CHAPTER THREE

3.4K 99 1
                                    


"AYAN, maayos na yung Wrangler mo."

Napangiti si Cristina nang pagkatapos ng halos isang oras ay naayos muli ni Miguel ang mga nakumpuning sira ng sasakyan nilang Wrangler.

Isang linggo kasi ang nakalipas magmula nang mamasyal siya kina Marcus at Loreen ay dito naman s'ya ngayon napunta kina Miguel dahil panay ang palitan nila ng texts kung kailan ulit sila magkikitang dalawa para maayos na ng binata ang sasakyang may sira at matagal nang nakabakante sa rancho na hindi na nagagamit pa.

"Maraming salamat, Miguel ha? Magagamit na ulit 'to ng mga tauhan para sa delivery ng mga order ng mga kliyente sa mga produkto sa hacienda."

Tumango at ngumiti si Miguel. "Walang anuman."

"Miguel anak saka maam Cristina, hali na muna kayo sa loob para kumain." mabait namang pag-aanyaya bigla ng ina ng binata sa kanila sa pagkain.

Narito sila sa mismong bahay nina Miguel at halos naabutan na rin sila ng tanghalian bago natapos ng binata ang pag-aayos kaya nararamdaman na rin ni Cristina ang gutom.

"Pasensya na ho kayo at 'yan lang yung nakaya namin, maam Cristina ha?" anang ina ni Miguel nang nasa hapagkainan na sila at inihain na nito ang kanin kasabay ng piniritong itlog at isda na ulam.

Agaran siyang umiling. "Naku, ayos lang po, auntie! Ako pa nga yung dapat mahiya kasi nag-abala pa po kayo."

"Ano ka ba! Hindi ka ho nakakaabala, maam! Masaya nga ho akong nandito kayo at nakikita kong masaya rin ang anak kong si Miguel." sinulyapan nito ang anak.

"Oo nga, maam Cristina! Masaya si kuya Migs kasi pumunta ka rito sa bahay!" dugtong pa ng kapatid ng binata. Iyon yung mukhang high schooler na kasama rin noon ni Miguel sa tubuhan na nagha-harvest.

"Tumahimik ka, Kiko!" tawa ni Miguel saka mahinang sinuntok ang nakababatang kapatid.

"Eh, totoo naman, kuya Miguel! Kung makangiti ka nga kanina pagkakita palang kay maam Cristina eh, parang ganito oh!" in-execute pa talaga ng makulit na si Kiko ang maligaya umanong ngiti kanina ni Miguel nang pagkarating palang ni Cristina.

Natawa nalang siya sa asaran ng magkapatid kaya pati si Miguel ay tatawa-tawa na rin lang habang umiiling.

"Sige na. Tama na muna 'yang asaran at kumain na tayo!" marahang saway naman sa dalawa ng ina ng magkapatid.

"Opo, nay!" nag-chorus pa ang dalawang lalaki.

Napapangiti si Cristina habang kumakain. It really feels great to be in this house. Kahit simpleng bahay, gawa sa nipa at maliit lang, kahit wala masyadong masasarap na pagkain pero at least, masasaya yung mga taong nakatira unlike their big, luxury house. Oo nga't malaki ang mansyon, maraming masasarap na pagkain pero hindi pa rin talaga niya maiwasang makaramdam ng kakulangan minsan dahil dalawa lang sila ng daddy niya ang magkasalo. Walang ina o mga kapatid na makakakulitan. Oo nga't no'ng nabubuhay pa ang ina niya no'ng bata pa s'ya ay masaya rin sa hapagkainan ngunit nang pumanaw iyon ay naging dalawa nalang sila ng daddy niya at hindi niya maiwasang malungkot talaga minsan.

Dito sa bahay nina Miguel, pakiramdam niya'y nakakita siya ng pangalawang pamilya. Ina sa katauhan ng inay ng binata at kapatid sa katauhan ni Kiko. She loves this feeling and she even wants to treasure this forever.

Kinagabihan nang araw na iyon ay nakakwentuhan ni Cristina ang pinsang kasalukuyang nakalagi sa Maynila kasama ng asawang si Marjorie. Tumawag kasi sa kanya si Lucas thru Skype.

Forever And A Day (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon