CHAPTER ONE

6K 147 8
                                    

This is dedicated to you ate JhingDionesio . Sensya lang po kung medyo natagalan ako sa pag-post. Maraming salamat po sa patuloy na pag-aabang at suporta. Mwa 😘

"DAD, I missed you!" masiglang salubong ni Cristina del Martin sa kanyang ama nang makababa sa kotse.

"I missed you too, Tina!" mahigpit na niyakap siya ni Don Sancho. Ang ama niya.

Kauuwi lang ni Cristina galing Mexico. Doon siya nag-aral at nagtapos ng kolehiyo, ngayon ay muling nagbabalik Pinas, sa Koronadal City Mindanao.

Hindi na pinatagal pa ng ama niya't inanyayahan na siya sa hapagkainan.

"What do you want to do after this, hija? Gusto mo ba muna magpahinga o gusto mong mamasyal?"

"Gusto ko pong mamasyal, dad. I really missed my hometown, hindi na halos ako makapaghintay na makita ulit ang Hacienda del Martin!" nasasabik na sagot niya.

Ang Hacienda del Martin ay negosyo pa ng mga kanununuan nila na ipinasa sa mga sumunod na henerasyon. Masyadong malaki at malawak ang lupain ng nasabing hacienda at dalawa lamang sila ng pinsan niyang si Lucas ang magmamana no'n sa henerasyon nila ngayon. Idagdag pang kasalukuyang nakatigil ang pinsan niya sa Maynila sa pudir ng asawa nitong si Marjorie. Doon daw muna ito maninirahan para mas maalagaan ng mabuti ang babae.

"Oh, I really want to go with you, hija, kaya lang may importanteng meeting pa ako sa isang big-time client." nasa tono ng ama ang panghihinayang.

Nakakaintinding tumango siya. "It's okay, dad."

"Papasamahan nalang muna kita kay manong Kador, but I'll make sure na babawi ako some other time para masamahan ka ng personal, hija."

"Kahit hindi na po, dad, hindi naman po siguro ako mawawala ro'n." pilya niyang sagot.

"Masyadong malaki ang hacienda at ilang taon ka na ring hindi nakakapunta ro'n, mabuti nang siguradong may kasama ka't hindi ka maliligaw."

Si manong Kador na tinutukoy nito ay isa sa mga trabahador sa hacienda nila na siyang pinakamatagal at pinakapinagkakatiwalaan na ng kanyang ama.

"Okay po."

Pagkatapos kumain ay kaagad na siyang pinahatid ng daddy niya sa driver nila patungong San Isidro kung saan matatagpuan ang Hacienda del Martin. Pagkarating ay sinalubong din kaagad siya ng tauhang tinutukoy ng daddy niya na si manong Kador para samahan siya sa paglilibot sa hacienda.

"Matagal na po kayong nagtatrabaho rito, manong?" aniya habang manghang nakatanaw sa malawak na kapaligiran ng hacienda.

Nasa bakanteng lote sila at tanaw na tanaw ang kagandahan ng paligid.

"Matagal na po, maam. Bata pa po kayo noon no'ng dinadala kayo ni Don Sancho rito at nagsisilbi na ako rito sa hacienda."

Naalala nga niya. Grade schooler palang siya noon nang sinasama siya ng daddy niya rito sa hacienda pero syempre hindi na niya naaalala yung mukha ng mga trabahador kasi masyado nang matagal iyon at masyadong maraming tauhan ang nagtatrabaho sa malaking hacienda. Hindi na rin siya nakapunta pa rito magmula nang nag-aral siya ng sekondarya sa Mexico at ngayon na lamang ulit na nakabalik na s'ya ng bansa. Ilang taon na rin talaga ang nakakalipas...

Sa paglalakad-lakad, nakaabot sila hanggang sa taniman ng mga mangga.

"Tikman n'yo ho, maam!" nag-abot ang isang tauhan ng isang hinog na mangga sa kanya na pinitas nito sa nadaanan nila.

Excited naman niyang kinagat iyon para tikman. "Tastes good, kuya!" namamangha niyang pahayag.

"Talaga po, maam?"

Forever And A Day (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon