Sean's Pov
Nang makarating ng pamilya ni Sachi dito sa ospital ay iyak nalang ng iyak si Tita sa nalaman na nyang nangyare.
"Nasaan na yung lalake na yun?" - Tito
"Wag na po natin sya hanapin dahil hinding hindi na sya babalik pa dito" -Me
"Eh paano nalang yung naging samahan nila nun? Yung nararamdaman nya sakanya?" -Tita
Kinagulat ko ng sinabi nya iyon.
"May nararamdaman na po si Sachi kay JB?" -Me
"Sa tingin ko ay oo. Kasi noong bumalik sya saamin para alagaan din papa nya... May araw nun na nakita namin si JB sa telebisyon tas... Nagseselos nun si Sachi ng makita nyang may kasama si JB nun na babae. Kitang kita ko sa itsura nya nun na nagseselos talaga sya at... Hindi nya lang pa maamin saakin na may nararamdaman na sya" -Tita
Nakikita ko din naman yun kay Sachi eh. Ayoko lang ipagpatuloy nya pa yun kaya hindi ko tinatanong sakanya ang tungkol sakanila ni JB. Pero oo.. Minsan. Pero sa pagiging kaibigan lang namin yun.
"Wag na po natin sya isipin pa dahil ganun din naman si Sachi pagka gising nya" -Me
"Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyare sa anak natin, Pa. Pati din ba ugali nya, mababago na? Yung pagiging makulit nya, madaldal.... Mawawala na ba yun?" -Tita
"Ma, wag mong iisipin yan. Walang mawawala sakanya kundi ang alala nya" -Tito
"Yun nga, Pa eh. Pero maninibago sya ngayon na parang... Kakalabas nya lang sa mundong na ito. ...Nakakalungkot tignan. Naaawa ako sa anak natin" -Tita
Wala ng naisagot pa si Tito kaya pinakalma kalma nya nalang si Tita.
At nang may lumapit na ditong doktor na kanina ko lang nakausap sa opisina nya.
"Kayo na po ba mga magulang nya?" -Dok
"Opo. Kami na po yun. Ano na po nangyare sa anak namin?" -Me
"Okay naman po ang pakiramdam nya pero nasa coma parin po sya at pwede na po kayo pumasok sa kwarto nya" -Dok. Sabay pag tango nya saamin.
Kaya ng makapunta at makapasok na kami sa kwarto ni Sachi ay kahit nandito sa ospital at nakaiga dito ay maganda parin sya. Ito na ako nagsisimulang mamiss sya. Hahhaha
"Anak ko... " -sabay pag halik ng nanay nya sa kanyang noo. "Anak.. Andito na kami ng Papa mo" -Tita
Pati si Christian ay nakisali din pag ddrama ni Tita pero nagpakilala na muna sya bago nya ginawa yun.
"Ah.. Hello po, Tita. Ako nga po pala si Christian at isa din po ako sa kaibigan ni Bunso. Tsaka kaya yun po tawag ko sakanya dahil sya naman po talaga ang nag iisang bunso namin sa bahay😊" -Christian
"Maraming salamat din saiyo, Christian. Isa ka din palang taga protekta ng anak ko. Salamat :)" -Tita
"Walang anuman po yun" -Me
At bumalik naman ang tingin ni Christian kay Sachi na sabay sabing "Sachi bunso... Si Christian ito.... Hindi ko maimagine na hindi mo na ako maalala pa pagka gising mo. First time mo na ako nun makitang umiyak habang tinitignan kita at ikaw... Napapaisip kung sino ako. Sino ako sayo? Ansakit isipin, Bunso. Daig ko pang nawalan ng anak. O.. Wag anak! Parang antanda ko na ah hahaahha. Pero parang daig ko na ding kapatid kita at ito si Kuya mo... Nag ddrama. Wala na pake sa mundo, basta para sayo. Mahal na din kita bilang kaibigan, yung taong laging nandyan, ang bunso namin sa bahay..." -Christian
BINABASA MO ANG
When Miss Wattpader Met Mister Wattpader [ONGOING]
Fiksi PenggemarAno kayang pakiramdam na may lalake kang naging kaibigan at malaman mong mahilig rin syang mag basa ng wattpad? Syempre nakakatuwa dahil minsan ka lamang makakilala ng lalakeng nagbabasa ng wattpad. Una'y si Mister Wattpader ang nakakita kay Miss W...