Sachi's Pov
Dba sabi ko sainyo, ikwekwento ko din sainyo ito kahit kinalimutan ko na. Okay lang rin naman saakin. Nakakainis nga lang.
Nangyare din ito this 2016.
Pero bago natin ituloy yun, may lilinawin lang sa FIRST TIME na yan.
Di ko po first time makipag usap sa mga lalake ah. Syempre nung dumating ako sa mundo, ang first time kong nakausap na lalake ay si Papa💕 lahat naman tayo ay ganun e.
Yung nakikipag usap kasi sa chat lang hanggang katagalan ay yun ang first time ko.
May mga nakakausap naman pa akong ibang taong na di ko rin kilala pero sandali lang. Kagaya ng kapag tinanong ako na single ba ako, sasabihin kong hindi. Taken na ako, edi sineen nalang ako. O ito pa.. Biglaang sabing taga saan ako at may please pa yun ah. Edi syempre alam na natin ibig sabihin nun kapag "taga saan ka please?" ganyan~ Kaya syempre di ko sinabi at sinabi ko nalang. "Di ko alam e sorry" HAAHAHAH imagine nyo, nakakabwisit na sagot ko yun😂😂 at ayuuun.. Nanahimik rin sya.
Mahaba ba hair ko?👸 hahahaah JKSSSS
Pero ito talaga first time ko na ang taong matagal kong nakausap na sa chat lang.
Isang taong, sa chat ko lang rin nakilala. Sa facebook at sa messenger nya ako minessage nun.
Hanggang sa nag uusap kami.
Then matagal ang pag uusap namin nun. Bukas. Another bukas. Another bukas... Hanggang madaming bukas.
Hanggang sa isang araw ay... Niligawan nya ako. First time ko din yun.
Pero ang TANGA ko. Dahil sabi ko kasi sa una, first time ko magkakaroon ng boyfriend at pagiisipan ko pa kung anong isasagot ko sakanya.
Ayoko syang masaktan, hindi dahil may nararamdaman na din ako sakanya pero ayoko manakit ng nararamdaman na dahil pa saakin. Kahit di ko pa kilala yun~
Then, sabi nya naiintindihan naman nya ako at pagkatapos nun hanggang next day, di nya ako minessage.
Iniisip kong, galit ba sya saakin?
Pero akala ko ba naiintindihan nya ako?Kaya ako ng umunang kumausap sakanya nun.
"Uy.. Galit ka ba?"
Yung feeling na alalang alala talaga ako nun.
"uyy.. Wag mo naman ako iseen"
Oo. Sineseen nya lang ako.
"Sasagutin na kita"
Ang tanga ko noh?! SOBRANG TANGA!
"Talaga?" -reply nya
"Oo. Oo na. Tayo na" -Me
Kaya masayang masaya sya nun.
At may pang tawag na din sya saakin.
"Princess"
Yun ang tawag nya saakin. Kaya ayun.. Balik sa araw araw kaming nag uusap.
Never kami nag tawagan o video call. Kaya may isang araw na namang na di ko iniexpect..
"May sasabihin ako sayo... Sorry" -sabi nya
"Bakit ka nag sosorry" -Me
Kinakabahan ako nun. Hindi pa tumatagay ay....
"Break na tayo"
Di ko alam kung bakit nasasaktan ako.
Paalalang sa chat ko lamang nakilala tong taong toh. Aaminin kong nag go-go with a flow lang ako sakanya.
Pero bat ako nasasaktan?
"Hahha okay lang😂 alam ko namang mangyayare ito. Bakit mo ba ito ginawa? " -Me
"Just for fun😂😂"
Sa tingin nyang nakakatawa pero saakin ay hindi.
Para na rin kasi naituring ako nun na girlfriend at first ko yun. Pero.. Ayan.. Na "just for fun" tuloy pa ako.
Nag hahaha nalang ako sakanya nun at sineen nya nalang ako.
Kung itatanong nyong iniyakan ko ba sya? Pffft NO hahahahhah
Sa chat ko nga lang nakilala dba? Grabe naman kung iiyakan ko pa ang klaseng ganun.
Di talaga ako umiyak kahit masakit. Walang lumabas e.
Ang bait bait ko talaga noh?! Sobrang bait kong makipag usap kahit sino.
Kaya nga dba sinasabihan tayo noon ng mga mama o papa natin na dapat wag tayo kumausap sa mga strangers para di tayo mapahamak.
Pero ito paglaki... Kumakausap na.
Hindi naman ako napapahamak. Pero.. Bat ba ako nasaktan nga? Hindi ko masabing mahal ko na yun. I swear.
Nakakainis dba?
At ngayon... Si Mister Wattpader naman ang lalaro saakin at ang bagong laruan ko rin.
Porke ba mabait ako, ginaganito na kami? Ginagawang "JUST FOR FUN"
Gusto ko man mag bago pero malambot talaga puso ko eh.
Matapang man ako pero may lambot parin puso ko.
Wala eh... Ganito si Sachi Alfonso.
BINABASA MO ANG
When Miss Wattpader Met Mister Wattpader [ONGOING]
FanfictionAno kayang pakiramdam na may lalake kang naging kaibigan at malaman mong mahilig rin syang mag basa ng wattpad? Syempre nakakatuwa dahil minsan ka lamang makakilala ng lalakeng nagbabasa ng wattpad. Una'y si Mister Wattpader ang nakakita kay Miss W...