Chapter 2 : The Event

49 5 1
                                    

Daniel's P.O.V

"Welcome, RedBloodHell, to Clash Of Zodiacs!"

Bati saakin ng boses. Lumingon ako sa paligid ko at ang unang bumati saakin ay ang mga players na nagkukwento-kwento, at mga players na nagma-materialize mula sa kawalan. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko at para talaga akong napunta sa ibang lugar at hindi sa isang game.

Tiningnan ko ang aking kamay at doon ko lang napansin ang dalawang orange na ilaw sa dulo ng daliri ko. Mayroon ring isang arrow sa tapat ko na tumuturo mula taas pababa. Sinunod ko ito kasi parang importante. Noong kinumpas ko ang dalawang daliri ko pababa ay may tab na lumabas

"Here is your 'options' tab, you can log out here or change the settings to your preference!" Sabi ng isang fairy na nagpakita sa tabi ko. May suot itong mala-dahon na damit, at may green na pakpak. Doon ko lang napagtanto na isa siyang guide.

Napatingin ako ulit sa tab at ngayon may bilog na highlight ang 'X' sa may gilid. Pinindot ko iyon at nag-exit ang options tab at mayroon namang bilog sa isang shard sa pulsuhan ko.

Pinindot ko iyon at bumungad naman saakin ang isang tab na puro blangkong kahon. Sa tabi ng mga kahon ay ang itsura ko na may mga kahon rin sa paligid.

"Great! This is your inventory and character settings. You can tap on Skills, Upgrades, or Inventory to switch pages. Let's go get your weapon!" Mahabang litanya saakin ng fairy guide. Pinindot pindot ko muna ang 'Skills' at may malaking skill-tree na pwede kong pagpilian. Pinindot ko ang Upgrades at nandoon lahat ng pwede kong i-upgrade sa character ko, Dexterity, Strength, Speed, at marami pang iba.

Inexit ko na ang Inventory tab ko. Napansin ko ang malaking arrow sa sahig na parang may tinuturo saakin na sundan ko.

"Follow the trail to meet up with the Weapons Maker, Bruce!"

Sinunod ko ang arrow at bumungad saakin ang isang shop na punong puno ng mga players. Bago ko pinuntahan ang trigger-zone ay in-off ko ang 'characers while tutorial' kaya noong pagexit ko ng tab ay ako nalang ang natitirang player.

Lumapit ako sa Weapons Maker at bigla siyang lumingon saakin.

"Ah, 'ye must be RedBludHell 'eh? I'v he'rd 'bout 'ye in these parts of town" sabi ni Bruce sa makapal na Scottish accent. Tumango lang ako kaya nagpatuloy ang NPC sa pagsasalita

"'Ye must be lookin' fo' weapons, aye? Well I'v got the perfect thing!" Saad niya at pumunta sa likod ng kanyang counter at may kinuha.

Pagkalabas ng kinuha niya ay isa itong brown na staff. Mayroon itong blue shard na nakaukit sa dulong taas nito. Ang taasan nito ay naka curve na may mga diamanteng nakaukit sa gilid. Ganoon rin sa baba na puro diamonds at may pacurve rin. Punong puno rin ang katawan nito ng mga salitang hindi ko maintindihan.

"'Er's t'e weapon! 'Tis weapon has been passed down from my great great uncle who has helped 'ya mages. Take good care of 'dis staff. It does 'ya mighty well for a beginner" sabi ni Bruce at pinasa saakin ang staff.

Noong hinawakan ko ito ay biglang naging parang pixels ito at dumiretso sa pulsuhan ko, kung nasaan ang shard ko.

"Great! Now let's go get your Armor! Follow the Arrows to go to the Armory and talk to Hilda!" Sabi ng fairy sa gilid ko kaya lumabas ako ng shop ni Bruce.

Noong napansin ko na ang arrow ay sinundan ko ulit to. Napadpad ako sa tapat ng isang shop na may malaking babae sa tapat. Malaki ang bulto ng babae at parang Valkyrie na makikita lang sa mga fantasy books noon.

Clash Of Zodiacs || Save The ZodiacsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon