Alam nyo ba yung feeling na sa chat mo lang sya nakilala, nakakausap? Di mo alam kung sya ba talaga yun. Di mo marinig rinig boses nya dahil lagi syang palusot pero hindi naman daw sya palusot.
Sa tingin nya siguro maniniwala agad ako pero hindi e. Bakit? Dahil ilang beses na sya lusot ng lusot. Kagaya ng masakit ang lalamunan nya raw, eh ilang beses nya na yun sinasabi.
Ang fboi talaga noh?! Basta FBOI🌵
Gusto ko man sya makita na nun sa una palang pero hindi pa pwede. Dahil malayo ako at ganun rin sya. Pwedeng magawaan ng paraan pero hindi talaga pwede.
"Magkikita rin tayo someday" -isa pa sa dahilan nya kapag gusto ko talaga marinig boses nya man lang.
Kahit kasi sa profile picture nya, di ako naniniwalang sya yun. Ang impossible~
Gusto ko rin man magpapicture pa sya ng isa para mapaniwala na talaga ako pero ayaw nya. Kahit sa message lang isend, ayaw nya talaga dahil nahihiya sya at di sya mahilig magpicture.
*Edi paano ka nakapagpicture at ginawa pang profile picture?
Sige nga!😒
Pati sa picture, ginagawa pa akong tanga. Tangang tanga na nga ako sakanya, pati sa bagay pa.
Mabuti ngang pagkatapos ng isang taon ay nakayanan kitang ialis sa puso't isip ko.
Nahirapan ako pero nagawa ko parin iyon.
Pero bat sa ilang taon, nagkita na tayo?!
Isang wattpader ako at ganun ka rin pala.
Akala ko kilalang kilala na kita pero..
Hindi pa pala.
BINABASA MO ANG
When Miss Wattpader Met Mister Wattpader [ONGOING]
FanfictionAno kayang pakiramdam na may lalake kang naging kaibigan at malaman mong mahilig rin syang mag basa ng wattpad? Syempre nakakatuwa dahil minsan ka lamang makakilala ng lalakeng nagbabasa ng wattpad. Una'y si Mister Wattpader ang nakakita kay Miss W...