapos ang species ay "Golden Pets". Pinindot ko ang Species niya at nakakita ng mga pangalan ng iba't ibang pets na naka-gold ang font.

Iilan dito ay Dog, Goldfish, Robin, Bunny, Snake, at iba pa. Nagscroll ako at nakita ang iibang names na naka-red. Mga pets na 'to ay mga Bat, Wolf, Cobra, Piranha, at Baby Dragon.

Inexit ko ang tab at sinundan ang dalawa na kanina pa pala naglalakad. Napadpad kami sa isang beach front, may mga booths na gawa sa Coconut Tree Wood, tapos ang theme nila ay parang pang Hawaii noong Early Times.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clash Of Zodiacs || Save The ZodiacsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon