Sachi's Pov
Naka ilang oras din ako nakapag pahinga at nakatulog din ako.
Time checked: 8:44pm
Kaya bumangon na muna ako at lumabas ng kwarto.
Ang tahimik ng bahay. Parang walang katao-tao dito kundi ako lang... Ba? Hahahaha
Kaya naisipan ko uling pumunta sa kwarto nina Christian at Sean.
At nakatulog din sila😊
Kaya hindi na ako ng distorbo pa at sinarado uli ang pintuan nila ng dahan dahan.
Iniisip ko kung ano namang gagawin ko ngayon. Wala ako magawa. Gusto ko man lumabas at magikot ikot na atleast man lang makapagpa-hangin.
Wala talaga ako magawa eh. Hahha.. Oo, hindi ko uli naidala ang guitara ko😊
Pero bigla ko na naman naisip ang story ko.
JB's Pov
Ano kaya ginawa ni Sachi ngayon?
Gusto ko sya tawagan man lang pero... Iniisip ko baka natutulog yun.
Yoana is calling.....
Andito na naman tayo.
Phone conversation:
"Napatawag ka?" -Me
"Wala lang. Pwede ba tayo lumabas bukas? Nabobored ako eh" -Yoana
"May pupuntahan ako bukas" -Me
"Ganyan ka naman eh. Saan ka pupunta?" -Yoana
"Dyan lang. Gusto ko muna mapag-isa" -Me
"Mapag-isa? O ma-solo si Sachi?" -Yoana
"Hahahaah anong ma-solo si Sachi? Hindi noh. Gusto ko nga mapag-isa dba. Sige na! May ginagawa pa ako ngayon" -Me
Hindi ko na hinantay pang makasagot sya dahil pinatayan ko na agad sya.
Sabing, wala na ako pakealam sakanya e😒
Author's Pov
Napaisip tuloy si Yoana kung ano na naman ang inaabalahan ni JB.
Gusto nya agad malaman kung anong ginagawa nya at saan sya pupunta bukas. Kaya naisipan nya ding tawagan si Clark.
Tinatawagan nya ito pero di sumasagot sa una. Nang tinawagan nya uli ay hindi parin sumasagot.
"Pati pa naman toh, busy sa buhay nya!" -Yoana
Maya't maya ay si Clark na ang tumawag sakanya at nainis pa lalo si Yoana ng maisagot nya iyon.
"Oh!? Bat hindi ka sumasagot?!" -Yoana
"Sorry, Yoana. May pinautos lang saakin kanina, kaya hindi ko na nadala cellphone ko. Ano ba yun?" -Clark
BINABASA MO ANG
When Miss Wattpader Met Mister Wattpader [ONGOING]
FanficAno kayang pakiramdam na may lalake kang naging kaibigan at malaman mong mahilig rin syang mag basa ng wattpad? Syempre nakakatuwa dahil minsan ka lamang makakilala ng lalakeng nagbabasa ng wattpad. Una'y si Mister Wattpader ang nakakita kay Miss W...