"YES, malapit na 'ko. Papunta na 'ko diyan." ani Cristina sa kaibigang katawagan habang nagda-drive siya ng sariling kotse isang umaga.
"Sige, dalian mo ha? Excited na 'ko masyado na makita ka ulit, babaita ka!" tumawa ang nasa kabilang linya.
Natawa rin siya. "Opo!"
Natapos ang tawag at saka naman biglang huminto ang kotse n'ya dahil nasiraan.
Shit! Hindi niya napigilang mapamura dahil sa pagkainis nang bumaba ng kotse para tingnan ang sira. Ngayon pa talagang nagmamadali ako!
Parang nagdilang anghel naman siya nang biglang may isang luma at karagkarag na motor ang tumigil sa tapat niya para tulungan siya.
"Maam? May problema po ba?"
Napalingon siya sa pamilyar na boses at palihim na nagdiwang sa loob-looban nang makita si Miguel.
Mukhang nagulat din ito nang marekognisa siya. "Maam Cristina, kayo po pala 'yan!"
"Ah, oo. Nasiraan kasi ako bigla eh. May importante pa naman akong pupuntahan." aniya sabay tingin sa kotse niya.
Tinigil muna nito ang motor nito sa isang tabi para bumaba at tingnan naman ang sira ng sasakyan niya. "Ah, alam ko 'to. Madali lang po 'to. Makakapaghintay po ba kayo ng sandali para ayusin ko 'to para sa inyo?"
"Talaga?" she was surprised and at the same time, amazed. "Marunong kang mag-ayos ng kotse?"
Ngumiti ito saka tumango. "Opo."
Tumango rin siya. "Sige."
Nag-umpisa itong gumalaw para pakialaman ang dapat ayusin sa sira ng kanyang sasakyan. Samantalang siya nama'y napatabi na lamang habang pinanunuod itong tila napaka-expert sa pag-aayos ng kotse niya. Hindi niya maiwasang mapahanga sa kaloob-looban habang pinagmamasdan ito lalo pa't tila mas nadadagdagan pa ang kakisigan nitong taglay sa ginagawa. Gwapo ito, maganda ang pangangatawan, mabait, matulungin, at magaling. Ano pa kaya ang hindi nito kayang gawin?
"Maam, try n'yo raw pong paandarin, tignan natin kung pwede na." anito makaraan ng ilang minuto.
Agaran siyang tumango at pumasok sa kotse para subukang paandarin ang sasakyan tulad ng sinabi nito, and vola! Umandar na nga ulit!
"It works! Finally!" naibulalas niya sa tuwa.
"Ayan, maam, maayos na po. Pwede na po kayong tumuloy sa pupuntahan ninyo." masayang sinabi ni Miguel.
Muli siyang bumaba para lapitan ang binata. "Maraming salamat."
Dumukot siya ng pera mula sa wallet niya at kaagad na inabot dito.
"Wag na po, maam. Ayos lang po, hindi po ako nanghihingi ng bayad." agaran namang pagtanggi nito sa bayad niya.
"Tanggapin mo na. Kahit pang-meryenda mo lang!" she insisted.
"Hindi na po talaga, maam. Ayos lang po. Nagkataong naabutan kitang kailangan mo ng tulong kaya tinulungan kita pero hindi po ako magpapabayad, maam." paninindigan nito.
Hindi niya mapigilang mas mapahanga pang lalo kay Miguel. Ba't ang bait ng nilalang na 'to? Hindi na nga nakapagtataka kung bakit pantasya ng mga kababaihan sa San Isidro itong si Miguel tulad ng sinabi ni manong Kador no'ng isang araw. Bukod sa magandang lalaki na, napakabait pa!
BINABASA MO ANG
Forever And A Day (Completed)
RomansaUnang pagkikita palang nina Cristina at Miguel ay nagmahalan kaagad sila, kahit pa mala-prinsesa ang dalaga at trabahador lang sa Hacienda nila ang binata. Nang malaman ng ama ni Cristina ang pakikipagrelasyon kay Miguel ay pilit silang pinaglayo at...